top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | Mar. 17, 2025



Photo: Nagawang malusutan ni Ginebra San Miguel point guard Rj Abarrientos sa pag basket nito habang todo sa depensa ng katunggaling si Jp Erram ng Talk N Text Tropang Giga sa kasagsagan ng kanilang laro sa 2024-25 49th season Commissioner's cup second conference Championship game 2 best of seven series na ginanap sa Mall of Asia Arena, Pasay City. (Reymundo Nillama)



Isinalba ang Barangay Ginebra ng kanilang depensa sa huling mga segundo para magtagumpay sa TNT, 71-70, at iwasan ang higanteng pagguho sa Game Two ng 2024-25 PBA Commissioner’s Cup Finals kahapon sa MOA Arena.


Tabla na ang seryeng best-of-seven sa 1-1 matapos kunin ng Tropang Giga ang Game One noong Biyernes, 95-83.


Tumalon ang Gin Kings sa 7-0 simula at lumaki ito sa 34-19 sa buslo ni Scottie Thompson na nagbukas sa pangatlong quarter.


Unti-unting lumapit ang TNT at bumira ng apat na tres si Roger Pogoy para makatikim ng unang bentahe, 68-67, at 3:50 sa orasan. Dinagdagan ni RHJ ang agwat sa dalawang free throw, 70-67, at iyan ang hudyat para bumida muli si Justin Brownlee na gumawa ang apat na puntos para ibalik ang lamang sa Gin Kings, 71-70.


Tinawagan ang TNT ang shot clock violation subalit napigil nila ang Ginebra at nabawi ang bola pero hindi nila araw na nadulas si RHJ sa harap ng malagkit na bantay ni Stephen Holt sabay tunog ng busina. Walang duda na si Brownlee ang Best Player at naglaro siya na linalabanan ang trangkaso para magtapos na 35 puntos at 11 rebound. Sumuporta si Thompson na may 16 at Japeth Aguilar na may walo.


Walang pahinga sa 48 minuto si RHJ para magtala ng 25 at 15 rebound. Nag-ambag ang 14 si Nambatac at 11 kay Pogoy. Pinakamalupit ang depensa ng Gin Kings sa pangalawang quarter kung saan nalimitahan ang TNT sa apat na puntos lang – dalawang buslo ni Glenn Khobuntin.


Nagtapos ang unang dalawang quarter sa 32-19 pabor sa Ginebra. Gaganapin ang Game Three ngayong Miyerkules sa Philsports Arena.

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | Mar. 1, 2025



Photo: Stephen Curry / Golden State Warriors IG


Umapoy para sa 56 puntos mula 12 tres si Stephen Curry at wagi ang bisitang Golden State Warriors sa Orlando Magic, 121-115 sa NBA kahapon sa Kia Center. Dumaan sa peligro ang Los Angeles Lakers bago mabigo ang Minnesota Timberwolves, 111-102. 

      

Inabot ng Magic ang kanilang pinakamalaking lamang, 66-49, pero humabol ng tres si Curry mula 51 talampakan upang isara ang pangalawang quarter, 52-66, at senyales ng paparating. Bumira ng 9 si Curry sa simula ng pangatlong quarter upang maagaw ang bentahe, 74-73. 

     

Inalagaan nila ang agwat ng mabuti at ang ika-12 at huling tres ni Curry ay inakyat sa 114-109 ang talaan at tinapos ang laro mula sa free throw nina Curry, Draymond Green at Jimmy Butler III. Ang 56 ang pinakamarami ni Curry ngayong torneo at umakyat sa 24,852 puntos sa karera at lampasan si alamat Patrick Ewing (24,815) para maging ika-26 sa pinakamaraming puntos sa kasaysayan. 

     

Patungo na sa madaling panalo ang Lakers, 47-24 at may 16 na si LeBron James.  Humabol ang Minnesota at naging 91-95 na lang at 4 na minuto sa orasan pero bumanat ng 3-points si Luka Doncic upang makahinga ng maluwag, 98-91. 

      

Nagtapos na may 33 at 17 rebound si LBJ habang 22 si Austin Reaves. Double-double si Doncic na 21 at 13 rebound. 

     

Samantala, inihayag ni Coach Gregg Popovich na hindi na siya babalik ngayong taon sa San Antonio Spurs. Tinamaan ng stroke ang beteranong coach noong Nob. 2 at ibinigay kay assistant coach Mitch Johnson ang paggabay sa koponan habang nagpapagaling. 

      

Si Coach Popovich ang may pinakamaraming panalo sa kasaysayan ng NBA na 1,412 sa 2,266 laro simula 1996 at may kontrata hanggang 2028. Kasama rito ang 22-30 kartada ni Coach Johnson dahil hindi pa opisyal na nagpalit ng coach ang Spurs.

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | Feb. 3, 2025



Photo: Luka Doncic at Anthony Davis - IG


Niyanig ang buong NBA ng higanteng palitan ng mga superstar kahapon at maglalaro na si Luka Doncic sa Los Angeles Lakers habang Dallas Mavericks na si Anthony Davis.  Kasama sa komplikadong transaksyon ang Utah Jazz na tiyak magbabago ng takbo ng karera sa Western Conference.

       

Hindi muna mararamdaman ang epekto ng lipatan at parehong nagpapagaling sina Luka Magic at AD. Huling naglaro si Doncic noong Pasko at napilay ang binti habang isang linggo mawawala si Davis matapos masaktan ang kalamnan sa sikmura.

       

Kahit naglaro lang sa 22 ng 49 laro ng Mavs, nagsumite pa rin si Doncic ng impresibong 28.1 puntos, 8.3 rebound at 7.8 assist. Double-double si Davis na 25.7 puntos at 11.9 rebound sa 42 laro.

       

Lumalabas na ipapadala ng Lakers si Davis at Max Christie sa Mavs para kay Doncic, Maxi Kleber at Markieff Morris. Lilipat sa Jazz mula Lakers si Jalen Hood-Schifino.

         

Bago inihayag ang palitan ay tinalo ng bisitang Lakers ang New York Knicks, 128-112.  Nagtala si LeBron James ng 33, 11 rebound at 12 assist at tanging siya at ang alamat na si Karl Malone ang mga may triple-double sa edad 40 pataas.

         

Uminit si Gilas Pilipinas Jordan Clarkson para sa 14 ng kanyang 16 sa huling quarter kasama ang apat na tres at wagi ang Jazz sa Orlando Magic, 113-99. Nagwakas rin ang walong sunod na talo ng Utah at umangat sa 11-36 subalit huli pa rin sa West.

       

Tunay na araw ng mga dehado at tinapos ng Washington Wizards ang 16 sunod na talo at wagi sa Minnesota Timberwolves, 105-103, at unang panalo mula Enero 1. Nanguna sa Wiz si Kyle Kuzma na may 31.

        

Numero uno pa rin sa West ang Oklahoma City Thunder na nanaig sa Sacramento Kings, 144-110. Gumawa ng 41 at 14 rebound si Aaron Wiggins. 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page