top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 10, 2024


ree

Masaya at puro biruan ang nangyaring bonding at tsikahan ng PMPC (Philippine Movie Press Club) officers at members kay Sen. Bong Revilla, Jr. recently lamang.


Natanong ni yours truly ang matulungin at very friendly senador ng bansa na walang iba kundi si Sen. Bong Revilla tungkol sa political plans nito.


Tanong ni yours truly, "Sen. Bong, tatakbo ka ba uli this coming election?"


"Oo naman, siyempre. Bakit, gusto mo ba akong makulong uli?" sagot niya with matching pabiro kaya tawanan ang mga nakapaligid sa aming ilang kasamahan sa PMPC. 


"As President?" asked uli ni yours truly.


"Hindi, as senator lang uli," pahayag niya.


Dagdag pa niya, "After ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ay gagawin ko naman ang Alyas Pogi. Ia-announce natin 'yan, soon. Marami kasi ang nag-request, eh, 'Oh, gawin mo 'yung Alyas Pogi, ganyan-ganyan... kasi naka-one, two, three na tayo ru'n, so pang-apat na 'to." 


May 3 or 4 episodes pa raw ang natitira sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis kaya hindi pa nila magawa ang Alyas Pogi. Maganda raw ang casting nila sa nasabing movie, buo na, kaso ayaw pa niyang i-announce para surprise raw muna.


"Kaya abangan n'yo ang malaking pasabog ng Imus Productions," saad pa niya.


Tapos, may pelikula pa raw siyang gagawin kaya kailangan daw umikot siya after in time for the next senatorial elections.


"Kaya abangan n'yo ang pagbabalik ng Imus Productions.... abangan n'yo ang pagbabalik ni Bong Revilla, Jr. sa pelikula. Kasi ang tagal na rin 'yung huling pelikulang nagawa ko... 'yung Agimat ata," pahabol na sabi pa niya sa amin.


Yes, Sir! Aabangan namin lahat ng gagawin mo sa pelikula at maging sa Senado, boom, 'yun na!



ree

Nangyari na ang isa sa pinakamasayang moments sa telebisyon at pinakahihintay ng madlang people nang mag-debut ang longest-running noontime show na It's Showtime sa GMA nu'ng Sabado, April 6, na nag-trending worldwide sa Twitter at umani ng 500,000 peak concurrent views online. 


Binuksan ng Asia's Unkabogable Superstar at birthday girl na si Vice Ganda ang It's Showtime sa isang mala-dune performance at sa pag-upo niya sa ituktok ng GMA logo sa building ng Kapuso Network pati na ang performance niya ng Thunder, Champion at Hall of Fame.


Samantala, sunud-sunod din na pasabog na performance ang hatid ng kanyang mga co-hosts na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Amy Perez, Darren Espanto, Jugs Jugueta, and Teddy Corpuz, Ryan Bang, Jackie Gonzaga, MC, Lassy, Ion Perez, and Cianne Dominguez para sa Kapamilya at Kapuso viewers. 


Pinasalamatan din ng Unkabogable Star ang mga bosses ng ABS-CBN at GMA sa paggawa ng paraan upang mas malawak ang mapasaya ng programa. 


Ayon pa sa kanya, ito ang tinuturing niyang best birthday gift at para ito sa madlang people. 


"Ito ay para sa lahat ng madlang people na mapapasaya namin simula sa araw na ito. Ito ay para sa GMA at sa ABS-CBN, lahat ng mga nagtatrabaho sa It's Showtime, lahat ng mga staff natin, napakahuhusay at napakasisipag, at sa ating lahat na mga hosts, sa lahat ng mga kapiling nating mga Kapamilya, mga Kapuso," saad niya.


Samantala, kasama sa mga nakisaya at nakisali sa Karaokids segment ang Kapuso stars na sina Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Glaiza de Castro, Jillian Ward, Mark Bautista, Christian Bautista, Jake Vargas, Mikee Quintos, Nadine Samonte, at Chanty. 


Sumalang naman sa espesyal na episode ng EXpecially For You ang Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Dee kasama ang ina niyang si Miss International 1979 Melanie Marquez. 


Sa ngayon, makisaya na sa buong pamilya ng It’s Showtime, 12 NN, mula Lunes hanggang Sabado, sa GMA, A2Z, Kapamilya Channel, GTV, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com


Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. Huwag ding palampasin ang Showtime Online U sa YouTube channel ng It's Showtime


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 5, 2024


ree

For the first time ay ini-reveal ni Patrick Garcia kung sino ang unang artistang babaeng niligawan niya, pero in the end, basted siya.


He shared the details sa Fast Talk with Boy Abunda just recently, at si Anne Curtis ang tinutukoy niya.


“Matagal na ‘to,” Patrick said. “Mga 1999 pa ‘to.


“Ngayon ko lang sinabi ‘to. Sorry, guys,” he said.  


Anne is now married to Erwan Heussaff at may anak nang si Dahlia.


Meanwhile, Patrick is married to Nikka Martinez,at  meron na rin silang tatlong anak na babae at isang lalaki. 


Patrick also has a son, Jazz, sa kanyang ex-GF (girlfriend) na si Jennylyn Mercado.


Eh, talaga sigurong not meant to be sa isa't isa sina Patrick Garcia at Anne Curtis. 


Well, tanggap naman nila ang kani-kanilang naging kapalaran sa mga naging partner nila ngayon, boom, ganern!


At inamin din nitong si Patrick na ang worst ridiculous rumor sa kanya ay ‘yung nabalitang beki siya at may mga naghinala talaga na totoo ito. 


