top of page
Search

ni Melba R. Llanera @Insider | February 25, 2024


ree

Gaano kaya katotoo ang balitang kumakalat na isa raw billionaire businessman ang bagong manliligaw sa ngayon ni Kim Chiu?


Kung si Xian Lim ay nali-link ngayon sa Filipino-Chinese film producer na si Iris Lee pagkatapos mauwi sa breakup ang 13 yrs. nilang relasyon ni Kim, heto't usap-usapan na isa raw super-yaman na businessman ang bagong suitor ng Chinita Princess.


Pagkatapos ma-link kay Paulo Avelino na nakasama niya sa Linlang at kapareha niya sa Filipino adaptation na What's Wrong with Secretary Kim?, heto't mas bongga nga ang bagong nauugnay sa aktres.


Kung bibigyan ito ng tsansa ni Kim at makakatuluyan niya, ‘di rin naman makukuwestiyon ang pagkatao ng aktres dahil alam naming nakaipon na rin si Kim at isa sa mayayamang celebrities sa ngayon.


Hiling lang namin ay matagpuan na rin sana ng aktres ang tamang lalaki para sa kanya lalo't kilala naman na loyal, tapat, at mabuting babae si Kim, na ang prayoridad ay ang kanyang pamilya at mga taong napamahal na sa kanya.


 
 

ni Melba R. Llanera @Insider | February 18, 2024


ree

Isang mapagkakatiwalaang source ang nagkuwento sa amin na tutol pala ang lola ni Dominic Roque kay Bea Alonzo para sa apo. 


Ayon sa aming reliable source, kinausap noon ng lola ang aktor na pag-isipan muna ang balak na pagpapakasal sa Kapuso actress dahil sikat si Bea, abala sa dami ng ginagawa at baka hindi nito maging prayoridad ang magkaroon ng anak kahit na magpakasal na silang dalawa. 


Ang tanging naisagot daw ni Dominic ay mahal niya si Bea kaya 'di na nakakibo ang lola at inirespeto na lang ang desisyon ng apo. 


Pagkalipas ng ilang buwan ay humingi naman ito ng tawad kay Dominic at ibinigay ang basbas sa balak na pagpapakasal nina Bea at Dom, lalo't nauwi na sa engagement ang relasyon ng dalawa.


Sa nangyaring paghihiwalay ngayon nina Bea at Dominic, kung saan mga below the belt ang mga kuwentong lumalabas patungkol sa aktor gaya ng isang pulitiko raw ang may-ari ng condo unit na tinitirhan nito at pilit hinahalungkat ang background ng aktor, nai-imagine namin kung gaano dinaramdam at nasasaktan sa ngayon ang pamilya ni Dominic, partikular na ang lola nito na sinasabing kamukha ni Bea nu’ng kabataan nito.


Balita namin ay nasa Amerika na ngayon ang lola ni Dominic at kinuha na ng tiyahin nitong si Beth Tamayo. 


Para sa amin ay mas mabuti na rin na nasa ibang bansa ang lola ng aktor para maiwasan na rin nito ang mga negatibong balita sa apo na tiyak na iindahin nito 'pag nabasa pa niya o nabalitaan sa telebisyon o social media.


 
 

ni Melba R. Llanera @Insider | February 11, 2024


ree

Ngayong maingay na maingay ang breakup nina Bea Alonzo at Dominic Roque, heto't

lumalabas sa social media ang listahan ng mga exes ng aktres kung saan kasama ang pangalan ni Jake Cuenca.


Nang ini-research namin ang tungkol dito, pagkatapos ng relasyon ni Bea sa namayapang aktor na si Mico Palanca, saka pala nag-date sina Bea at Jake. 


Naituro rin si Bea nu’n na third party sa hiwalayang Roxanne Guinoo at Jake. 


Inamin naman ng Kapamilya actor na na-in love talaga siya kay Bea nu’ng mga panahon na iyon pero sa interview naman kay Bea ay kinlaro nito na hindi sila nagkaroon ng relasyon. Pero inilarawan nito na isang mabuting manliligaw si Jake at ine-enjoy niya muna ang pagiging single ng mga panahong iyon kaya ‘di naging sila. 


Marami pa ang tiyak na hahalukayin ng mga netizens hindi lang sa espekulasyon sa dahilan ng breakup nina Dominic af Bea kundi maging ang mga tao na naging bahagi rin ng kanilang buhay bago pa sila nagkarelasyon. 


Sa parte naman ni Dominic, ang alam lang namin na naging girlfriend nito ay si Michelle Vito na ngayon ay kasintahan na ng Kapamilya actor na si Enzo Pineda.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page