top of page
Search

ni Info @News | September 13, 2024



Showbiz News

Walang patid ang paghahatid ng tulong ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. sa kanyang mga kababayan sa iba’t ibang panig ng bansa.


Nitong Miyerkules lang ng gabi (Septyembre 11) ay nagtungo ang butihing mambabatas sa kanyang sariling bayan sa Bacoor, Cavite upang tumugon sa mga biktima ng malaking sunog doon. Halos isang libong pamilya o mahigit sa apat na libong indibidwal ang lubhang apektado sa nasabing malawak na sunog at nawalan ng tirahan


Namahagi si Revilla ng hot meals sa lahat ng nasunugan na nanatili sa evacuation centers. Dagdag pa dito ay nag-abot rin siya ng damit at tsinelas para may pansamantalang magamit ang mga biktima.


“Pinuntahan natin kagabi yung mga kaawa-awa nating mga kababayan sa Bacoor na biktima ng sunog. Hindi po biro ang masunugan. Kaya buong puso akong nakikisimpatya sa ating mga kababayan at patuloy kong ipagdarasal ang kanilang kaligtasan,” ani ng mambabatas.



Agad-agad kinabukasan ay nagtungo naman si Revilla sa Lalawigan ng Catanduanes para mamahagi ng tulong pinansyal, partikular sa bayan ng San Andres at Virac.


Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nakapaghatid siya ng tulong sa libo-libong benepisyaryo.


Kasama ng batikang lingkod-bayan sina Cong. Jose “Bong” Teves, Jr., Gov. Joseph “Boboy” Cua, Vice Governor Peter “Boss Te” Cua, Mayor Leo Mendoza at Mayor Sammy Laynes.


Bukod sa tulong pinansyal, namigay rin si Revilla ng agricultural interventions sa mga magsasaka sa Catanduanes, sa tulong ng Department of Agriculture at ni Sec. Francis “Kiko” Tiu Laurel Jr.


“Binibigay lang po natin sa ating mga kababayan ang mga dapat naman talaga nilang natatanggap mula sa gobyerno. Nawa ay makatulong ito sa kanilang mga pang-arawang pangangailangan hanggang sa pag-unlad ng kanilang mga buhay,” ani ni Revilla


“Hindi po tayo magsasawang puntahan mismo ang ating mga kababayan para mag-abot ng tulong. Tungkulin po natin ito at kahit kailan ay hindi natin tatalikuran,” pagtatapos ng mambabatas. -30-

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | September 8, 2024



Article Photo

Natapos noong Biyernes ng gabi ang unang astronaut mission ng Boeing ngunit walang laman ang capsule na lumapag, dahil naiwan ang dalawang test pilots sa kalawakan. Itinuring ng NASA na masyadong delikado ang kanilang pagbabalik, kaya hindi sila maiuuwi hanggang sa susunod na taon.


Anim na oras matapos lisanin ang International Space Station, bumaba gamit ang parachute ang Starliner capsule sa White Sands Missile Range sa New Mexico. Lumapag ito nang naka-autopilot sa disyerto noong gabi.


Natapos nang tahimik ang mission pagkatapos ng dramatikong simula noong Hunyo, nang maging kumplikado ang crew debut ng Boeing dahil sa pagkasira ng mga thruster at mga pagtagas ng helium. Sa loob ng ilang buwan, nawalan ng kasiguraduhan ang pagbabalik nina Butch Wilmore at Suni Williams habang sinusubukang ayusin ng mga inhinyero ang mga problema ng capsule.


Matapos ang masusing pagsusuri, sinabi ng Boeing na ligtas gamitin ang Starliner para maiuwi ang dalawa, ngunit hindi pumayag ang NASA at nag-book ng flight sa SpaceX. Gayunpaman, hindi aalis ang kanilang SpaceX flight hanggang sa katapusan ng buwan, kaya mananatili sila sa kalawakan hanggang Pebrero—higit sa walong buwan mula nang bumiyahe sila patungo sa kalawakan.


 
 

ni Angela Fernando @News | August 30, 2024



Sports News

Nagpahayag si Sen. Ronald "Bato" dela Rosa na naniniwala siyang ginagawa ng House of Representatives (HOR) ang imbestigasyon sa mga namatay sa drug war o sa extrajudicial killings (EJK) sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte upang magamit ito laban sa kanila sa International Criminal Court (ICC).


"Sinong nasa likod nitong mga committee na ito ay 'yung Speaker of the House, 'di ba? Alam ko this is the same person na nagkumbinsi sa mga opisyal na gustong bumaliktad, mag-execute ng affidavit laban sa amin ni President Duterte para sa ICC. I am expecting na itong ginagawa ng Quad na imbestigasyon ay pwede nila itong gamitin laban sa amin doon sa ICC," saad ni Dela Rosa.


Matatandaang ibinulgar ni dela Rosa nu'ng naunang buwan na sina Speaker Martin Romualdez, dating Sen. Antonio Trillanes, NICA chief Ricardo de Leon, at Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co ay nakipagpulong sa mga retirado at aktibong opisyal ng pulisya upang hikayatin silang gumawa ng affidavit laban sa kanya at kay Duterte kaugnay ng imbestigasyon ng ICC sa drug war ng nakaraang administrasyon.


Itinanggi ni De Leon na pinilit niya ang mga opisyal ng pulisya na tumestigo laban kina Duterte at Dela Rosa sa harap ng ICC.


Binigyang-diin din ni Co na sa kanilang pagpupulong nina Romualdez at Police Maj. Gen. Romeo Caramat Jr., dating hepe ng Criminal Investigation and Detection Group, na hindi kailanman nabanggit ang pagtistigo laban sa sinuman sa harap ng ICC.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page