top of page
Machong Chismisan - YT.jpg
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 19, 2021




Patay ang apat na armadong kalalakihan, habang nakatakas naman ang 2, matapos nilang makipagbarilan sa mga pulis sa boundary ng Barangay Calulut at Malpitic sa San Fernando, Pampanga nitong Huwebes nang madaling-araw, Marso 18.


Ayon sa ulat, pinara ng mga pulis ang pulang kotse ngunit sa halip na huminto ay nagpaputok umano ng baril ang nasa loob ng sasakyan hanggang nauwi na sa pakikipagbarilan ang kapulisan.


Matapos ang putukan ay narekober sa crime scene ang kalibre .45 at 9 mm na baril. Sa ngayon ay inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga namatay na suspek at hinahanap na rin ang mga kasamahan nilang nakatakas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page