top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 12, 2021


ree

Patuloy pang tinatalakay ng Metro Manila Council kung papayagan na ang paglalaro ng basketball, ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos.


Para talakayin ang isyung ito, bumuo na ng technical working group na binubuo ng city health officers ng bawat local government unit sa Metro Manila.


Matatandaang batay sa panuntunan ng IATF sa Alert Level 2, pinapayagan naman ang contact sports pero may requirement pa rin, gaya ng 50% capacity sa indoor at 70% capacity sa outdoor at bakunado dapat ang mga manlalaro.


Pero ayon kay Abalos, pinangangambahan nilang kumalat ang COVID-19 dahil sa laro kung kaya patuloy pa rin nila itong pinag-uusapan bago maglabas ng pinal na desisyon.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 5, 2021


ree

Dumagsa ang mga magsisimba sa Quiapo Church ngayong unang araw ng alert level 2 sa Metro Manila.


Nataon ding Quiapo Day at unang Biyernes ng buwan ngayong araw.


Pinapayagan na ang hanggang 500 katao na fully vaccinated sa loob ng Quiapo Church dahil hanggang 50% na ang pinapayagan sa mga religious gathering sa Metro Manila.


Halos umabot hanggang Rizal Avenue ang pila ng mga tao sa lugar.


Mayroon namang distancing marks upang masunod pa rin ang minimum public health protocols.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 5, 2021


ree

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbaba ng Metro Manila mula Alert Level 3 sa Alert Level 2 simula ngayong araw, Nobyembre 5 hanggang Nobyembre 21, ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.


Kasabay nito ay inihayag din ni Roque na inaprubahan na ang rekomendasyon ng Sub-Technical Working Group on Data Analytics na gamiting batayan ng pagtatakda ng mga alert level ang mga datos na pinakamalapit sa `implementation date’.


Simula Disyembre 1, 2021, ang mga alert level ay tutukuyib tuwing ika-15 at ika-30 ng buwan.


"Escalations, on the other hand, may be done at any time in the middle of the implementation period as warranted while de-escalations can only be done at the end of the 2-week assessment period," ani Roque.


Inatasan din ng IATF ang National Task Force Against COVID-19 at ang mga Regional Task Force at Regional IATF na magbigay ng weekly feedback hinggil sa progreso ng implementasyon ng mga alert level sytem.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page