top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Numero | Oct. 2, 2024



Dear Maestro,


Isa akong ilaw ng tahanan. Akala ko magiging okey na ang kalagayan namin dahil may trabaho naman ang mister ko. 


Pero sa kasamaang palad, bigla siyang nawala ng trabaho. Kaya naman ngayon, hirap na hirap kami. Apat ang mga anak namin, at unti-unti na rin kaming nababaon sa pagkakautang. 


Maestro, makakahanap pa kaya muli ng trabaho ang mister ko? Tama rin ba ang iniisip ko na maghanap na rin ng trabaho? Sa tingin ko kasi kailangan na talaga namin magtrabaho para naman lumuwag-lumuwag na rin ang buhay namin, at makapagbayad na rin kami sa mga pinagkakautangan namin. 


Isa pa, nahihiya at ayaw na rin naming umasa pa sa kani-kanyang magulang namin. 

Ang birthday ko ay February 5, 198, habang December 10, 1981 naman ang birthday ng mister ko.

 

Umaasa,

Glo ng  San Vicente, Jaen, Nueva Ecija


Dear Glo, 


Ayon sa birth date mong 5, sa zodiac sign na Aquarius, at sa destiny number na 8 (2+5+1981=1988/ 19+88=107/ 10+7=17/ 1+7=8), tama ang iniisip mo na tulungan ang iyong asawa sa pagtatrabaho upang mas madali kayong makaahon sa kahirapan, makapagbayad sa mga pagkakautang upang tuluyang umasenso ang inyong pamilya.


Kung saan, dahil ikaw ay may birth date na 5, mas mainam kung mag-a-apply ka sa abroad ngayong taon o sa susunod na taon, kapag ginawa mo ‘yan, mararamdaman mo agad ang suwerte, isang mabunga, at mabiyayang pangingibang-bansa na itatala sa iyong karanasan na siyang magiging daan, o simula upang unti-unti na kayong makaahon sa kahirapan, at sa mga pagkakautang, hanggang sa tuluyan na ring umunlad, at sumagana ang inyong pamilya sa aspetong pangkabuhayan.


Dagdag dito, ang birth date na 10 o 1 (ang 10 ay 1+0=1) ng mister mo ay nagsasabing suwerte rin ang asawa mo sa pangingibang-bansa, gayundin sa pagnenegosyo na may kaugnayan sa apoy, sa mga nilulutong bagay o pagkain, sa mga produktong ginagamitan ng init at elektrisidad, at sa iba pang mga produktong kauri nito.


Ayon sa Decadens ng iyong Kapalaran, sa sandaling sinunod n’yo ang mga simpleng rekomendasyon na inilahad sa itaas, tiyak ang magaganap, tulad ng nasabi na, sa taong 2024 o kaya’y sa susunod na taong 2025, sa nasabing panahon – kusang uunlad ang inyong kabuhayan hanggang sa tuluyan na rin kayong yumaman, na siyang nakatakda sa kapalaran ng mga taong naiimpluwensiyahan ng numerong singko at otso na tulad n’yo.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Numero | Sep. 30, 2024



Dear Maestro,


May dalawa akong boyfriend ngayon. Kaya sana matulungan n’yo ako kung sino ang dapat kong piliin sa kanila. 


‘Yung isa kong boyfriend ay legal, habang ‘yung isa naman ay illegal. Legal ang tawag ko kay Mr. Gemini, dahil siya ang ipinakilala kong boyfriend sa mga kaibigan at kamag-anak ko, samantalang si Mr. Virgo naman ay illegal, dahil lihim lang ang relasyon namin, kumbaga walang nakakaalam, kundi kaming dalawa lang. 


Pareho ko silang mahal, subalit mas matimbang ng kaunti si Mr. Virgo, dahil kahit alam niyang may boyfriend ako, hindi siya nagalit sa akin, at inunawa niya pa ang kalagayan ko. 

