top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | Oct. 11, 2024



Photo: Golden State Warriors / Official Page


Naitala ng bisitang Golden State Warriors ang kanilang pangalawang panalo ngayong NBA Preseason at tinalo ang Sacramento Kings, 122-112 sa Golden 1 Center kahapon.  Nagpasikat ang mga bagong-lipat na bituin subalit umagaw ng pansin ang rookie na si kabayan Boogie Ellis ng Kings.


Bumuhos ng 22 puntos sa 19 minuto para sa Warriors si Buddy Hield na galing Philadelphia 76ers. Naglaro lang sa unang half si Stephen Curry at nag-ambag ng 13 pero lamang ang Kings, 68-66.


Namuno sa kanyang unang laro bilang King si dating Chicago Bull DeMar DeRozan na may 15 sa unang half lahat. Sa pangatlong quarter ipinasok si Ellis at bumira agad ng dalawang three-points patungong 10 sa 16 minuto.


Si Ellis ay katatapos lang ng kanyang ika-lima at huling taon sa University of Southern California kung saan pinangunahan ang Trojans na may 16.5 puntos sa 29 laro bilang kapitan. Hindi siya napili sa NBA Draft noong Hulyo kumpara sa kakamping Bronny James na napunta sa Los Angeles Lakers matapos gumawa lang ng 4.8 puntos sa nag-iisang taon sa kolehiyo.


Dahil dito, nagbakasakali ang 6'3" guwardiya sa Sacramento kung saan bahagi ng coaching staff ang PBA at Gilas Pilipinas alamat Jimmy Alapag. Ang kanyang nanay Rowena ay Filipina.


Wagi ang Warriors sa kanilang unang laro noong Linggo kung saan dinaig nila ang LA Clippers, 91-90. Ipinasok ni Lindy Waters III ang tres sabay ng huling busina sa laro na ginanap sa Stan Sheriff Center ng Honolulu, Hawaii.


Samantala, napanood kung ano ang magagawa nina Victor Wembanyama at Chris Paul at binigo ng San Antonio Spurs ang Orlando Magic, 107-97. Hindi naglaro ng tambalan sa unang laro ng Spurs na 107-112 talo sa Oklahoma City Thunder noong Martes at bumawi sila ngayon na may ipinagsamang 16 puntos.


 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | Oct. 8, 2024




Binigo ng Phoenix Suns ang Los Angeles Lakers, 118-114, sa pagpapatuloy ng NBA Preseason sa Acrisure Arena sa Palm Desert, California kahapon. Maliban sa resulta, sumabay sa unang pagkakataon sa harcourt ang mag-amang LeBron James at Bronny James. 


Kasama si LBJ sa first five at sinamahan siya ng kanyang panganay sa pagsimula ng pangalawang quarter. Naglaro ng 16 minuto lang ang amang si James at gumawa ng 19 sa unang half at umupo sa buong pangalawang half kumpara sa anak na naglaro ng 13 minuto, 7 sa huling quarter, at walang ambag na puntos. 


Namuno sa panalo ng Suns si Josh Okogie na may 10 ng kanyang 15 sa huling quarter. May tig-12 sina Devin Booker, Oso Ighodaro at Collin Gillespie. Kumpara sa kanilang unang pagkikita noong Sabado na dikitan, tinambakan ng World Champion Boston Celtics ang Denver Nuggets, 130-104, sa Etihad Arena ng Abu Dhabi, United Arab Emirates.  Lamang lang ng anim ang Celtics sa halftime, 66-60 at lumayo noong pangatlong quarter, 109-75.


Hindi kinailangan ang mga bituin sa huling quarter subalit nanguna pa rin sina Jaylen Brown na may 21 at Jayson Tatum na may 17. Nagtala ng 20 para sa Denver si Nikola Jokic.  Napigil ng bisitang New York Knicks ang huling banta ng Charlotte Hornets, 111-109.  Bumida sa Knicks sina Miles McBride mula sa apat na tres. 


Sa iba pang mga laro, tinambakan ng Toronto Raptors ang Washington Wizards, 125-98, sa Bell Centre ng Montreal, Quebec. Binigo ng Detroit Pistons ang bisita Milwaukee Bucks, 120-87, sabay ng pagliban ni Giannis Antetokounmpo. 

 
 

ni Rey Joble @Sports News | Sep. 27, 2024



Sports Photo

Matapos ang 16 seasons sa NBA, pinal nang tinapos ni veteran point guard Derrick Rose ang kanyang career. Si Rose, na nakontrata pa ng Memphis Grizzlies noong Sept. 24 ay inanunsiyo ang pagreretiro kahapon sa kanyang Instagram.


Iniulat ng SNY na matapos na makausap ng Grizzlies ay nagbago ng isip bagamat orihinal nang nakatakda ang $3.4M na kontrata para sa 2024-25 season bilang final year sa Memphis. Sinimulan ni Rose ang career bilang no. 1 pick sa 2008 NBA draft ng Chicago Bulls.


Mabilis siyang sumikat at humusay bilang isa sa most exciting players sa liga, naging 2009 Rookie of the Year at naka-tatlong straight All-Star selections ng 2010-2012. Noong 2011, si Rose ay naging pinakabatang player sa NBA history na nagkamit ng NBA MVP award matapos pamunuan ang Bulls sa league-best 62-20 record sa average na 25.0 points, 4.1 rebounds at 7.1 assists sa 81 laro.


Pero matapos ang isang taon ay dumanas siya ng torn ACL injury. Hindi na nagbalik ang dating galing sa laro ni Rose nang muli itong maglaro, hindi na makapuntos ng higit sa 20 dahil sa knee injury. Matapos lisanin ang Chicago, naglaro siya sa New York Knicks, Cleveland Cavaliers, Minnesota Timberwolves at Detroit Pistons.


Sa unang taon niya sa Memphis, iniinda pa rin ni Rose ang injury at nadagdagan pa ng pinsala sa hamstring. Sa kabuuan nalimitahan siya sa 24 laro at may average na lang na 8.0 points, 1.9 rebounds at 3.3 assists sa loob ng 16.6 minuto na aksiyon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page