top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| August 26, 2021



Dear Maestro,

May tatlong babae sa buhay ko ngayon na nakilala ko lang sa games at Facebook, tapos naging girlfriend ko na sila agad at naka-date ko rin silang lahat.

Narito ang mga birthday nila: Una ay si Ms. Gemini na isinilang noong June 14, 2000, pangalawa ay si Ms. Sagittarius na may birthday na November 29, 1999 at si Ms. Cancer naman na isinilang noong July 2, 1998, habang August 10, 1997 naman ang birthday ko.

Gusto kong malaman kung sino sa tatlong ito ang ka-compatible ko at kung sakaling mag-aasawa o magseseryoso na ako, sino sa kanilang tatlo ang maganda at masarap makatuluyan?


Umaasa,

Megalodon ng San Antonio, SFDM, Quezon City

Dear Megalodon,

Ang zodiac sign mong Leo ay nagsasabing higit mong ka-compatible ang GF mong isinilang sa zodiac sign na Sagittarius, kung ikukumpara sa zodiac sign na Gemini at sa zodiac sign na Cancer. Dahil dito, lumalabas na si Ms. Sagittarius na may birthday na November 29, 1999 ang higit mong ka-compatible kung Astro-Numerology na pag-aanalisa ang titingnan. Sapagkat ang zodiac sign niyang Sagittarius at Leo ka naman ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong fire o apoy.


Habang sa Numerology naman, ang birth date mong 10 o 1 (ang 10 ay 1+0=1) na strong number na may ruling planet na Sun ay suwetong-suweto isama sa isang weak number na 2 o 29 (ang 29 ay 2+9=11/ 1+1=2), na may ruling planet na Moon. Ang pagsasama ng Sun at Moon ay sadya namang tugma, maligaya at nagiging masagana habambuhay.


Ibig sabihin, kung sa tatlong girlfriend mo ay nagbabalak ka nang magseryoso sa isa lang, very good at ang dapat mong seryosohin na maging nobya at puwede mo na ring mapangasawa at makasama ng habambuhay ay wala nang iba kundi si Ms. Sagittarius na isinilang noong November 29, 1999. Sa panahon ng iyong pag-aasawa ay matitiyak ang isang mabunga at maligayang pagpapamilya habambuhay.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| August 25, 2021



Dear Maestro,

Ako ay 39-anyos na at may Canadian boyfriend. Gusto na niyang magkaroon kami ng baby, pero kahit mahal na mahal ko siya at ganundin siya sa akin, may takot pa rin akong nararamdaman. Sa edad kong ito, may chance pa ba kaming magkaanak, kung oo, magiging normal ba siya?

Ang birthday ng boyfriend ko ay April 12, 1976, habang ako naman ay August 5, 1982, ano’ng masasabi ninyo sa mga birthday namin, kami na ba ang magkakatuluyan at compatible ba kami?

Sobrang hilig ko sa mga babies at gusto ko na ring magkaanak, kaya sana ay tulungan ninyo ako para malaman kung ano ang dapat kong gawin bago siya umuwi rito sa Pilipinas.

Umaasa,

Ms. Leo ng Munting Ilog, Silang, Cavite

Dear Ms. Leo,

Sadyang compatible ang zodiac sign ninyong Aries at Leo, sapagkat ang Aries at Leo ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong fire o apoy.


Habang sa Numerology, ang destiny number mong 6 (8+5+1982=1995/ 19+95=114/ 11+4=15/ 1+5=6) ay tugma sa birth date niyang 3 (ang 12 ay 1+2=3) at sa destiny number niyang nagkataong 3 din (4+12+1976=1992/ 19+92=111/ 11+1=12/ 1+2=3). Ibig sabihin, sa Numerology, pareho kayong under sa grupo ng mga numero na kung tawagin ay series of 3-6-9.


Ibig sabihin, dahil tugma kayo sa Numero-Astrology na pag-aanalisa, tiyak ang magaganap. Sa kanyang pag-uwi rito sa Pilipinas, kayo na ang magkakatuluyan at magsasama habambuhay.


