top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | February 20, 2024


ree

Yes, Sir! Kahit tinanggalan ni ex-President Duterte ng prangkisa ang ABS-CBN ay patuloy pa rin ito sa pagbibigay-aliw sa public viewers thru their shows and in fact ay nagka-award pa ito just recently. 


Nag-uwi ang ABS-CBN, ang nangungunang content provider ng bansa, ng sampung parangal, kabilang ang Digital Media Network of the Year award, sa 2024 Platinum Stallion National Media Awards na ibinigay ng Trinity University of Asia noong Pebrero 15 (Huwebes).


Bukod sa prestihiyosong parangal na ito, ilang Kapamilya artists, shows at pelikula rin ang kinilala ng mga estudyante at guro mula sa Trinitian community.


Nasungkit ng Senior High actors na sina Elijah Canlas at Miggy Jimenez ang Best Primetime Drama Actor at Best Primetime Supporting Actor awards, ayon sa pagkakasunod, habang nanalo naman si Jennica Garcia bilang Best Primetime Supporting Actress para sa hit Kapamilya series na Dirty Linen


Samantala, nagwagi rin ang tatlong shows ng ABS-CBN na FPJ’s Batang Quiapo bilang Socially Relevant TV Series, It’s Showtime bilang Best Variety Show, at Magandang Buhay bilang Celebrity Talk Show of the Year.


Pinasalamatan ng mga awardees ang namayapang Dreamscape head na si Deo Endrinal sa kanilang mga acceptance speech.


“Noong lumabas ang cast trailer namin sa Dirty Linen, lahat ng kasama ko roon, award- winning actors and actresses. Ang sabi ko pa po kay Christian Bables noon, 'Parang nahihiya ako kasi ako 'yung walang award, hindi ata ako bagay dito.' Tapos, ang sabi niya po sa akin, maniwala lang daw po ako kay Sir Deo. 


"Sir Deo, hindi ko man po kayo kasama na ngayon dito sa lupa bilang boss ko, sana maging anghel po namin kayo d'yan sa langit,” ibinahagi ni Jennica.


“Kasabay ng selebrasyon ng aming first year anniversary, ibinibigay namin ang aming taos- pusong pasasalamat sa pagtangkilik at suporta n'yo sa palabas namin. Also, I would like to dedicate this award sa yumao naming boss na si Mr. Deo Endrinal, sobra ang pagpapasalamat namin sa kanya,” sabi ni Cherry Pie Picache na tumanggap ng parangal para sa FPJ’s Batang Quiapo.


Panalo naman ang Rewind, ang highest grossing Filipino film of all time, bilang Best Drama Movie of the Year, habang nagwagi ang lead actress nitong si Marian Rivera ng Best Film Actress award.


Bukod pa rito, nakuha ni Jan Erik Miras ng Star Magic ang Trinitian Media Practitioner for Entertainment Media award.


Pinaparangalan ng Platinum Stallion National Media Awards ang mga indibidwal at grupo sa kanilang pagsisikap sa pagbibigay-edukasyon sa mga manonood sa pamamagitan ng media at allied arts. Pinagbobotohan ng mga mag-aaral, alumni, guro, staff, at stakeholder ng paaralan ang mga nanalo.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | February 14, 2024


ree

Nagsimula na palang mag-taping sina Kim Chiu at Paulo Avelino para sa kanilang bagong pagtatambalan na Pinoy adaptation ng Korean series na What's Wrong With Secretary Kim

 

A very reliable source whispered to us na kakaiba raw ang glow ni Kim sa taping nila ni Paulo at mukhang inspired at in love na uli ito after ng breakup nila ni Xian Lim.


Hindi na raw mababakas sa mga mata ng aktres ang kalungkutan, bagkus ay kumukuti-kutitap na ang eyes niya at waring nagsasabing "I'm in love, oh, yeahhh!" boom, ganern!

Oh, ha? Ano naman kaya ang masasabi ni Janine Gutierrez na kilig na kilig si Kim kay Paulo? 


Wala kayang selos factor na napi-feel si Janine para kay Kim Chiu lalo't mas madadalas ang pagsasama nina Kim at Paulo sa taping? 


Hmmm… abangan!




ree

Bongga ang celebration ng 60th birthday ng tinaguriang Lord of Scents at Aficionado King na si Joel Cruz sa kanyang mansion somewhere in Sampaloc, Manila.


Milyones talaga ang ginastos ni Joel lalo't nasa 400 ang mga bisita niya na bukod sa mga kapamilya at kaibigan, nandu'n din ang kanyang mga employees. 


