top of page
Search

Pni Angela Fernando - Trainee @News | November 20, 2023




Bigo mang makapasok sa Q&A ng Miss U 2023 si Michelle Dee, tatlong special awards ang nasungkit at proud na ibinahagi nito sa kanyang mga taga-suporta.


Kasamang napanalunan ni Dee ang Carnival Award mula sa pageant sponsor na Carnival Cruises, bukod sa nabingwit na gold winner ng Voice for Change competition at Miss Universe' fan vote.


Sa kanyang Instagram broadcast channel, excited na ibinida ni Dee ang naging resulta ng botohan sa kanyang mga fans.


Voice for Change nga ang pinakamahalagang naiuwi niya, ayon sa beauty queen.


Matatandaang ang adbokasiya ni Michelle ay nagbigay ng liwanag at boses sa mga taong may autism kung saan kanyang naging inspirasyon ang dalawang kapatid.


Nabigo mang makapasok ang kandidata, hindi naman maikakaila ang naging impact ng kanyang naging pagsali sa madla.


Hindi nga nagpahuli sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe 2018 Catriona Gray sa pagpapakita kung gaano sila ka-proud sa naging laban ni Dee.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 17, 2023




Umangat at nagningning bilang isang piloto ang kinatawan ng 'Pinas na si Michelle Marquez Dee sa national costume competition ng Miss Universe 2023 sa El Salvador ngayon.


Pinanganga ni Dee ang kanyang mga tagasuporta sa kanyang kasuotan na likha ng Filipino designer na si Michael Barassi kung saan ang disenyo ay hinango sa bansa.


"It's a bird, it's a plane, it's the Philippines! Crowned with a captain's hat this costume is a salute to the delegate's role as an Air Force reservist," pagpapakilala ng host sa costume ni MMD.


"This look is representative of her country–resilient and radiant. There's no denying she's the queen of flying in the Philippines!" pagtatapos nito.


Ayon sa IG post ni Dee, sumisimbolo ang kanyang kasuotan sa kasaysayan at pagmamalaki sa 'Pinas.

 
 

Fini Angela Fernando - Trainee @News | November 16, 2023




Pasok at nasa Top 6 ng Missosology para sa Miss U si Michelle Dee, na pinakamataas niyang puwestong nasungkit nang magsimula ang beauty pageant nu'ng Oktubre.


Unang nakapasok si Dee sa sa ikalawang Missosology nu'ng nagdaang buwan at nabingwit ang Top 11.


Matatandaang nawala siya sa ikatlong edisyon ng hot picks ngunit agad bumawi sa listahan nang umakyat siya sa Top 6 ilang araw bago ang koronasyon.


Nagpakita naman ng suporta ang mga kaibigan at katrabaho ni Dee, tulad ni Gabbi Garcia, na nakikitaan din ng potensyal na maging susunod na beauty queen.


Gaganapin ng Miss U ang kanilang preliminaries sa Huwebes at ang pambansang costume competition sa Biyernes bago ang koronasyon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page