ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | August 8, 2024
Nais nating bigyang-pugay ang unang double gold medalist ng bansa, ang gymnast na si Carlos Yulo.
Isang bansa ang nakiiyak, nakihiyaw at nakipalakpak sa makasaysayang mga araw ni Caloy sa Paris Olympics.
Maraming pagsubok ang hinarap ni Caloy ngunit sa pamamagitan ng kanyang dedikasyon at puso ay napagtagumpayan niya ang mga ito.
Maraming salamat, Caloy, at sa iba pa nating Olympian, sa pagbibigay ninyo ng karangalan sa ating bansa.
Mabuhay kayo!
☻☻☻
Tuwing Agosto ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika.
Ayon sa Ethnologue 2022 report, nasa 175 ang indigenous languages (katutubong wika) sa bansa. Tatlumpu’t lima sa mga ito ang itinuturing nang endangered (31 threatened, 4 shifting), 11 ay “on the brink of extinction” o malapit nang mabura (5 moribund, 5 nearly extinct, 1 dormant), at 2 ay tuluyan nang nawala.
Mahalagang bahagi ng ating kaakuhan at kultura ang ating mga wika, kaya’t mahalagang protektahan natin ang mga ito.
Kapag nawala ang isang wika ay nawawala rin ang pagkilala natin sa mga ideya, simbolo’t, pahiwatig na nirerepresenta ng mga ito.
☻☻☻
Ipagmalaki natin ang ating mga kinalakihang wika.
Gamitin natin ito sa pakikipag-usap sa ating mga kapwa sa komunidad. Magsulat tayo gamit ang mga wikang ito at siyasatin kung paano lilinangin at mapalalawak ang pagkilala.
☻☻☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!
FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay