top of page
Search

ni Jersy L. Sanchez - @No Problem| September 19, 2021




Napapansin mo ba na may mga pagbabago na sa iyong skin kung saan hindi na ito kasing-ganda noon? Well, well, well, welcome to thirties, besh!


For sure, nagsisimula nang magpakita ang mga wrinkles at dark circles sa ilalim ng mga mata. Gayunman, posibleng ang mga ito ay resulta ng ‘adulthood’ o ang stress na nararanasan mo ngayon ay umepekto sa iyong skin, pero posibleng ang mga ito naman ay resulta ng polusyon. Awww!


Well, anumang kailangan nating pangalagaan ang ating balat hangga’t maaga, pero ‘pag nasa edad 30 ka na, ibang usapan na ‘yan. Pero for sure, may mga paraan para mapangalagaan pa rin ang ating skin habang tayo’y tumatanda. Anu-ano naman ang mga ito?


  • ARAW-ARAW NA PAGGAMIT NG SUN SCREEN. Knows n’yo ba na ang isa sa mga pagkakamali ng marami pagdating sa skincare ay ang hindi araw-araw na paggamit ng sunscreen. Pero ayon sa mga eksperto, ang labis na exposure sa araw ay nagdudulot ng malaking damage sa balat. Ito ay dahil hindi lamang burns at mga kondisyon tulad ng melanoma ang dulot ng sunlight kundi napabibilis din nito ang aging at paglabas ng wrinkles. Dahil dito, inirerekomenda ng mga eksperto ang paggamit ng SPF50 sa anumang edad at anumang panahon.


  • MAGHILAMOS SA UMAGA’T GABI. Isa pang hakbang na dapat idagdag sa ‘beauty routine’ ay ang paghihilamos sa umaga at gabi bago matulog. Bagama’t oks ding gumamit ng makeup remover o cleanser, mas epektibo pa rin ang paghihilamos gamit ang sabon at tubig. Kaya nitong tanggalin ang mga dumi sa mukha na pumipigil sa protective at renewing functions ng balat.


  • GLYCOLIC ACID. Ayon sa mga eksperto, ang ‘star’ ng anti-aging agents ay ang glycolic acid. Ito ay alpha hydroxy acid mula sa sugar cane. Gayunman, marami itong nagagawa sa balat tulad ng napabibilis nito ang epidermal renewal, kaya mas nagiging ‘bright’ ang balat. Gayundin, kayang mag-moisturize ng glycolic acid depende sa formulation ng cosmetic product (halimbawa, cream o gel). Bagama’t inirerekomenda naman ang 8% hanggang 20% concentration ng glycolic acid na dapat gamitin sa gabi, oks ding magsimula sa 5% hanggang 8% at kapag kaya nang i-tolerate ng balat, saka lamang itaas ang concentration.


  • VITAMINS C & E. Ang Vitamin C ay kilala bilang ascorbic acid, isa rin itong nakatutulong sa balat dahil ito ay cofactor ng maraming enzymes na mayroong ‘key role’ sa produksiyon ng collagen. Dahil madaling mag-oxidize ang Vitamin C, kailangang magkaroon ng ibang uri ng bitamina at concentration na nasa 5% hanggang 10% ang cosmetic formulation upang maging stable. Gayunman, ‘pag sun-aged skin ang pinag-uusapan, inirerekomenda ng mga eksperto ang 8% glycolic acid with Vitamins C & E dahil napatataas ng mga ito ang antioxidant power.

  • CHEMICAL PEEL. Ginagamit ng mga eksperto ang procedure na ito upang mapaganda ang appearance ng balat kung saan iba’t ibang uri ng solution ang puwedeng gamitin. Ayon sa mga eksperto, ang magandang edad para subukan ang procedure na ito ay 30.


  • HYDRATE. ‘Ika nga, mas mabagal nang mag-renew ang skin pagsapit ng 30-anyos at medyo hirap na ring i-maintain ang tamang level ng natural hydration. Dahil dito, matagal nang mag-peel off ang unang layer ng balat kaya mas dry at dull itong tingnan. Gayundin, bumabagal na ang produksiyon ng moisturizing factors sa balat tulad ng hyaluronic acid at tumataas ang degradation. Para tugunan ito, inirerekomenda ang paggamit ng exfoliating product. Samantala, para sa dryness na pinapalala ng exfoliating effect, inirerekomendang gumamit ng moisturizer.


Hindi talaga madali ang pagtanda dahil kasabay nito ang unti-unting pagbabago ng ating pisikal na anyo. Bagama’t ‘ika nga, hindi naman mahalaga ang panlabas na hitsura, oks din namang i-maintain ito, lalo na kung conscious ka.


Kaya para sa beshies natin d’yan na gustong mapantili ang pagiging young looking, make sure na gagawin ninyo ang mga hakbang na ito, gayundin ang rekomendasyon ng mga eksperto. Stay pretty, ka-BULGAR! Keri?


 
 

ni Jersy Sanchez - @No Problem | March 21, 2021



Shoutout sa mga dog owners d’yan!


For sure, naransan n’yo nang habang naglalakad kasama ang inyong aso ay bigla siyang kumuha ng basura at kinain ito. Kaasar, ‘di ba?


Well, ang pagkain ng basura ay hindi lang kadiri dahil puwede rin itong maging sanhi ng problema kung may makakain na toxic ang ating alaga.


