top of page
Search

ni VA / MC / Clyde Mariano @Sports | May 10, 2023


ree

Hindi nagpahuli ang gymnastics sa gold medal nang makuha ang ika-21 ginto para sa medal count ni Juancho Miguel Eserio sa men's vault sa iskor na 14.425 na sinegundahan ng Thailand 14.150 at 3rd ang Vietnam sa 14.050. Maaga ring naka-gold medal si John Ivan Cruz sa men's floor exercise sa 13.850 points sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.


Wala sa final round si defending champion Carlos Yulo dahil sa may alituntunin na ang gymnast ay pinapayagan lang ang maximum na 2 events sa finals at ang isang bansa ay isa lang ang atleta kada event. Kahapon ay silver medal si Yulo sa rings final sa iskor na 14.000.


Naunang naka-silver medal ang team nina Tokyo Olympian Carlos Yulo, Juancho Miguel Besana, Ace de Leon, Jhon Santillan at Jan Timbang sa Men’s Artistic Gymnastics All-Around Team event sa total score ng 305.25.


Sa larangan ng Kun Khmer ay nagdagdag ng bronze medal si Zyra Bon-as sa women's 51 kg competition nang sumuko siya kay Soeng Moeuy ng Cambodia sa semis, 27-30.

Tig-isang tanso naman sina Felex Cantores sa men's 67 kg ng Kun Khmer at si Aime Ramos sa Vovinam ng women's 50 kg event.


Nagkasya rin sa mga tanso sina Janah Lavador sa Women's Aspect Broadsword Single Form ng Vovinam at si Phillip Delarmino sa Kun Bokator men's combat 60 kg category. Nakatiyak naman ng bronze medal si WIM Venice Narciso sa highly competitive na Chess Ouk Chaktrang Women's Singles 60-Minute event.

Makakaharap niya ang kapwa Pinay WIM Shania Mae Mendoza sa all-Filipina semifinals kung saan si Shania ay abanse sa gold medal match.


Naka-bronze naman ang Sibol CrossFire, ito ay nang talunin ng Pinoy ang Laos kahapon na unang nakatiyak sa podium laban sa Vietnam sa semifinals. Ang Vietnam, na unang tinalo ang Sibol para sa gold medal noong 2022 SEA Games sa Hanoi ay muling nakatikim ng husay ng Filipino national team.


ree

 
 

ni Clyde Mariano / MC @Sports | May 8, 2023


ree

Hindi na matatawaran ang lupet ni Kim Mangrobang dahil siya muli ang itinanghal na reyna ng duathlon sa Southeast Asia.


Ito ay matapos na pagwagian niya ang duathlon kahapon sa Kiep para sa ika-10 paghakot ng gold medal ng Pilipinas sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.


Tinapos ni Mangrobang, 31-anyos ang karera sa loob ng 1 oras, 4 minuto at 23 segundo laban sa 11 katunggali. Ito ang kanyang ika-2 diretsong ginto sa event na una niyang napagwagian ang duathlon sa Vietnam SEAG noong nakaraang taon.


Si Mangrobang ngayon ay may anim nang SEA Games gold. Sumegunda sa kanya sina Vietnam's Thi Phuong Trinh Nguyen (1:05:12) at Indonesia's Maharani Azhri Wahyuningtiyas (1:06:14) para sa tersera sa podium.


Maidaragdag ni Mangrobang ang isa pang SEA Games gold sa kanyang koleksyon sa pagsalang niya sa triathlon ngayong Lunes sa pareho ring venue.


Samantala, kumikinang din na gold medal ang nakopo ng Philippine obstacle racers sa SEA Games na idinaos sa Car Park ng Chroy Changvar Convention Centre sa Phnom Penh, Cambodia kahapon. Ang men’s team ay binubuo nina Ahgie Radan, Elias Tabac, Mervin Guarte at Jose Mari De Castro nang kumpletuhin ang karera sa 24.78 seconds, habang ang women’s team ay sina Milky Tejares,Mecca Cortizano, Sandi Abahan at Marites Nosier sa tinapos na oras 33.733.


Nabigo namang mapanatili ng Gilas Pilipinas ang gold medal sa 3x3 sa SEAG nang sumuko sa Cambodia team sa final kahapon sa Morodok Techo National Stadium sa Phnom Penh.


Silver medalist ang quartet nina Almond Vosotros, Lervin Flores, Joseph Eriobu, at Joseph Sedurifa nang matalo sa 20-15 sa host Cambodia sa final ng men's 3x3 basketball. Silver din ang Philippine women's 3x3 laban sa Vietnam.


Bronze medalist naman ang trio nina Jessa dela Cruz, Shara Julia Jizmundo at Franchette Anne Elman para sa Team pencak Silat Seni Regu (artistic trio female event.


 
 

ni VA / MC @Sports | May 7, 2023


ree

Rumehistro muli ang 'Pinas ng isa pang gold sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa aquathlon.


Ang team na binubuo nina Kira Ellis, Erica Burgos, Iñaki Lorbes at Juan Francisco Baniqued ay nakaginto sa aquathlon mixed team relay. Unang naka-silver si Andrew Kim Remolino sa men's aquathlon.


Naorasan ang two-time SEA Games triathlon silver medalist ng 15 minutes at seven seconds sa 500-meter swim, 2.5km run sprint event na pinagwagian ni Indonesia’s Rashif Yaqin sa 14 minutes at 28 seconds sa seaside town ng Kep.


Shoot naman sa semifinals ang Philippine women's 3x3 basketball team nang tigpasin ang Thailand sa pool play bandang hapon sa Elephant Hall 2 ng Morodok Techo National Stadium sa Phnom Penh, Cambodia.


Ang 14-8 win kontra Thailand ang nagbigay sa Gilas Pilipinas Women ng 2-1 record sa Group A ng 3x3 competition ng SEAG, sapat na para sa medal round ngayong Linggo.


Binuksan nila ang kampanya sa masakit na pagkatalo sa 19-21 kontra Vietnam noong 2022 para sa silver. Nagbalik si Jack Animam para sa national team nang makarekober sa knee injury at siya ang humalibas ng undergoal sa sudden death overtime.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page