top of page
Search

ni MC @Sports News | Dec. 1, 2024



Kinamayan ni Chito Loyzaga bilang pagbati sa nagwagi niyang katunggali na si Abraham 'Bambol' Tolentino sa pagpili ng pamunuan ng Philippine Olympic Committee. (pocpix)


Apat na taon muling termino ang haharapin ni Abraham “Bambol” Tolentino nang muling mahalal na pangulo at ang kanyang buong “Working Team” sa idinaos na halalan sa Philippine Olympic Committee (POC) sa East Ocean Garden Restaurant sa Parañaque City.


“The General Assembly has spoken,” ayon kay Tolentino na nakatipon ng 45 boto na kumatawan sa 75 percent ng 61 voting members ng POC. Nakakuha ang kanyang katunggali na si Chito Loyzaga ng 15 boto.


“I think performance was the basis [of landslide victory],” ani Tolentino, 60, sa reporters matapos ang pilian ng pamunuan na pinamahalaan ni Atty. Teodoro Kalaw IV kasama si Philippine Sports Commission commissioner Olivia “Bong” Coo at Letran-Calamba Rector at President Fr. Napoleon Encarnacion, OP, bilang members. Landslide din sa 53 votes si basketball head Al Panlilio maging ang kapwa “Working Team” bet na si Rep. Richard Gomez na nanguna bilang second vice president, at manaig kay skateboarding Carl Sambrano, 37-22. May 54 votes si Dr. Jose Raul Canlas (surfing) habang si Donaldo Caringal (volleyball) ay may 47 points para sa “Working Team.”


Kumumpleto sa team ni Tolentino para sa lopsided victory sina bagong Executive Board members Leonora Escollante(canoe-kayak, 45 votes), Alvin Aguilar (wrestling, 44 votes, Ferdinand Agustin (jiu-jitsu, 41 votes), Alexander Sulit (judo, 41 votes) at Leah Gonzales (fencing, 40 votes). “For the athletes, athletes, athletes …,” ani Tolentino.


Sa bilang na 61 voters, 58 ay mula sa national sports associations at 2 mula sa Athletes Commission at isa mula sa International Olympic Committee representative Mikaela Cojuangco Jaworski. Wala sa okasyon ang Rugby.


 
 

ni MC @Sports News | Dec. 1, 2024



Photo: Ang fan favorites na sina Sofia Gonzalez at Maria Belen-Carro ng Spain.


Makapigil-hiningang laban ang nalampasan ng fan favorite na sina Sofía González at María Belén Carro ng Spain laban kina Piper Ferch at Madison Shields ng US, 21-18, 14-21, 20-18 nitong Sabado sa Round of 12 sa Volleyball World Beach Pro Tour Challenge Nuvali Santa Rosa City.


Ang world No. 66 na mula sa kampeonato sa Copa de La Reina Madrid, nangunguna ang Spaniards sa bakbakan sa Nuvali Sand Courts kung saan nagtala si Gonzalez ng 24 attack points at si Carro ay may 11 kontra Shields’ 24 at Ferchs’ 11.


Isang magarang laro ang ipinakita nina Gonzalez at Carro laban kina world No. 84 Malgorzata Ciezkowska at Urszula Lunio ng Poland na tumalo kina Hailey Harward at Kylie DeBerg ng US, 21-14, 21-15.


Napanatili pa rin ng top-rated men’s pair nina Javier at Joaquin Bello ang kanilang tikas at nagpatuloy na maging paborito ng fans lalo na nang idispatsa ng English twins ang Dutch rising stars na sina Leon Luini at Ruben Penninga, 21-18, 21-19, sa torneo na inorganisa ni Philippine National Volleyball Federation head Ramon “Tats” Suzara, na pangulo rin ng Asian Volleyball Confederation and Executive Vice President of the world governing body Federation Internationale de Volleyball.


Kumamada si Javier ng 26 attack points habang si Joaquin ay umiskor ng 4 at five blocks.


“Whenever you’re the No. 1 seed in any international tournament and to have a target on your back is sometimes difficult but for us we think of the same way every tournament,” ani Joaquin.


“Regardless of what seed we are or what the expectation is if we go game by game, point by point, stay together united and just fight point by point, that’s what we do,” dagdag niya.


Ginapi muna nina Germany Sagstetter brothers Jonas at Benedikt ang Alas Pilipinas pair nina James Buytrago at Rancel Varga bago isinunod na biniktima sina No. 44 Vinicius at Heitor ng Brazil, 21-13, 21-18. Unang tinalo nina Ferch at Shields sia Aleksandra Wachowicz at Julia Radelczuk, 21-16, 17-21, 15-13.

 
 

ni MC @Sports News | Nov. 11, 2024



Photo: Ipinagmalaki ni Karl Eldrew Yulo ang kanyang 4 na gold medals bilang pagpapahayag ng kanyang pasasalamat sa kabutihang loob ni Luis “Chavit” Singson. Tumanggap siya ng ₱500,000 cash reward mula kay Singson gaya ng pangako nito sa atleta habang saksi ang anak niyang si Ilocano Ako party list Rep. Richelle Singson-Michael. (yulofacebookpix)


Dumaan muna sa napakaraming pagsubok ang batang si Karl Eldrew Yulo bago nakamit ang 4 na gold medals mula sa 3rd JRD Artistic Gymnastics Championships sa Thailand noong nakaraang Linggo bago nakatanggap ng isang insentibo mula sa ginintuang puso ni Senatorial aspirant Luis “Chavit” Singson nang personal niyang ibigay sa atleta ang P500,000.


Sinabi ni Singson na deserve ni Yulo ang insentibo dahil sa kanyang sipag at determinasyon at maging susunod na gymnastics sensation katulad ng nakatatandang kapatid na si Carlos na naka-2 golds sa Paris Olympics noong Agosto.


Nakamit ng 16-year-old Yulo ang gold medals sa junior individual all-around event, floor exercise, still rings, at vault at silver medals sa parallel bars at team all-around event upang maging pinakamatagumpay na atleta sa prestihiyosong torneo.


Kasama ni Yulo sa simpleng turnover ang ina na si Angelica, ama na si Andrew at kapatid na si Elaiza at anak ni Singson na si Ako Ilocano Ako party list Rep. Richelle Singson-Michael. Matagal nang sumusuporta sa Philippine sports si Singson.


Siya ang manager sa professional career ni boxer Charly Suarez na hindi humihingi ng anumang kapalit habang nagsisilbing chairman emeritus ng Philippine National Shooting Association. Personal siyang nanonood bilang panatiko ng Philippine Basketball Association. Malapit din sa puso niya ang Yulo family.


Sa nakaraang 2 linggo, una siyang nagbigay ng P1 million bilang maagang Pamasko sa pamilya at hangad na magkaayos na kay Carlos.


“Love and respect are essential values of a Filipino family,” ani Singson, na kilala bilang mapagmahal na ama sa kabila ng pagiging abala sa trabaho at determinasyon na pag-ibayuhin ang buhay ng Pinoy.


“I am offering myself to be the catalyst of love and forgiveness within the Yulo family. My only wish is for them to finally settle their differences and be united as we celebrate the Christmas season.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page