Ang pag-aanalisa namang makapag-aasawa ka talaga ng banyaga at makakarating sa ibayong-dagat ay madali namang kinumpirma ng iyong sulat kamay na matutulis at may magugulong hugis, na pang-foreign handwriting. Gayundin, ang birth date mong 5 kung saan karamihan sa mga taong nagtataglay ng numerong 5, 14 at 23, bukod sa nakapag-a-abroad ay nakapag-aasawa rin sila ng foreigner o indibidwal na palaging nangingibang-bansa at sa kanyang pag-aasawa, siya ay yumayaman.


Hinggil naman sa kinatatakutan mo sa edad na 39 kung magkakaanak ka pa at kung normal ba ang magiging anak mo, hindi ninyo ako natatanong, pero ako ay “menopausal baby”, dahil 46-anyos na ang aking Inang Talia nang ako ay kanyang isinilang bilang bunso sa 10 magkakapatid.


Ibig sabihin, kung 39 ka lang ngayon at kung pag-uwi ng boyfriend mo rito sa Pilipinas ay ipagpalagay nating 40 o 41 ka na, siguradong magiging malusog at matalino pa ang iyong magiging anak hangga’t dinadatnan ka pa rin ng buwanan mong dalaw. Dahil tulad ng naipaliwanag na sa itaas, ako ay menopausal baby, pero normal naman ako, walang deperensyang anuman sa pisikal na katawan, gayundin sa mental at emosyonal na aspeto.


Kaya tulad ng naipaliwanag na, matapos ang pandemya o sa sandaling puwedeng-puwede nang umuwi ang boyfriend mong nasa Canada, tiyak ang magaganap, ayon sa inyong mga datos, walang duda na makabubuo kayo ng isang simple, pero masaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| August 23, 2021



Dear Maestro,

Binata pa rin ako sa edad na 30 at dalawa na ang natapos kong kurso, pero bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong permanenteng trabaho? Kailan ako magkakaroon ng magandang career?

Gayundin, wala pa akong girlfriend. Naiinggit ako sa iba na kasabayan ko dahil may girlfriend at matatag na trabaho sila, habang ‘yung iba ay nakapagpundar na, pero ako, kahit career ay hindi ko ma-establish at wala pang girlfriend.

Sana ay matulungan ninyo ako upang magbago, suwertehin at umunlad ang aking buhay. October 24, 1990 ang birthday ko.


Umaasa,

Alfred ng San Jose, Ternate, Cavite

Dear Alfred, Ang unang dapat mong i-establish ay pakikipag-girlfriend dahil ang mga taong naiimpluwensiyahan ng numerong 24 o 6 tulad mo (ang 24 ay 2+4=6) ay kailangang magka-girlfriend upang sumulak ang kanilang libido.

Ang libido na ito ay wala namang gaanong kaugnayan sa sex, pero ito ang lakas na nagtutulak sa isang tao para siya ay sumigla. Sa totoo lang, eksakto ang salin ng mga Tagalog sa salitang “libido” na galing sa salitang Latin na “pleasure” o “lust”— ito ang tinatawag nating libog.


Pero ‘wag mong isipin na kapag sinabing “libog” ay palaging may kaugnayan sa sex o kalibugan tulad ng maling interpretasyon sa pananaw ni Sigmund Freud. Kapag kasi pinag-aaralan ang teorya ni Freud hinggil sa school of thought sa kursong psychology na psychoanalysis, ang tinatandaan ng mga nagbabasa ay ang sinabi niyang ‘ang motivating factor ay sex,’ na ibig sabihin, kumikilos at nabubuhay ang tao dahil sa udyok na kung tawagin ay sex drive.


Alisin muna natin ang salitang “sex” at palitan natin ng love. Hindi ba, kapag in love ka, hindi mo namamalayan na habang naghuhugas ka ng pinggan o nagwawalis sa inyong bahay ay pakanta-kanta ka? Kumbaga, may himig na kusang lumalabas sa iyong bibig upang ito ay isatinig. Ekspresiyon na ikaw ay masaya, kaya kusa kang nakalikha ng awit o himig na katugma ng nararanasan mong grabeng damdamin. Pero saan nanggaling ang tinig na ‘yun, bakit biglang lumabas?


‘Yan ang eksaktong depenisyon ng “libido” sa layman term. Dahil ganado ka, hindi mo namamalayang natuto kang bumuo ng himig o tinig nang hindi mo na alam kung bakit biglang lumabas at saan nanggaling.


