top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 18, 2023




Pumirma ng Memorandum of Agreement (MOA) ang National Privacy Commission (NPC) upang simulan ang collaborative partnership sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa proyektong Digital Security and Privacy Quick Response (DSPQR).


“The MOA between NPC and DICT is a significant step towards ensuring the digital security and privacy of our fellow Filipinos,” sabi ni Privacy Commissioner John Henry D. Naga sa isang pahayag nitong Miyerkules, Oktubre 18.


"The Digital Security and Privacy Quick Response Project will empower us to swiftly address privacy concerns and violations, ultimately upholding every citizen's right to privacy in this digital age," paliwanag ni Naga.


Ang pangunahing layunin ng proyekto ay ipatupad ang "complaints-handling system" na agad na tutugon sa privacy violations at concerns.


Sinabi ng NPC na ang proyektong DSPQR ay magiging bahagi ng eGov Super App ng Government Digital Transformation Bureau.


Bilang bahagi ng partnership, maglalaan ang DICT ng pondo para sa DSPQR Project at magtatatag ng isang framework para sa NPC upang makapagbigay ng regular na ulat.


Samantala, ang NPC ay magiging implementing unit ng DICT, na may pangunahing layunin na dagdagan ang kamalayan, edukasyon ng mga indibidwal, at organisasyon ukol sa DSPQR Project, at ipakita ang epektibong paraan nito sa pag-address ng mga alalahanin sa privacy at mga banta sa cybersecurity.


Magsisimula ang proyekto sa Oktubre 25.


"NPC will play a vital role in triaging cases involving cybersecurity threats, consumer-related concerns, and data privacy issues monitored and reported through the Consumer Complaint Center, Contact Center ng Bayan, National Computer Emergency Response Team, and the NPC," sabi ng Komisyon.


Bukod dito, binigyang-diin ni DICT Secretary Ivan John Uy na pareho ang layunin ng DICT at NPC na pangalagaan ang karapatan ng publiko sa privacy.


"During this Cybersecurity Awareness Month, the DICT and NPC share a common goal: to protect the fundamental right to privacy while strengthening our resilience against the ever-evolving landscape of cyber threats," sabi ni Uy.


"We also encourage our citizens to be vigilant and proactive in safeguarding their digital well-being. Report any privacy concerns or incidents promptly, as your active role is essential to our collective effort to ensure a safer and more secure online environment for every Filipino," dagdag pa niya.


Dinaluhan din nina Deputy Privacy Commissioner Nerissa N. De Jesus at Privacy Executive Director Ivin Ronald D.M. Alzona ang pagpirma ng MOA sa National Cybercrime Hub sa Taguig City noong Oktubre 11.


 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 17, 2023




Hiniling ng pamilya ng isang seaman na pumanaw sa loob ng bulk carrier habang nasa port call sa United Arab Emirates (UAE) na magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon ukol sa pagkamatay nito.


Pumanaw si Albert Coleto, 39-anyos, taga-Tago, Surigao del Sur noong Oktubre 9 matapos mag-collapse habang nasa loob ng bulk carrier na Star Gwyneth.


Ayon sa bayaw ni Coleto na si Bon Salinas, humingi na sila ng tulong mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang magkaroon ng imbestigasyon.


"We sent a representative to the UAE because the company said we are not allowed to make a follow-up. It turned out later that there is no prohibition for us to make a follow-up on Coleto’s death,” pahayag ni Salinas sa isang panayam noong Lunes, Oktubre 16.


Gayunman, ipinarating na diumano sa kinatawan ng pamilya na isinara na ang kaso at ang sanhi ng pagkamatay ni Coleto ay cardiac arrest.


"We asked for the autopsy report, but there was none. This is the basis of our question of why the case is already closed," pahayag ni Salinas.


Sa isang pahayag noong Oktubre 9 na inilabas ng pamilya, si Coleto umano’y inutusan ng kanyang amo na maglinis sa gitna ng matinding init, na pinatunayan naman ng kanyang mga katrabaho.


“Coleto, who has been working in the carrier for nearly 10 years, worked for an extended 38 hours with only a two-hour break,” ayon sa pahayag.


Ayon kay Salinas, noong Lunes, ipinabatid sa kanila na hiniling ng OWWA na gawin ang isang autopsy sa UAE bago iuwi ang mga labi ni Coleto sa Pilipinas.


“We are hoping that the autopsy will be conducted the soonest possible and that the OWWA will conduct its deep probe on the death of Coleto,” pahayag ni Salinas.


Inilahad ng pamilya na may balak silang maghain ng kaso laban sa ahensiyang may hawak kay Coleto at iba pang sangkot dahil sa malinaw na kapabayaan at hindi pag-alintana sa kaligtasan at kalusugan ng mga miyembro ng crew.



 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 17, 2023




Sinampahan ng patung-patong na kaso ang 35-anyos na lalaking nang-hostage ng call center agent sa Pasay City noong Sabado.


Kinilala ang suspek na si Rodel Saklayan, na nahaharap ngayon sa mga reklamong frustrated murder, alarm and scandal, at illegal detention.


Ayon kay Pasay Police Maj. Ryan Salazar, ang insidente ay nangyari sa may kanto ng EDSA sa Pilapil St. Brgy. 83.


Bigla na lang hinablot ni Saklayan ang call center agent na si Cielo May Veringuel, 25-anyos, at tinutukan ng bubog sa leeg habang pauwi na sana ito.


Giit naman ng suspek, humingi siya ng saklolo sa mga pulis na dalhin siya sa ospital dahil pinupulikat ang kanyang mga paa ngunit hindi raw siya pinaniwalaan, dahilan para siya ay mang-hostage.


Ayon kay Salazar, sina Sergeant Danilo Cumabot at Pat Gabe ang tumugon sa insidente.


Nagtagal ng 30 minuto ang hostage-taking bago nagkaroon ng pagkakataon si Cumabot na pigilin ang suspek, na sa wakas ay nabitawan ang biktima.


Si Veringuel ay dinala sa Pasay City General Hospital para magamot ang kanyang mga sugat sa leeg.


Sa huli, inamin din ng suspek sa pulisya na siya ay may mga personal na problema kaya nagawa niyang mang-hostage.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page