Gayunman, may solusyon pa para maturuan ang ating pet na ‘wag nang kumain ng basura, at narito ang ilang paraan:

  1. “LEAVE IT” COMMAND. Ayon sa mga eksperto, ang command na ito ay napaka-useful dahil ito ay nagbibigay ng signal sa ating alaga na itigil ang kanilang balak gawin sa basura. Ang pinakamagandang paraan para ituro ito ay ang pagte-train sa bahay kung saan mas kaunti ang distractions.Paano naman ito gagawin? Lagyan siya ng leash o tali kapag maglalakad at maglagay ng anumang gusto niya sa kanyang harapan tulad ng pagkain, treats o laruan. Kapag nilapitan niya ito, sawayin siya at higpitan ang paghawak sa leash para hindi niya ito maabot. Kapag sumunod siya, purihin at bigyan ng treat. Habang itinuturo ang “leave it” command, mahalagang gumamit ng high-value treats tulad ng maliit na piraso ng karne bilang reward dahil matututunan niyang mas rewarding ang pagsunod sa iyo kumpara sa pagkain ng basura.

2. PLANUHIN ANG RUTA. Kadalasan, ang mga kalsada rito sa atin ay may mga basura, kaya naman mas mabuting alamin ang mga daan na mas kaunti ang distraction, lalo na kung hindi pa nama-master ng iyong alaga ang “leave it”. Gayunman, kung medyo nasasanay na siya, oks ding dumaan sa mga kalsada na maraming basura bilang practice. Paalala, gumamit ng matibay at maiksing leash para mas malapit siya sa iyo at mas madali siyang makuha ‘pag nagtangka itong lumapit sa basura.


3. I-CLAIM ANG BASURA. Mas malaki ang tsansa na dedmahin ng aso ang basura ‘pag nagbigay ka ng signal na ang basura ay sa iyo. Ang paraang ito ay halos kapareho ng “leave it” command, pero kailangan mo ng body language para magbigay ng senyas ng iyong dominance. Para gawin ito, kailangan mong angkinin ang basura. Paano? ‘Pag nilapitan ng iyong alaga ang basura, hawakang mabuti ang leash para hindi niya ito maabot. Harangan ang basura gamit ang iyong katawan at ilayo ang aso sa pamamagitan ng “leave it”, saka bigyan ng treat bilang reward.

4. IPOKUS ANG ATENSIYON NG ASO SA IYO. Ang pagkuha ng atensiyon ng aso habang naglalakad ay nakatutulong upang maiwasan ang pagdampot at pagkain ng basura. Ito ay dahil matututunan din niyang mas rewarding ito sa halip na magpa-distract. Para ituro ito, hintaying tingnan ka ng iyong alaga habang naglalakad kayo. Sey ng experts, ‘pag nagbibigay ng atensiyon ang mga aso sa kanilang amo nang hindi sinasabihan, gawin itong big deal at bigyan siya ng reward. Gayundin, the more na binibigyan ng reward ang aso ‘pag binibigyan ka niya ng atensiyon, palagi niya itong gagawin. Halimbawa, habang naglalakad kayo at may nakita kang basura, kuhanin agad ang kanyang atensiyon sa pamamagitan ng pagtawag sa kanyang pangalan o pakitaan ng treat habang dumadaan sa basura.


Talagang challenge ito para sa mga dog owners, kaya naman kailangan n’yo ng mahaba-habang pasensiya para mas ma-train ang inyong furbabies.


Tiyaga lang dahil para rin naman ito sa kanyang ikabubuti para iwas-sakit at dagdag na kalat. Copy?







 
 

ni Hiraya - @No Problem| December 20, 2020




Dahil ibang-iba ang 2020, napakarami nating adjustment. Marami ring mga aktibidad at tradisyon ang hindi natin nagawa dahil hindi pa safe.


At ngayong Kapaskuhan, bawal pa rin ang mass gathering para iwas-hawaan, kaya for sure, “virtual party” na lang muna ang ganap ng karamihan sa atin.


Pero ang tanong, paano naman ito gagawin? Worry no more dahil narito ang ilang tips para first-ever virtual party ninyo:


  1. PUMILI NG TEMA. Bukod sa pula at berde, marami pang kulay na puwedeng gamitin bilang tema sa inyong virtual party. Gayunman, puwede ring gumawa ng tema base sa paborito ninyong holiday movie. Dahil first time ito, pumili muna ng madali at komportableng tema na swak sa personality ninyong magkakaibigan o pamilya.

  2. MAGPADALA NG IMBITASYON. Pagkatapos pumili ng tema, magpadala ng imbitasyon sa iyong guests. Make sure na maganda at mapapa-“wow” ang makatatanggap nito para sure na hindi sila tatanggi. He-he-he!

  3. MAGHANDA NANG MAAGA. Para iwas-stress at hindi magahol sa oras, puwedeng-puwede kang maghanda nang isa o dalawang araw bago ang virtual party. Halimbawa, kung magluluto para sa pamilya, ihanda na ang mga rekado o kagamitang kailangan para tuluy-tuloy ang pagkilos at hindi maabala ang party.

  4. HOLIDAY PLAYLIST. Ang paghahanap at pamimili ng music para sa party ay isa sa mga pinaka-chill na gawain. Ang paggamit ng holiday playlist o music ay makatutulong para ma-set ang mood ng party kahit hindi kayo magkakasama.

  5. HUMINGI NG TULONG. Akala natin, madali lang itong gawin dahil hindi kailangang maglinis ng bahay, magluto para sa mga bisita at kung anu-ano pa, kaya feeling natin ay hindi kailangang humingi ng tulong sa iba. Pero kung hindi ka gaanong techy o maalam sa mga teknikal na bagay, oks lang naman humingi ng tulong sa iyong kapamilya o kaibigan para maging successful ang ganap na ito.


Oh, mga beshies, may time pa kayo para mag-isip at mag-imbita. Make sure na gagawin n’yo ang tips na ito para iwas-stress ang inyong kauna-unahang virtual party. Copy?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page