"Somebody wrote it na parang… Ha? Ako? Parang ganu’n lang. Pero nawala rin naman agad ang tsismis na ‘yun nga, beki ako lalo na nu'ng magkaanak ako kay Jennylyn," pagtatapos ng true confession ni Patrick sa Fast Talk show ni Boy Abunda sa GMA Network.


O, ayan mga Marites at tribu ni Mosang, maliwanag na hindi beki ang isang Patrick Garcia, ‘noh! 



ree

Mga istoryang puno ng pag-ibig, inspirasyon at kasiyahan ang matutunghayan sa Tao Po tampok ang love story ng showbiz couple na sina Yael Yuzon at Karylle, pati ang kinagisnang buhay ng ex-celebrity giant na si Raul Dillo, at iba pa ngayong Linggo (April 7).


Kiligin sa kuwento ng pag-iibigan nina OPM vocalist Yael Yuzon at It's Showtime host Karylle, kung saan kukumustahin ni Bernadette Sembrano ang kanilang buhay-mag-asawa kasabay sa pagdiriwang ng kanilang 10th wedding anniversary.


Maliban sa kanilang renewal of vows, ibabahagi rin nina Yael at Karylle ang kanilang dedikasyon sa sining at musika.


Samantala, bibisitahin naman ng Kapamilya journalist na si Karen de Guzman ang dating basketbolista at artista na si Raul Dillo, na kinilala bilang 'Pinoy Frankenstein' ng Philippine showbiz. 


Ibabahagi naman ni Raul ang kanyang personal na buhay pagkatapos ng kasikatan sa showbiz at ang mga pinagdaanang pagsubok sa pamilya at kanyang kalusugan.


Ibibida naman ni Kabayan Noli de Castro ang four-year-old PWD toddler na si Dwyane Wade Dota ng Batangas City. 


Ipinanganak siyang walang mga kamay at tatlo lamang ang daliri sa kaliwang paa pero marami siyang kayang gawin gaya ng pagtulong sa mga gawaing-bahay, pagsusukli sa mga bumibili sa kanilang munting tindahan, at makipaglaro sa mga kaibigan na parang walang kapansanan.


Abangan ang mga kuwentong ito sa Tao Po ngayong Linggo, 6:15 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at iWantTFC.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 3, 2024


ree

Sa latest report ng Fast Talk with Boy Abunda host na si Kuya Boy Abunda ay aktibo nang muli si Sarah Geronimo sa paggawa ng iba't ibang proyekto ngayong taong 2024.


Mula kasi nang ikasal si Sarah kay Matteo Guidicelli ay nag-rest muna sa pagtatrabaho si Sarah G. 


Wala naman daw takot sa pagbabalik ang Popstar Royalty sa mundo ng showbiz. 


Pahayag ni Sarah, “Grateful, siyempre, may mga apprehension noong kababalik ko lang and may mga fears, pero sa industriya naman natin, as long as you believe in what you do and what you put out there sa mga tao, as long as mahal mo kung ano ‘yung ginagawa mo, there’s nothing to fear.” 


Kahit mahigit dalawang dekada na sa entertainment industry si Sarah ay nakakaramdam pa rin daw ng takot ang singer-actress sa tuwing may gagawin siyang proyekto. 


Kaya pagdidiin niya, “Kapag sinabi yatang Sarah Geronimo, kaakibat na ‘yung apprehensions. Parang part po talaga ‘yan ng personality ko. But you know, at the end of the day, there’s a decision na to overcome that apprehension. ‘Yung passion pa rin na huwag i-overthink ‘yung fear, ‘yung hesitation, ‘yung apprehension.” 


Ayon pa kay Kuya Boy Abunda, taong 2019 pa nang huling makagawa ng pelikula si Sarah. Kaya kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto muling magbida ng aktres at singer sa isang magandang proyekto. 


“Kung mayroon pong magpu-push through po ‘yung mga plans for the movies, game.


Masyado pong marami, hindi pa po namin alam. Magma-materialize talaga kami,” pagtatapos ng Popstar Royalty sa naturang panayam.


So there, Marites!




ree

Patuloy pa rin ang tiwala ng mga Pilipino sa ABS-CBN, ang nangungunang content provider sa bansa, matapos na muling kilalanin bilang isa sa trusted brands at masungkit ang Gold award sa Reader's Digest Trusted Brands Awards 2024 nu'ng Marso 22.


Maliban sa paghirang bilang isa sa mga pinagkakatiwalaang TV network sa bansa, kinilala ang ABS-CBN sa inobasyon nito bilang global storytelling company at ang misyon nitong magbigay ng serbisyo sa mga Pilipino sa pabibigay ng saya at paghahatid ng mga balita.


Samantala, hinirang din bilang Most Trusted Personalities ang It's Showtime host na si Vice Ganda at ang beteranong news anchor na si "Kabayan" Noli de Castro.


Sa ika-6 na taon, kinilala muli si Vice bilang Most Trusted Entertainment and Variety Presenter para sa kanyang kontribusyon sa entertainment at komedya, pati sa kanyang adbokasiya sa likod ng camera.


Inuwi naman ni Kabayan ang Most Trusted Radio Presenter para sa kanyang makabuluhang pagbabalita sa radyo, sa pamamagitan ng kanyang long-running radio news program na Kabayan sa DWPM Radyo 630/TeleRadyo Serbisyo, at TV Patrol.


Sa ika-26 nitong taon, ang Reader's Digest Trusted Brands Awards ay kumikilala sa mga kumpanya at brands na pinagkakatiwalaan ng publiko sa kanilang serbisyo at kalidad.  


Ito ay base sa survey na isinagawa ng nangungunang research company na Catalyst sa higit 8,000 konsumer mula Pilipinas, Singapore, Malaysia, Hong Kong at Taiwan.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page