Kahit na ganu’n ang ginagawa ko, nagi-guilty din ako. Kaya nagbabalak na kong mamili sa kanilang dalawa. 


Maestro, sino kaya sa kanilang dalawa ang dapat kong piliin na maging asawa? 

Ang birthday ko ay September 28, 1995, habang si Mr. Gemini naman ay June 13, 1994, at September 13, 1994 naman si Mr. Virgo.  

Umaasa, 

Danicca ng San Isidro, Taytay, Rizal   



Dear Danicca,


Tumpak ang binabalak mong mamili ng isa sa dalawa mong boyfriend. Kung saan, ayon sa zodiac sign mong Libra, na may elementong air o hangin, at birth date na 1, ang 28 ay 2+8=10/ 1+0=1, sa destiny number na 7 (9+28+1995=2032/ 20+32=52/ 5+2=7), mas angkop sa iyo si Mr. Gemini na may birth date na 13 o 4 dahil ang 13 ay 1+3=4, habang sa zodiac sign naman niya ay may elemento ring air o hangin, at may destiny number na 6 (6+13+1994=2013/ 20+13=33/ 3+3=6). Kung saan, ang numerong 6 ay siya ring numero ng zodiac sign mong Libra na may ruling planet na Venus, kaya naman suwetung-suweto talaga kayo sa isa’t isa.


Mas ka-compatible mo talaga si Mr. Gemini, kung ikukumpara kay Mr. Virgo, kaya tama lang ang iniisip mo na mamili na lang ng isa sa dalawa mong boyfriend. Kaya naman, Danicca, si Mr. Gemini ang dapat mong piliin at makipag-break ka na agad kay Mr. Virgo, para mapalaya mo na rin siya sa kasalukuyang kahangalang ginagawa n’yo. 


Kapag naging tapat ka na sa iyong boyfriend at sa iyong sarili, tiyak ang magaganap, sa panahon ng iyong pag-aasawa, may pangako ng isang maligaya, maunlad at panghabambuhay na pagpapamilya ang nakatakdang mangyari at maganap sa susunod na taong 2025, sa edad mong 30 pataas.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Numero | Sep. 28, 2024



Dear Maestro, 


Mabigat ang problema ko ngayon. Dati nang nambabae ang mister ko, nahuli ko siya at nangako siya sa akin na ‘di na niya muli pang uulitin iyon. Pero wala pang isang taon ang nakalipas, may iba na naman siyang kinakalantari. 


Sa ngayon, balak ko na siyang layasan at tuluyang iwanan. Kung makikipaghiwalay ako sa asawa ko, may ikalawang pag-aasawa pa kayang mangyayari sa aking kapalaran? Kung saka-sakaling mayroon pa, sa ikalawang pag-aasawa na ba ako liligaya? Ang birthday ko ay May 2, 1982.

Umaasa,

Casumi ng Sabang, Baler, Aurora Province



Dear Casumi,


Ayon sa iyong mga datos, kung ang mister mo ay hindi naman isinilang sa zodiac sign na Virgo, Scorpio at Taurus, tama ka maaari nga kayong magkahiwalay, dahil hindi mo siya katugma o ka-compatible.


Subalit kung Virgo, Scorpio o Taurus ang zodiac sign ng mister mo, kahit pa mambabae siya uli, hindi pa rin kayo magkakahiwalay, higit lalo kung ang mister mong mahilig mambabae ay isinilang sa petsang 7, 16, 25, 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 at 31.


Gayunman, kung halimbawang nagkahiwalay kayo ng mister mo, dahil nga hindi mo siya katugma o ka-compatible, mas mainam kung mag-aasawa kang muli ay isaalang-alang mo ang mga nabanggit kong zodiac sign at birth date sa itaas. Kapag ganu’n ang nangyari, tiyak ang magaganap - sa piling ng nasabing lalaki, may pangako na isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya para sa iyo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page