top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 26, 2023




Kasama sa isinusulong na ₱5.768-trilyong pambansang budget para sa 2024 ang ₱49.75-bilyong pondo para sa mga ospital at sa kalusugan, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).


Halos ₱50-bilyon ang inilaan sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program (NEP) upang pondohan ang pagsasaayos ng mga ospital.


Mas mataas ng ₱1.31-bilyon kaysa sa ₱48.44-bilyon na itinalaga nu’ng 2023 General Appropriations Act (GAA), hahatiin ang pondo para sa 68 na ospital, kasama ang pagpapaayos ng mga specialty center.






 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 24, 2023




Patay ang isang lalaki at isang peace-keeping volunteer matapos pagbabarilin ng grupo ng kalalakihan sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte, kahapon.


Kinilala ang mga biktima na sina Abdul Nor Benasing Palog at ang volunteer na si Tahiran Succor.


Ayon kay Sultan Mastura police chief Captain Elmar Elarcosa, bandang tanghali nang makita ng mga witness na pinagbabaril ng tatlong lalaki ang dalawa malapit sa bahay ni Palog.


Narekober ng pulisya ang 30 basyo ng bala mula sa iba't ibang kalibre ng baril.


Sa parehas na araw, dumating ang karagdagang pulis at sundalo sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang paigtingin ang seguridad laban sa karahasan.


Nagmobilisa ng aabot sa 8,190 kawani ng Philippine National Police (PNP) sa iba't ibang lalawigan ng Muslim Mindanao.







 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 24, 2023



Sisikapin ng pamahalaang makasabay sa modernisasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) upang makilala ito bilang "world-class force," saad ni Presidente Bongbong Marcos Jr. sa kanyang talumpati nu'ng Lunes, Oktubre 23.


Ipinunto ni Marcos ang kahalagahan ng militar sa pagpapalaganap ng depensa ng bansa.


Dagdag niya, magpapatuloy ang administrasyon sa pagsulong ng mga pamamalakad para sa ikabubuti ng mga militar at ng kanilang pamilya.


"Rest assured that we will remain steadfast in transforming and modernizing the AFP into a world-class force that is respected by its counterparts and is a source of national pride," saad ng Pangulo sa hapunan para sa AFP Council of Sergeants Major.


Nagpakita rin siya ng tiwala sa mga sergeant major na patuloy paglinangin ang kanilang kaalaman para sa bagong kasanayan ng AFP, para rin maibigay nang maayos ang kanilang serbisyo sa bayan.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page