- BULGAR
- Oct 14, 2023
ni Angela Fernando - Trainee @News | October 14, 2023

Nakuhanan sa CCTV ang isang hindi pinangalanang babae na pumasok sa ospital na walang dala at paglabas ay buhat-buhat na ang isang sanggol sa Davao City.
Ayon sa ulat ng mga pulis, inalok daw ng suspek ang ina ng sanggol na tutulungan ito sa pag-aayos ng mga papeles at nu'ng nalingat ay tinangay na ang anak nito.
Mabilis namang nahanap ng mga awtoridad ang babae sa Brgy. Mintal at agad itong inaresto.
Nagawa lang umano ito ng suspek matapos niyang mawalan ng anak at 'di nito itinanggi ang ginawang pagnanakaw sa sanggol.
Nahaharap ngayon sa kasong kidnapping ang naturang suspek.


