top of page
Search

ni Eli San Miguel @News | October 12, 2023





Patay ang isang lalaki matapos siyang palakulin sa ulo habang nagdarasal sa simbahan sa Apalit, Pampanga noong Linggo ng gabi.


Kinilala ang biktima na si Franklin Quiamba na residente ng Larlin Village, Barangay Sampaloc, Apalit, Pampanga at ang suspek na si Fernando Llangco Gapuz, 56, residente ng Daliba Street, Karuhatan, Valenzuela City.


Ayon sa unang pagsisiyasat ng Apalit police, bago ang pangyayari ay nagsimba pa ang biktima. Ngunit hindi alam ng karamihan na may dala-dalang palakol ang isang 56-anyos na suspek, at bigla na lamang itong lumapit sa biktima para palakulin ito sa ulo.


"Itong isang miyembro nila allegedly during the investigation, ay may bumubulong daw sa kanya, na patayin niya yung isang kamiyembro... Ang problema, itong suspek natin, nakapasok siya sa church na may dala-dalang palakol na nakapasok doon, nakasilid doon sa bag, sa badminton bag, kaya hindi gaanong nahalata," pahayag ni PLt. Col Michael Riego.


Hindi na nakatakas ang suspek nang harangin siya ng mga kasamahan sa simbahan.


Dinala pa ang biktima sa Pampanga Premier Hospital, ngunit idineklara itong dead on arrival.


Sa ngayon, ang suspek ay nakakulong na sa istasyon ng pulisya ng Apalit at nahaharap na sa mga kaso ng pagpatay at paglabag sa Omnibus Election Code dahil sa dala-dalang patalim.



 
 

ni Angela Fernando (Trainee) @News | October 12, 2023




Pinalo at ginilitan ang isang aso sa Koronadal City, Cotabato matapos nitong habulin ang suspek na si Reynald Toco.


Kumalat ang video ni Toco na pinalo at ginilitan ang aso, maririnig ang kahabag-habag na iyak nito habang patuloy na sinasaktan ng lalaki.


Agad naman itong nadakip at ngayon ay nahaharap sa patung-patong na kaso dahil sa karahasang ginawa.


Hindi naman itinanggi ng suspek ang ginawang krimen at sinabing nagawa niya ito dahil sa trauma matapos masiraan ng bait ang kanyang pamangkin dahil sa kagat ng aso.



 
 

ni Angela Fernando (JT) @News | October 11, 2023





Pinangangambahan ni DICT Secretary Ivan John Uy ang magiging epekto sa operasyon ng Department of Information and Communications Technology sa pagharap sa banta ng cyber security ng tuluyang pag-alis sa confidential funds.


“Our confidential funds to launch investigations, intelligence gathering, and threat analysis had been reduced to zero. It will really cut our capability of addressing all these cyber crimes and cyber threats,” saad ni Uy sa kanyang panayam sa CNN Philippines nitong Miyerkules.


Idiniin niyang kailangan ng DICT ang confidential funds upang makapagsagawa ng imbestigasyon at makapagbaba ng mandato laban sa mga scammers.


Sinabi ito ni Uy matapos alisin ang confidential funds na nagkakahalaga ng P1.23 bilyon na dating nakalaan sa limang ahensiya ng gobyerno — Department of Agriculture, Department of Education, Department of Foreign Affairs, DICT at Office of the Vice President sa ilalim ng iminungkahing P5.768-trilyon na badyet para sa 2024.


Nagkakahalagang P300 milyon ang mawawalang confidential funds sa DICT para sa susunod na taon.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page