top of page
Search

by Info @News | January 2, 2025



Biktima ng paputok - FP

Photo File: Biktima ng paputok - FP



Umabot sa 235 ang nabiktima ng mga paputok simula Disyembre 21, ayon sa Department of Health (DOH).


Base sa ulat ng ahensya, karamihan sa bilang ng mga biktima ay nasa edad 19 pababa.


Bagama’t mas mababa ito ng 42% sa naitalang 403 na kaso sa pagsalubong ng 2025, inaasahan pa rin na madadagdagan ang bilang dahil magpapatuloy umano ang surveillance ng ahensya hanggang Enero 5, 2026.


 
 

by Info @News | January 2, 2025



Missing bride - Sherra de Juan at Mark Arjay Reyes FB

Photo File: Mark Arjay Reyes FB



Itutuloy umano nina Mark Arjay Reyes, fiancé ng nawalang bride-to-be na si Sherra de Juan ang kanilang kasal sa Pebrero o Marso.


Bagama’t napag-usapan na nila ito, nakadepende pa rin sa recovery ni Sherra.


“Either end of February or 1st week of March. Depende po sa recovery niya, ‘yun po talaga muna pinagpo-focusan namin,” ani Mark.


Dagdag pa nito, welfare at kalusugan muna ni Sherra ang uunahin nila.


Hindi natuloy ang kanilang kasal matapos maiulat na nawawala si Sherra at natagpuan sa Pangasinan noong Disyembre 29.


 
 

by Info @News | January 2, 2025



PBBM at Lacson - FB

Photo File: PBBM at Lacson - FB



Umaasa si Senate President Pro Tempore Ping Lacson na mas pagtitibayin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang laban kontra-korupsiyon sa mga natitirang taon ng termino nito.


Kasabay ito ng pahayag ni Lacson na lalo umano niyang palalakasin ang laban sa katiwalian.


Aniya, inaasahan ng mga Pilipino na gagawin ito ng kanilang mga lingkod-bayan, lalo na’t naging mas mulat at galit ang publiko matapos malaman kung paano umano pinaglaruan ang mga pinaghirapang buwis.


"I thought the momentum was already on his side with his famous ‘Mahiya naman kayo!’ SONA remark," ani Lacson.


“Unfortunately, the Filipino people’s perception has not been kind to him, as what the latest surveys have indicated,” dagdag pa ng senador.


Ipinangako rin ni Lacson ang patuloy na pag-iimbestiga para isiwalat ang iba pang mga isyu ng korupsiyon sa bansa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page