top of page
Search

ni Info @News | December 21, 2025



Ipinaubaya umano ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Maria Catalina Cabral kay Batangas

Photo: File / Senate PH



Ipinaubaya umano ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Maria Catalina Cabral kay Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ang ilang dokumentong naglalaman ng mga sangkot sa insertions ng maanomalyang flood control projects sa bansa.


Ayon kay Leviste, “[Ex-DPWH] Usec. Cabral gave me files of DPWH insertions of the whole country, thanks to Sec. Vince. [I] will release them if he tells me to.”


Natanggap umano niya ang mga dokumento noon pang Setyembre 4 matapos kausapin ni DPWH Sec. Vince Dizon ang dating undersecretary para ibigay ito sa kanya.


Naipakita na rin umano niya ang mga dokumento sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) at Ombudsman nitong Nobyembre.


“The release of the files would have wide-ranging consequences. They list proponents of flood control and other DPWH projects from the whole government – not only Congressmen and Senators, but also people from the Executive, including Secretaries and Undersecretaries outside DPWH, as well as private individuals,” saad pa nito.


 
 

ni Info @News | December 21, 2025



Vico Sotto at Discayas

Photo: File / Senate PH / Vico Sotto



Ibinulgar ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pananakot umano nina Pacifico ‘Curlee’ Discaya at Sarah Discaya sa kanilang mga dating empleyado na nais tumestigo laban sa kanila.


Ayon kay Sotto, nanghihingi umano ng pera ang mag-asawa kapalit ng hindi pagsama sa kanilang listahan o ‘ledger’ ng mga sangkot umano sa maanomalyang flood control projects.


Dagdag pa niya, “Sa nakikita natin, wala talaga silang pagsisisi [at] patuloy pang nagsisinungaling [pati] paiba-iba ng kwento.”


 
 

by Info @ News | December 12, 2025



Gilas Women

Photo: File



Inabsuwelto na ng Sandiganbayan si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista sa kasong graft kaugnay ng umano’y iregularidad sa isang solar power project at waterproofing works sa isang gusali sa lungsod.


Sa desisyon ng korte ngayong Biyernes, Disyembre 12, inihayag na nabigo ang prosekusyon na patunayan ang umano’y pagkakasala ni Bautista.


Samantala, hinatulang guilty sa kaso si dating City Administrator Aldrin Cuña at pinatawan ng anim hanggang walong taon na pagkakakulong

 
 
RECOMMENDED
bottom of page