top of page
Search

ni MC @Sports | April 15, 2024



Nagbunga ang paghihintay ni Jeremy "The Juggernaut" Pacatiw. Bagamat walang laban sa nakaraang 16 na buwan, nakapagtalo ang  Lions Nation MMA standout ng nakagugulat na  first round submission win kontra kay "Little Whirlwind Wang Shuo sa ONE Fight Night 21:Eersel vs. Nicolas.


Impresibo ang naging laban na ito ni Pacatiw dahil napatunayan niyang mayroon siyang iisang salita at at talagang ipinakita ang kanyang kahandaan sa kabila ng

pagkakabakante sa laban.   “Sinabi ko nga before the fight, I’m prepared in any aspect.


I think this is the time, the perfect time na binigay ni Lord for me,” aniya matapos na pasukuin ang kalabang Tsino sa bisa ng rear naked choke sa   2:07 minuto ng round one.


Magandang panalo ito para  kay Pacatiw na balak umakyat sa bantamweight division sa ONE Athlete Rankings. Wala man siyang nabanggit sa susunod niyang mga plano, determinado siyang sumagupa laban sa mga top five sa ngayon.   “Maybe I’ll start with the top five muna, and then if we’re able to get the win, then bababa sila,” aniya. 

“Tingnan natin kung sino ang ibibigay ng ONE Championship, they have the decision kung sino ibibigay. I hope to be able to compete against the top five.”


Kabilang sa potensiyal niyang makakasagupa sina no. 3 "Pretty Boy" Kwon Won II,  no. 4 Artem Belakh at no. 5. Enkh-Orgil Baatarkhuu.  Sa  ngayon, nais muna ni Pacatiw na ipagdiwang ang panalo dahil alam hindi lang ito isang simpleng panalo kundi ito ang simula ng kanyang upstart stable. “Yun ang maganda kasi we’re already setting the momentum of Lions Nation MMA which is good and hopefully, we’re praying na tuloy tuloy na,” aniya. “This is a victory for the team at nating lahat.”                          

 
 

ni MC @Sports | April 14, 2024



Kinapos sina Gen Eslapor at Kly Orillaneda para sa  quarterfinals nang magmartsa ang tambalan nina New Zealand's Katie Sadlier at Meile Rose Green tungo sa 21-18, 16-21, 15-12 victory kahapon sa FIVB Volleyball World Beach Pro Tour Futures sa Nuvali Sand Courts ng Ayala Land sa City of Santa Rosa.

 

Unang nakontrol pa ng  lady spikers ng Philippine Air Force ang napakainit na bakbakan at dominante hanggang second set pero nangibabaw na ang husay ng New Zealanders at tapusin ang laban sa loob ng 55 minuto.


Sinikap pa ng 5-foot-6 na si Orillaneda na makabawi sa third set. “It was mostly because of our errors,” saad ni Orillaneda.  “We gave them some crucial points and it’s disappointing because we knew we could pull it off, we just didn’t execute."


“We need to be able to convert points in transition,” ayon sa 5-foot-7 na si Eslapor.   


Habang sina Sadlier at Green, na maagang tinalo sa 24-26, 21-13, 15-4, sina Rēzija Puškundze at Loreta Cabule ng Latvia sa Round of 12 ay mahaharap sa quarterfinal showdown kontra German pair na sina Chenoa Christ at Anna-Lena Grüne.


Habang napasuko sina Alexa Polidario at Jenny Gaviola sa kompetisyon sa 10-21, 7-21 kontra sa Lithuanians Marija Karaliute at Urte Andriukaityte.


Sa men’s play, maganda ang laro ng Philippines’ AJ Pareja at Ran Abdilla sa second set matapos ang mabagal na simula pero malakas pa rin sina Banlue Nakprakhong at Wichaya Wisetkan ng Thailand para manalo, 12-21, 17-21.


Giniba nina Yusuf Özdemir at Batuhan Kuru ng Turkey ang New Zealanders na sina James Sadlier at Juraj Krajci, 21-13, 21-15, nanaig sina Germany’s Philipp Huster at Bennet Poniewaz kontra Ryo Tatsumi at Shiro Furuta ng Japan, 21-11, 21-14, pinaluhod nina  Csanád Petik at Domonkos Dóczi sina Bence Tari at Bence Attila Stréli  sa all-Hungarian match-up, 21-18, 21-14.      

 
 

ni MC @Sports | April 6, 2024






Nagpakitang-gilas pa rin sina Rancel Varga at James Buytrago bagamat nabigo sa ikalawa sanang straight victory  at top spot sa kanilang grupo sa preliminaries ng Smart Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Nuvali Open kahapon.

 

Hindi napantayan ng batang Filipino duo  ang malakas na simula at nasagap ng 22-20, 26-28, 13-15 na pagkabigo kina Kosuke Fukishima at Hiroki Dylan Kurokawa ng Japan sa  world-class Nuvali Sand Courts by Ayala Land sa City of Sta. Rosa.

 

Pero ang unang puntos sa three-set loss, dagdag ang straight-sets victory sa kaagahan ng araw laban sa Indonesians na sina Yogi Hermawan at Ketut Ardana ang naglagay kina Varga at Buytrago sa No. 1 spot sa Pool H bago ang Round of 16.

 

Haharapin ng 5-foot-10 Varga at 6-foot-1 Buytrago sina Indonesian Bintang Akbar at Sofyan Efendi, sa dalawang preliminary matches. Natalo ang Indonesian pair kina Australian's Paul Burnett at Jack Pearse, 12-21, 16-21.

 

Ang iba pang Philippine pair nina AJ Pareja at Ran Abdilla ay abanse sa Pool D matapos ang preliminary matches para na rin sa Round of 16 showdown kina Iranians Abdolhamed Mirzaali at Abolhassan Khakizadeh na nanguna sa Pool G.

 

Sinabi ni Varga na ang result ang nagbigay din sa kanila ng sigla para sa Round of 16. “There were lapses, but at the same time the confidence is there,” ayon sa dating University of Santo Tomas spiker.

 

Samantala, nanaig ang National University laban sa La Salle-Lipa para makuha agad ang solong liderato sa  PNVF U-18 sa bisa ng 25-21, 25-16 sa duwelo sa pagitan ng mga undefeated squads sa muling pagbabalik ng 2024 Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championship kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila. 

 

Kinailangan lang ng  Lady Bullpups ng 51 minuto para dispatsahin ang  Batangas bets at magtarak ng 3-0 won-lost record sa Pool B ng girls’ division. 

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page