Dahil halos nasa kanya na ang lahat, long life at good health na lang ang birthday wish ni Joel lalo't lumalaki na ang walo niyang dyunakis na tipong mga artistahin talaga.


Sa true lang, may future ang walong anak ni Sir Joel sa showbiz industry, either sumikat sila bilang artista, singer, model or product endorsers ng Aficionado perfume at Takoya Tea resto ni Lord of Scents.


Matapos ang dinner, nagtampok ng world-class talents na musical show. Ilan sa mga nag-perform ang Manila Philharmonic Orchestra sa pamumuno ni Maestro Rodel Colmena, soprano na si Myramae Meneses na graduate ng St. Scholastica’s Conservatory Music, at sa United Kingdom, at nakasama niya sa Walang Tulugan na sina Prince of Ballad at Miss Saigon artists na sina Gerald Santos, Asia’s Diva Dulce, hosted by Jackie Lou Blanco. 


May surprise performance naman mula kay Malu Barry na sinusuportahan din ni Joel sa kanyang fundraising concerts.


Dumating din ang mag-asawang Tintin at Julius Babao, sina Margie Moran, Jean Saburit, Camille Villar, Geoff Taylor at wife, Jiro, Custodio, Yoli Ayson na partner ni Ricky Laurel ng Lyceum of the Philippines, mga classmates ni Joel mula sa UST High School at College, kasama ang costume designer ng Ang Probinsyano na si Eric Pineda, Jude Mangcuyas na production designer ng GMA-7, Father Jerome Secillano na spokesperson ng CBCP, influencers tulad nina Dave Villanueva, Jerome Sang at marami pang iba.


Ang pasabog ay nagpa-raffle ng 100 na prizes para sa lahat ng bisita!

Anyway, Happy Birthday pa more, Lord of Scents Aficionado King Joel Cruz para makita mo pa na maging binata at dalaga na ang iyong walong anak na may lahing banyaga.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | February 9, 2024


ree

May ilang Marites ang curious kung ano na raw ang kalagayan ngayon ng veteran actress na si Deborah Sun buhat nang maaksidente ito sa taping ng Batang Quiapo.


Nag-PM kay yours truly si Deborah and the following ay ang kanyang kasagutan sa mga Marites.


"Ipina-X-ray ako noon every Saturday sa chest. Kasi ilang araw na masakit ang dibdib ko.


Ayun, nakita sa X-ray, merong fracture rib banda sa chest ko. Saka meron pang sinabi. Hindi ko naman maintindihan. 


ree

“To consider right rib fracture of 8th Thoracic Spondylosis Humeral Fracture Right. Bukas X-ray daw ulit ang fracture ko sa upper arm ko hanggang balikat. Pero alam mo, kapatid, halos araw-araw masakit ang ulo ko. Kasi 'di ba, CT Scan ako. Meron nakita na maliliit na buo na dugo sa ulo ko. Kaya nga meron sila pinaiinom sa akin na twice a day na gamot sa brain ko," sagot ni Deborah.


So, to all Marites, please ipag-pray na lang natin na gumaling nang tuluyan si Deborah Sun sa mga natamo niya matapos maaksidente sa taping ng BQ.


At least, hindi naman siya pinababayaan ng ABS-CBN at ni Coco Martin sa mga gastusin niya sa pagpapagamot at may financial help din sa kanya ang best friend niyang si Ara Mina.


Kaya saludo talaga kami kina Coco at Ara sa kanilang good heart and soul.



ree

Inilabas ng Kapamilya artist na si Fana ang music video para sa kanyang awitin na Love Story Ko tampok ang FPJ’s Batang Quiapo stars na sina Lorna Tolentino at Lito Lapid.


Kapansin-pansin ang chemistry ng mga beteranong aktor bilang Amanda at Primo sa nasabing hit primetime series, kaya naman napili ang tambalang PriManda para sa proyektong ito.


Inilunsad ni Fana ang kanyang modern rendition ng Gloc-9 hit na Love Story Ko noong nakaraang taon. Nai-produce ito by Inspire Music label head at creative consultant na si Jamie Rivera at isinulat nina A. Polisco at Christian Martinez.


“Sobrang gaan katrabaho ni Ms. Jamie at nagustuhan ko 'yung song dahil Gloc-9 is one of the artists I look up to rin kaya masaya ako na ito 'yung naibigay sa akin na kanta,” saad ni Fana.


Panoorin ang Love Story Ko music video ni Fana na available sa ABS-CBN Star Music YouTube channel at pakinggan ang awitin sa iba’t ibang music streaming platforms. 


Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube, puwede ring sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok o bisitahin ang ABS-CBN Facebook page.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page