top of page
Search
  • Israeli Rommelle San Miguel
  • Apr 4, 2024

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 4, 2024



ree

Simula Abril 15, ipinagbabawal na ang mga tricycle, pushcart, pedicab, kuliglig, e-bike, e-trike, at mga light electric vehicle sa mga national roads sa Metro Manila.


Muling ipinaalala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipinagbabawal din ang mga sasakyan na ito sa mga circumferential at radial roads alinsunod sa MMDA Regulation No. 24-002 Series of 2024.


Ito’y dahil sa pagtaas ng bilang ng mga light electric vehicles sa mga lansangan at ang mga aksidente sa kalsada na kinasasangkutan nila.


Papatawan ng multa ang mga lumalabag, sa halagang P2,500, habang kukumpiskahin naman ang mga sasakyan nila at tuluyang kukumpiskahin kung hindi rehistrado at/o hindi magpapakita ng lisensya ang driver.


Sinabi ng MMDA na saklaw ng regulasyon ang mga sumusunod na kalsada:


— Recto Avenue

— President Quirino Avenue

— Araneta Avenue

— Epifanio delos Santos Avenue

— Katipunan/C.P. Garcia

— Southeast Metro Manila Expressway

— Roxas Boulevard

— Taft Avenue

— Osmena Highway or South Super Highway

— Shaw Boulevard

— Magsaysay Boulevard/Aurora Boulevard

— Quezon Avenue /Commonwealth Avenue

— Andres Bonifacio Avenue

— Rizal Avenue

— Del Pan/Marcos Highway/McArthur Highway

— Elliptical Road

— Mindanao Avenue

— Marcos Highway

— Boni Avenue

— Espana Boulevard



 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 28, 2023



ree

Nagdurusa ang mga motorista na patungong hilaga sa EDSA-Roxas Boulevard flyover dahil sa masikip na trapiko na dulot ng kasalukuyang pagsasaayos nito, na magtatapos sa Disyembre 30.


Iniulat ng MMDA na kumalat ang trapik sa iba't ibang lugar ng Baclaran at Tambo sa Parañaque City.


Nagbigay naman ng babala ang lokal na pamahalaan ng Parañaque at Pasay sa mga commuter at motorista na magiging sarado ang flyover hanggang Sabado.


Sinimulan ng Department of Public Works and Highways (DWPH) ang pagsasaayos ng flyover noong Lunes.


Inirerekomenda sa mga motorista na dumaan sa Macapagal Avenue o Diokno Boulevard bilang mga alternatibong ruta.


Kinakailangan ng ahensya na pagtibayin ang mga flyover sa Metro Manila sa pamamagitan ng retrofitting, lalo’t dahil sa posibilidad na mangyari ang "Big One" o isang malakas na lindol sa kabisera, ayon kay Loreta Malaluan, direktor ng DPWH sa Metro Manila.

 
 
  • BULGAR
  • Dec 11, 2023

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 11, 2023



ree

Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko ngayong Lunes na asahan ang mas matinding trapiko sa mga lungsod habang nalalapit na ang Pasko.


Ipinahayag ni MMDA Chairman Romando "Don" Artes na mas bumabagal ang sitwasyon ng trapiko sa mga northbound at southbound lanes sa EDSA dahil sa Christmas rush.


“Bumagal 'yung daloy ng traffic (sa EDSA). Before. it's 17 kph ang southbound average speed. Ngayon ay 16 [kph] na lamang. Northbound dati. nasa 19-plus, almost 20 kph. Ngayon ay nasa 19 [kph] na lang,” saad ni Artes.


Dagdag niya, inaasahan din ang matinding trapiko sa weekend na sumasabay sa payday at sa weekend bago ang Pasko. Maaaring maging mas malala ito simula Disyembre 22, ang huling araw ng trabaho bago ang Pasko.


Ipinaliwanag ni Artes na ipinapatupad na ng ahensiya ang “no late, no absent policy” para sa lahat ng kanilang mga traffic enforcer upang makatulong sa mga motorista.


“Unang-una, in-extend na po natin 'yung ating deployment ng traffic enforcers hanggang alas-dose ng hatinggabi. Pangalawa, no absent no late policy tayo, no leave at ganu'n din po 'yung task force na Strike force na nagki-clear ng Mabuhay lanes,” sabi ni Artes.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page