top of page
Search

by Info @News | January 5, 2026



Bam Aquino

Photo: File / Senate PH



‘PANALO ANG KABATAANG PILIPINO’


Ito ang naging pahayag ni Sen. Bam Aquino matapos pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang General Appropriations Act (GAA) para sa 2026 fiscal year ngayong araw, Enero 5.


Nakapaloob dito ang P1.3 trilyong pondo para sa edukasyon sa bansa upang pondohan ang mga mahahalagang programa na magpapabuti sa sektor.


Ayon kay Aquino, “Panalo ang kabataang Pilipino sa P1.34 trilyong budget na ito para sa edukasyon. Mapopondohan na ang mahahalagang programang magpapalakas at magpapabuti sa sektor.”


Dagdag pa niya, “Sama-sama nating bantayan ang paggamit ng pondong ito, hanggang sa kahuli-hulihang sentimo, upang masigurong mapupunta ito sa edukasyon at hindi korapsyon.”


 
 

by Info @News | January 5, 2026



Erwin Tulfo

Photo: File / Erwin Tulfo



Nagpasalamat si Sen. Erwin Tulfo sa pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa nasa P92.5 bilyong item na nakapaloob sa ‘unprogrammed appropriations’ ng pinirmahang 2026 national budget.


“Nagpapasalamat kami na pinakinggan ng Pangulo ang aming panawagan na limitahan ang paggamit ng unprogrammed appropriations at kanyang ni-veto ang P92.5 bilyong halaga ng mga proyektong isinama sa ilalim ng mekanismong ito,” ayon kay Tulfo.


Dagdag pa niya, “Ang desisyon ng Pangulo na i-veto ang ilang item sa ilalim ng unprogrammed funds ay isang hakbang patungo sa ganap at tunay na pananagutan.”


 
 

by Info @News | January 5, 2026



Egay Erice

Photo: FB / Egay Erice



Sinabi ni House Senior Deputy Minority Leader at Caloocan City 2nd District Rep. Egay Erice na magpepetisyon siya sa Korte Suprema upang kuwestiyunin ang ‘unprogrammed appropriations’ sa pinirmahang 2026 national budget ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.


Ayon kay Erice, hindi konstitusyonal ang pondong nasa unprogrammed appropriations alinsunod sa Section 22 ng Article 7 of the Philippine Constitution kung saan nakalagay na tukoy dapat ang pinagkukunan ng pondo para sa budget expenditures.


Dagdag pa niya, “Maliwanag naman doon sa PhilHealth decision ng Korte Suprema, may isang opinyon ‘yung isang maestrado [na] si Justice Hernando na sinasabing ‘all forms of unprogrammed appropriations are unconstitutional’.”


“Ang unprogrammed funds ay wala namang source of financing ‘yan. Kumbaga, pangako pa lang yan,” saad pa nito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page