top of page
Search
  • BULGAR
  • Apr 15, 2024

News @Balitang Probinsiya | April 15, 2024



Cavite — Dalawang babaeng drug pusher ang nadakip sa buy-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Habay 1, Bacoor City sa lalawigang ito.


Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya sa mga alyas na “Jica,” nasa hustong gulang at “Princess,” menor-de-edad, kapwa residente sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek nang pagbentahan nila ng umano’y shabu ang mga operatiba na nagpanggap na buyer.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang dami ng hinihinalang shabu na nakumpiska sa dalawang suspek. 


Nakapiit na si “Jica” sa detention cell, samantalang ang menor-de-edad na kasama nito ay nasa pangangalaga na ng Dept. of Social Welfare ang Development (DSWD).


 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 14, 2024




Nagsimula nang ilipat ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon at ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP-NCR) ang mga lalaking Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa bagong city jail facility sa Payatas.


Ayon sa BJMP-NCR, may kabuuang 364 na mga nakatatanda at mga may kapansanan ang nailipat sa bagong pasilidad noong nakaraang buwan.


Nasa 2,981 ang populasyon ng mga lalaki sa city jail ng lungsod.


Nasa 240 naman ang selda na ginagamit sa kasalukuyan.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 9, 2024




Bumaba sa 25% hanggang 35% ang deforestation sa Amazon sa Colombia noong 2023, ayon kay Environment Minister Susana Muhamad noong Lunes.


Gayunpaman, nagbabala si Muhamad na may mga ebidensya na nagpapakita ng mas lumalang pagkasira ng mga kagubatan ngayong 2024.


Kinikilala ang Colombia bilang isang bansa na pinakasagana ang biodiversity sa mundo, kung saan libu-libong uri ng halaman at hayop ang naninirahan.


Nangyayari ang karamihan ng deforestation sa Colombia sa rehiyon ng Amazon.


Sa ngayon, patuloy na lumalala ang kalagayan ng kagubatan sa bansa sa gitna ng matinding El Niño na nagdudulot ng tagtuyot at mga sunog sa buong Colombia.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page