top of page
Search

ni MC - @Sports | September 21, 2022



Kinapos man, ang panahon na inilaan ni Christian Paul Laurio sa ONE Warrior Series Philippines ay isang magandang karanasan na kanyang dadalhin sa buhay niya.


Si Laurio ang unang fighter na na-eliminate sa programa bunga ng mahirap na elimination process na isinagawa nina Team Lakay patriarch Mark Sangiao kasama sina coaches Joshua Pacio at Geje Eustaquio ng Team Passion at Team Gravity.


Isa rin sa panel ng deliberation si dating ONE Bantamweight World Champion Kevin Belingon na siyang coach sa unang episode. Sumabak ang 24- anyos ng Quezon City laban kay Anacleto “L.A.” Lauron sa isang sparring match sa pagtatapos ng unang episode. Bilang skilled striker, nakabanat pa si Laurio sa choke ground ni Lauron’s D’Arce sa unang round.


Sa kanyang pag-exit, alam ni Laurio na makakabawi siya at sisikaping maging mixed martial artist.


“Of course, I’m sad first of all. I will miss my teammates,” ayon kay Team Gravity fighter.


Coach [Geje] told me that my journey doesn’t end here, more opportunities will come. You have to keep on improving on what you started.”I want to encourage my teammates to continue fighting, carry on and welcome every opportunity.”


Pahirapan din ang landas ni Laurio sa unang episode at natalo kay JM Guntayon sa Bultong match, isang Igorot-style wrestling martial art.


Ipalalabas muli sa Linggo sa GTV, sa ONE Super App, at watch.onefc.com. Ang weekly replays ay ipalalabas sa Tap Go, ONE Championship Philippines sa Facebook at ONE Championship official YouTube channel.

 
 

ni MC - @Sports | September 19, 2022



Napanatili ni Canelo Alvarez ang kanyang pagiging undisputed super middleweight championship sa T-Mobile Arena sa matapos niyang talunin via unanimous-decision ang kanyang karibal na si Gennadiy Golovkin, sa isang trilogy fight.


Dalawang judge ang nagbigay ng 115-113, habang ang ikatlong judge ay nakakuha ng 116-112 para kay Alvarez. Pagkatapos ng huling kampana, at 36 na round na magkasama, ang dalawang magkaribal ay nagbahagi ng mahabang yakap, na tila nagtapos sa isang away na naging personal sa paglipas ng mga taon.


Si Golovkin, sa edad na 40, ay nagsimulang bumagal at bahagya pang inihagis ang kanang kamay sa unang dalawang quarter ng laban, ngunit sa huli na ang kanyang lakas at nagdomina sa huling apat na round.


Ang dalawang magkaribal ay nagsagupa kung saan nauwi sa draw ang una nilang laban noong 2017. Nanalo si Alvarez sa majority decision noong 2018.


Si Alvarez (58-2-2, 39 KOs) ay nagmula sa isang upset loss kay Dmitry Bivol noong Mayo nang hinamon siya para sa isang 175-pound na titulo.

 
 

ni MC - @Sports | September 19, 2022



Kahanga-hanga ang mga Pinoy na sina Coline Biron at Arvin Chan sa pag-agaw ng mga panalo sa UAE Warriors 33 sa Etihad Arena sa Abu Dhabi, United Arab Emirates noong Sabado.


Ibinigay ni Biron kay Turkish fighter Ayson Erge sa kanyang unang propesyonal na pagkatalo sa mixed martial arts nang tapusin niya ito sa pamamagitan ng armbar sa 1:09 ng unang round.


Pinahusay ni Biron ang MMA record sa 2-1 habang bumaba si Erge sa 2-1.


Sa nakaraang laban ni Biron, pinilit din niya si Miracel Moneda na magsumite sa pamamagitan ng armbar sa UGB MMA Championship promotion noong Hulyo. Nagawa ni Chan na pabagsakin ang Norwegian na si Abdi Farah at tinapos ang laban gamit ang hammer fist sa 1:52 mark din ng unang round.


Naitabla naman ni Chan ang kanyang slate sa 2-2 habang si Farah ay bumaba sa 2-3. Sa pag-asa para sa malinis na sweep para sa Filipino contingent, si John Adajar ay umakyat sa lona laban sa Bahraini na si Abdulla Al Bousheri.


Sa kasamaang palad, ginawang maikli ni Al Bousheri ang laban kontra Filipino na pinilit niyang isumite sa pamamagitan ng armbar pagkatapos lamang ng isang minuto at 13 segundong aksyon sa unang round. Umangat ang Bousheri sa 9-3 habang si Adajar, dating URCC champion, ay bumagsak sa 8-3.


Ito ang ikalawang sunod na pagkatalo ni Adajar. nakibahagi siya sa Road to the UFC tournament sa Singapore noong Hunyo ngunit natalo sa Koreanong si Han Seul-Kim sa pamamagitan ng armbar sa ikalawang round.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page