Hindi pa ‘yun ang matindi, bagkus, hindi mo namamalayang nalinis mo na pala ang lahat ng bahagi ng inyong bahay, at nang dumating ang nanay at mga kapatid mo, hangang-hanga sila sa iyo at mapapatanong ang iyong nanay kung ano ang nakain mo at tila ganadong-ganado ka.


Ang totoo, wala kang nakain na anumang bagay, bagkus sa panahong ‘yun, nag-aalimpuyos ang libido na tinatawag ding “life force” o “power to create” sa kaibuturan ng napakalawak mong unconscious na katauhan, hindi mo ma-express at halos wala kang pagsiglan. Kusa ngang humulagpos ang sex drive na ito, kasi nga in love ka.


Ang totoo, sabay o complimentary force ng pag-ibig ang sex. Galing ‘yan sa loob ng iyong pagkatao at ‘yan din ang tinatawag na sex instinct, kung saan hindi mo ‘yan kayang kontrolin, dahil ‘yan ay galing sa iyong unconscious self.


Ito ang kulang sa maraming mga tao kaya sila ay bigo sa buhay at walang kalibog-libog sa katawan. Kaya sila walang trabaho, hindi makatagpo ng eksaktong career, palaging depressed at hindi maligaya. Kaya sila parang sinasayang ang mahalagang buhay natin sa mundong ito, ‘ika nga ng mga nanay, “Bakit kaya ganito ang anak ko, napakatamad, ayaw maghanap ng trabaho at tulog lang nang tulog sa bahay?”


Ang totoo, wala lang siyang gana o libido. Sabihin nating patay ang kanyang sexual drive nang mga panahong ‘yun, kaya kabaligtaran ng isang taong in love ang taong walang kalibog-libog sa katawan.


Ang masakit pa, ang taong walang gana ay kahit maghanap ng trabaho, kahit magtrabaho sa bahay o kahit ano ang gawin nila, ang akala ay wala ring magiging bunga kasi nga walang libog, walang gana.


Nar’yan ang hanap nang hanap ng trabaho pero hindi matanggap o natanggap nga, pero aalis din sa trabaho dahil walang sigla upang magpatuloy sa buhay kasi patay ang sexual drive.


Kaya ang unang aral na dapat ninyong malaman, lalo na ang mga Taong Sais at ang mga naiimpluwensiyahan ng zodiac sign na Scorpio ay kailangang pag-aralan at gisingin ang inyong “libog” sa katawan.


At ang pinakasimpleng paraan, kailangan ninyong ma-in love dahil ka-opposite sex ang mas madaling paraan para mabuhay ang inyong libido.


Bukod sa pakikipagrelasyon, ang isa pang bumubuhay sa libido ay tanungin mo ang iyong sarili, “Ano ba ang pinakagusto kong gawin at maligayang-maligaya ako habang ginagawa ko ito?” Kung ako ang sasagot sa sarili kong tanong, “Ang pinakagusto kong gawin ay maglaro ng chess sa buong maghapon o manood ng mga World War II movies.”


Habang ikaw, kailangan mong matuklasan ang gusto mong gawin upang ‘wag mabansot ang iyong libido. Tulad ng nasabi na, bukod sa pakikipagrelasyon, gawin mo ang gusto mo upang ma-release ang natutulog na life force sa iyong unconscious na pagkatao.


Sa ganyang paraan, ‘pag gising na ang “libog” sa iyong katawan, ‘pag buhay na ang sexual drive, kumikilos na ang life force ay gaganahan ka na at kusang aandar ang iyong pagkatao sa isang mas produktibo at kapaki-pakinabang na mga araw.


Oo, hindi lang dahil in love ka, bagkus, natagpuan mo ang isang bagay o gawain na sa tuwing gagawin o kahit na hihipuin mo pa lang ay nagtutulak ‘yun upang uminit ang iyong dugo, mabuhay ang iyong udyok at sumulak ang iyong “libog” – ito ang tinawag ng psychologist na si Rollo May na “power to create”.


Kapag nabuhay na ang “power to create”, magkaka-girlfriend ka na, magkakaroon ng regular at magandang career at habambuhay na magiging maligaya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page