top of page
Search

ni MC @Sports | May 30, 2023


ree

Ginapi ni top seed Marian Capadocia si second seed Alexa Joy Milliam, 7-6 (6), 6-0 upang maibulsa ang women's singles title sa first Metro Manila Open tennis tournament na idinaos sa Philippine Columbian Association indoor shell court sa Paco, Manila noong Linggo.


Ipinakita ang porma ng seven-time PCA Open champion, nakarekober si Capadocia mula sa 1-4 deficit upang manguna sa 6-5. Unang ipinamalas ng 17-anyos na si Milliam ang pride ng La Carlota, Negros Occidental province ang serve sa sumunod na laro upang maipuwersa ang tiebreak pero kinapos sa mas may karanasan na katunggali.


Uminit si Capadocia, miyembro ng national team sa second set at gamitan ng iba't ibang direksyong hambalos laban kay Millilam na iniinda pa ang hamstring injury na nakuha noong 2019 kaya nabigo sa pakikipagsapalaran. "I'm just trying to get a feel of the game in the first set. She's also playing well, " ayon sa 27-anyos na si Capadocia, na tinalo si Milliam, 6-2, 6-2 sa semifinal match ng PCA Open noong 2022.


Si Milliam na sumagupa para sa second title kontra Rina Cañiza Open noong Pebrero ay nagsabing, "I'm happy to be in the final. I know it's hard to beat Marian, she's a very good player. I hope to do better next time."


Naiuwi ni Capadocia ang champion's purse na P150,000 in cash habang nagkasya si Milliam sa P75,000. Samantala, ang mga qualifiers na sina Elizabeth Abarquez at Rovie Baulete ay umiskor ng 6-3, 1-6, 10-3 upset victory laban sa top seeds Shaira Hope Rivera at Alyssa Mae Bornia upang maibulsa ang women's doubles title sa event na sanctioned ng Philippine Tennis Association. Ka-tandem ni Abarquez si Rucel Cero nang masungkit ang mixed doubles title laban sa qualifiers na sina Stefie Alludo at Joewyn Pascua, 7-6, 2-6, 10-3.


 
 

ni MC @Sports | May 28, 2023


ree

Kung may pagkakataon ay ipipilit na maisama sa Gilas Pilipinas team sina Fil-American star player ng Utah Jazz Jordan Clarkson at Ginebra naturalized player Justin Brownlee para makapaglaro sa nalalapit na FIBA World Cup.


Nais ni PBA chairman Ricky Vargas na makapaglaro ang dalawa para katawanin ang bansa dahil posible pa ring maging bahagi si Clarkson bilang team naturalized player habang si Brownlee naman ay magsisilbing "local" member.


Iyan ay kung papayagan ng FIBA, sa sandaling umapela ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) maging sa lagay ng Barangay Ginebra import.


"It's worth a try. Bakit hindi," ani Vargas. "Why does it have to be a choice?" "But the question is, is it possible?"


Nakatuon si Vargas sa special residency rule ng FIBA dahil sa tagal na rin ng paglalaro ni Brownlee sa bansa noong 2016 Governors' Cup sa Barangay Ginebra.


Kamakailan ay ganap nang naging naturalized player si Brownlee at naging malaking parte ng ilang mga pagwawagi ng Gilas kabilang na ang team's gold medal win sa nagdaang 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia. "Si Brownlee, pusong atin. Ugaling atin na 'yan. Nakita n'yo naman," ani Vargas.


Kapag nagkataon at sabay na naglaro sina Brownlee at Clarkson ay isa itong malaking tsansa sa kampanya ng Gilas dahil makasasagupa nila ang Italy, Dominican Republic, at Angola sa Group A ng World Cup. "You have a beautiful scenario when you have both," saad ni Vargas.


Samantala, binuksan na ng NBA Philippines noong Biyernes ang unang community court sa bansa sa Reyes Gym sa Mandaluyong City.


Ang NBA Community Court ay may indoor basketball court na magho-host ng basketball programs sa buong taon bilang bahagi ng promosyon Jr. NBA at "Her Time to Play" events sa women's basketball.

 
 

ni MC @Sports | May 23, 2023


ree

Nakagawa si Gabe Vincent ng 29 puntos para iangat ang host Miami Heat na makausad ng isang hakbang na kalamangan para sa kanilang ikalawang NBA Finals appearance kontra sa wala pa ring panalong Boston Celtics, 128-102.


Ibinuslo ni Vincent ang 11 sa 14 shot — kabilang ang 6 sa 9 mula sa 3-point range.

Umiskor sina Duncan Robinson at Caleb Martin ng 22 at 18 puntos mula sa bench.


Kumana si Jimmy Butler ng 16 puntos, 8 rebounds at anim na assist para sa eighth-seeded Miami, na tumikada ng 56.8 percent mula sa field (46 of 81) at 54.3 percent mula sa 3-point range (19 of 35).

Umangat ang Heat sa 6-0 sa kanilang tahanan sa playoffs bago ang Game 4 ng best-of-seven series noong Martes sa Miami.


Nagkarga naman si Bam Adebayo ng 13 puntos at nagdagdag ng 10 si Max Strus nang maagaw ng Heat ang kontrol sa laro sa pamamagitan ng pag-outscore sa second-seeded na Celtics sa 32-17 margin sa third quarter.


Si Jayson Tatum ang nanguna sa Boston sa kanyang 14 puntos at 10 rebounds at umiskor si Jaylen Brown ng 12 puntos. Bagama’t nagsanib, gumawa lamang ang dalawa ng 12 sa 35 shot mula sa floor at 1 sa 14 mula sa 3-point range.


Ngayo’y nanganganib nang masibak ang Celtics dahil wala pang koponan sa kasaysayan ng NBA ang nakabangon sa 3-0 deficit para manalo sa isang serye. Ibinaba ng Boston ang 22-point deficit sa 12 sa 61-49 matapos i-convert ni Marcus Smart ang three-point play para simulan ang third quarter.


Ngunit sumagot ang Miami ng 28-9 run upang kunin ang kontrol sa laro, tampok ang pares na 3-pointers ni Vincent. Nadala ng Heat ang 93-63 abante sa fourth quarter bago nagpasya ang dalawang koponan na ipahinga ang kanilang mga star player.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page