top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 19, 2021



ree

Pinapayagan nang makabalik sa Pilipinas ang lahat ng Pinoy na nagtrabaho, tumira at nagbakasyon sa ibang bansa, ayon sa memorandum na inilabas ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 na pinirmahan ni NTF Chairman and Defense Secretary Delfin Lorenzana nitong Huwebes, Marso 18.


Batay sa ulat, inilabas ang panibagong memo ngayong umaga matapos ang pagpupulong na isinagawa kahapon ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) kung saan nakasaad sa Memorandum Circular No. 6, Series of 2020 na mula sa ika-22 ng Marso hanggang sa April 21 ay suspendido muna ang pagpasok ng foreign nationals sa ‘Pinas maliban na lamang sa mga sumusunod:

• mga diplomat at miyembro ng internal organization kasama ang kanilang dependents na may valid visa

• mga foreign nationals na bahagi ng medical repatriation at may endorsement mula sa DFA at OWWA

• mga foreign seafarer sa ilalim ng ‘Green Lanes’ program

• mga asawa at anak ng Pinoy na bumiyahe sa ibang bansa na may valid visa

• mga kinatawan sa emergency at humanitarian cases na aprubado ng NTF Against COVID-19


Nauna nang iniulat ang paglimita sa mahigit 1,500 na mga biyaherong puwedeng makapasok sa ‘Pinas kada araw upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.


Sa ngayon ay pinag-aaralan pa ang magiging proseso sa posibleng pagdagsa ng mga balikbayan.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 14, 2021



ree

Inirekomenda ni Senator Risa Hontiveros ngayong Linggo ang ‘vaccine tracker’ kung saan puwedeng subaybayan ng mga mamamayan ang progreso ng bawat bakuna kontra COVID-19 sa National Task Force (NTF) at Department of Health (DOH).


Aniya, “The vaccine tracker will be an important tool to regain trust among the public. Aside from being able to clearly see where we are or the progress of vaccination, this could show that the NTF is committed to transparency and accountability throughout the whole process.”


Dagdag pa niya, sa vaccine tracker ay makikita kung kailan darating ang ibang bakuna, ilang doses ng bakuna ang darating, kailan gagamitin ang bakuna, ilang doses ang ipapamahagi sa bawat LGU, sinu-sino ang mga naturukan at tuturukan pa lamang.


Iniugnay din niya ito sa mahigit $900 milyong utang ng Pilipinas na inilaan umano para sa mga bakuna.


“Ang taumbayan ang magbabayad ng mga utang na iyan. A vaccine tracker updated daily and accurately will be especially important when we start receiving the vaccines we paid for," saad pa niya.


Sa ngayon ay patuloy ang vaccination rollout gamit ang donasyong 600,000 ng Sinovac at ang mahigit 525,400 doses ng AstraZeneca mula sa COVAX facility.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 22, 2020


ree

Siniguro ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 na handa ang bansa sa posibilidad ng paglobo ng kaso ng COVID-19 kasabay ng pagbubukas ng Quezon Institute-Philippine Tuberculosis Society Inc. Modular Hospital and Dormitory sa Quezon Institute compound sa Quezon City.


Ang dalawang units ng naturang modular hospital na mayroong 44-bed capacity ay ilalaan para sa mga COVID-19 patients na may moderate at severe na kaso. Ang 2 units naman ng dormitories na may 64 beds ay ilalaan para sa mga health workers.


Pahayag ni NTF Deputy Implementer Vince Dizon, “Nakikita po natin na tumataas ang ating kaso. Hindi naman po ito nakakagulat. Marami pong lumalabas dahil after months of quarantine, gustong makasama ang mga mahal sa buhay dahil magpa-Pasko. Pero hindi po puwedeng maging kampante. Kaya lagi pong handa ang ating mga pasilidad kung tumaas man po ulit ang mga kaso.”


Saad naman ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, “The government is prepared for any possibility and is on top of the situation.” Ang mga medical teams mula sa Department of Health (DOH) at Jose Reyes Memorial Hospital ang mamamahala sa Quezon Institute-Philippine Tuberculosis Society Inc. Modular Hospital and Dormitory.


Saad pa ni Villar, “Rest assured we will continue to work very hard kahit alam po natin na malapit nang magkaroon ng vaccine [against COVID-19].” Samantala, nakapagtala ang DOH ng 1,314 na karagdagang kaso ng COVID-19, 247 bilang ng mga gumaling at 66 na pumanaw ngayong Disyembre 22.


Patuloy naman ang paalala ng pamahalaan sa publiko na limitahan ang selebrasyon ng Pasko at iwasan ang pagbi-videoke at patuloy na sumunod sa health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page