top of page
Search

ni MC - @Sports | August 4, 2022



Inaasahang maaantala pa ang pagdating ni Jordan Clarkson sa bansa at mauurong ito ng ilang araw.


Nakatakda sanang dumating sa bansa si Clarkson sa August 18 para makapaghanda kasama ang Gilas Pilipinas sa pagsabak nila sa 4th window ng FiBA World Cup Asia qualifiers.


Una ng sinabi ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na sigurado nang maglalaro sa Gilas si Utah Jazz star Clarkson para sa 2023 FIBA World Cup at nakatakdang dumating sa bansa sa August 18 para sa August window.


Pero isiniwalat ni Gilas head coach Chot Reyes na maaantala ang pagdating ni Clarkson.


Wala pa, it’s still being worked on,” ani Reyes. “I think they’ll make an announcement in the next few days. August 15 ang start ng practice but I don’t think that’s the date of his arrival,” ani Reyes.

If Clarkson, who last donned the national colors in the 2018 Asian Games, indeed suits up for the Philippines, the Filipino-American guard will see action as a naturalized player."


Haharapin ng Gilas ang Asia Cup finalist Lebanon sa August 25 sa road game at ang Saudi Arabia sa August 29 sa home para sa fourth window of the World Cup Asian Qualifiers.


 
 

ni MC - @Sports | August 3, 2022



Aabangan ni Filipino mixed martial arts (MMA) star Geje "Gravity" Eustaquio ang rematch sa pagitan nina Adriano Moraes at Demetrious Johnson sa ONE 161 sa August 26.


Tatlong beses nang nakasagupa si Moraes sa ONE Circle, pamilyar na si Eustaquio sa reigning ONE flyweight champion at alam niya kung paano lalaban kay Johnson sa pinakaabangang showdown.


"I expect fireworks from both warriors. Both of them are fire-tested and both of them are legends. I expect nothing but a full display of mixed martial arts," ani Eustaquio, dating ONE flyweight title-holder.


Nang papiliin, aminado si Eustaquio na target niya si Moraes. Anuman ang kanilang naging kasaysayan, ipinagmamalaki ng Team Lakay ang naging achievements ng kanyang dating karibal sa ONE Championship.


"Adriano, you have to remember that when all of them doubted you to win against DJ, you proved them all wrong by giving him his first career KO. You have to stay on that mentality and I wish you a safe and healthy competition," ani Eustaquio.


Nagpaabot din siya ng tip kay Moraes kung paano titilarin si Johnson at mapanatili ang kanyang titulo. "Adriano needs to be unpredictable in order to retain the title, he has to move constantly because DJ is very crafty in playing the game. Adriano has all the tools and had them all tested before," saad ni Eustaquio. "Win or lose brother, you have proved more than enough to this sport. I am proud of being part of your journey. I wish you luck," dagdag niya.

 
 

ni MC - @Sports | August 1, 2022




Ipinatawag ng PBA Commissioner’s Office sina Christian Standhardinger at Franky Johnson para bigyang linaw ang insidente sa pre-game warmup noong Biyernes sa San Juan.


Magkahaharap ang dalawa ang mga opisyal ng liga bago magsimula ang laro ng Meralco Bolts at Barangay Ginebra para sa semifinal spot sa Philippine Cup.


Ang dalawa ay tila nasangkot sa isang maliit na insidente ng sikuhan, kung saan ibinato ni Johnson ang bola nang malakas kay Standhardinger, ayon sa mga saksi.


Pumagitna ang mga cooler head at tinawag ang dalawang manlalaro sa technical officials table kung saan nakausap sila ni deputy commissioner Eric Castro. Hiniling din na humarap si Prince Caperal sa mga opisyal ng PBA bago ang Game Three ng Ginebra-Meralco quarterfinal series.


Ang Gin Kings backup big man ay nakitang hinahampas si Chris Newsome mula sa likod sa isang post sa social media ng Bolts guard. Nakita ng mga opisyal ang insidente.


Di-nagtagal pagkatapos ng laro, nag-post si Newsome sa Twitter na nagsasabing “Pribilehiyo na ginagawang matapang ang mga tao! Mag-ingat sa mga Pekeng Tough Guys kahit saan!” pagkatapos ng laro at pagkaraan ng ilang oras ay nai-post ang video clip na nagpapakita ng pagtama sa kanya ni Caperal.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page