top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 29, 2024



ree

Napatunayan ng Korte Suprema na guilty sa indirect contempt si Lorraine Badoy-Partosa, dating tagapagsalita ng Anti-insurgency Task Force ng pamahalaan, matapos i-redtag ang isang judge ng Manila Regional Trial Court (RTC).


Sa isang 51-pahinang hatol na isinulat ni Associate Justice Marvic Leonen, iniutos dito na si Badoy ay magbayad ng multa na P30-k at binalaang umiwas sa katulad na gawain o haharap siya sa matinding parusa.


Ito ay matapos magbitaw ng mabigat na pahayag si Badoy laban kay Manila RTC Judge Marlo Magdoza-Malagar sa social media nu'ng Setyembre 2022.


Matatandaang inatake ni Badoy si Magdoza-Malagar at tinawag itong "idiot judge" matapos ibasura ang kaso ng pamahalaang ideklara ang Communist Party of the Philippines at ang kanilang armadong hanay na New People's Army bilang teroristang organisasyon.

 
 
  • BULGAR
  • Oct 24, 2023

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 24, 2023


ree

Umalis mula sa executive committee ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) Commission on Public Affairs executive secretary na si Father Jerome Secillano.


Ito ay para mapanatili ang kalayaan ng CBCP bilang isang organisasyon.


"We can always tell them the issues on the ground. We can always be somehow honest with them," ani Secillano.


Dagdag niya, mas magiging direkta ang panel ng CBCP sa NTF-ELCAC matapos maputol ang kanilang koneksiyon sa isa't isa.






 
 

ni Zel Fernandez | May 1, 2022


ree

Ngayong Mayo 1, kasabay ng paggunita sa Araw ng Paggawa ay pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Philippine National Police (PNP), sa pakikipagtulungan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ang culminating activity ng ‘Duterte Legacy: Barangayanihan Caravan’ sa People Power Monument sa Quezon City.


Sa temang, ‘Pagkakaisa ng Mamamayan at Pamahalaan Tungo sa Pagbangon, Kapayapaan at Kaunlaran,’ ang Duterte Legacy Caravan ay naglalayon umanong maipabatid sa publiko ang mga landmark programs ng gobyerno tungo sa hinahangad na tunay na pagbabago at paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa bansa.


Kaugnay ito ng pagtalima sa Executive Order (EO) No. 137 na nagpapalawig ng ‘Aid and Humanitarian Operations Nationwide Convergence Program’ upang mapabuti ang agency coordination at collaboration sa pamamahagi ng mga tulong o suporta sa mga mamamayang Pilipino.


Ang naturang Caravan, na pinaigting katuwang ang Integrated Sustainable Assistance Recovery and Advancement Program (ISARAP), ay tinitiyak na tutulong at susuporta sa mga Pinoy sa panahon ng mga emergencies tulad ng kasalukuyang pandemya dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).


 
 
RECOMMENDED
bottom of page