top of page
Search

ni MC @Sports | September 15, 2023


ree

Tiyak na ang nalalapit na sagupaan nina Jenelyn Olsim at Jihin Radzuan na unang hindi natuloy noong Pebrero 2022 bunga ng ilang kadahilanan.


Pareho na ngayong nasa hustong kondisyon ang dalawang mandirigma para magtuos sa three-round atomweight MMA showdown sa ONE Friday Fights 35 na idaraos sa tanyag na Lumpinee Boxing Stadium sa Bangkok, Thailand sa September 29.


Sa kabila ng mga pagkatalo noong mga nakaraang taon, marami pa rin ang interesadong matunghayan ang bakbakan ng mga rising stars sa talent-rich weight class.


Hawak ng “The Graceful Igorot” ang 6-4 professional record at ang 4-3 panalo-talo na slate sa ilalim ng ONE Championship banner.


Kilala sa kanyang intensidad at entertaining fighting style, taglay ni Olsim ang eksplosibong striking na sadyang epektibo at nagpapamalas ng bersatilidad sa kanyang mga panalo kontra Maíra Mazar, Bi Nguyen, at Julie Mezabarba.


Pakay ng The Lions Nation MMA representative ang makalusot sa Top Five ng naturang dibisyon pero kailangan niya munang talunin ang matibay at astiging kasagupa na si Radzuan.


Sa kabilang banda, umaasa naman si “Shadow Cat” na mailalabas niya lahat ang lakas sa atomweight at maidikit ang pangalan sa mataas na rankings.


Epektibo ang mga takedowns at ground game ni Radzuan sa pagtatala ng 8-3 win-loss card bilang pro.


Inihahanda ni Radzuan ang sarili sa bakbakan sa kanyang ensayo sa Fairtex Training Center sa Pattaya, Thailand.


Dahil sa natamong mga pagkatalo nilang dalawa sa nakaraang mga laban, pinakaaabangan ang Olsim at Radzuan fight para mag-unahan sa winner's circle.


Mapapanood ng Pinoy fans ng live ang kanilang bakbakan sa One Championship youtube channel at FB ng 8:30 p.m. sa Set. 29.

 
 

ni MC @Sports | August 26, 2023


ree

Siniguro nina Jennuel Booh De Leon at Arabella Nadeen Taguinota na hindi uuwing bokya sa gold medal ang Team Philippines matapos ang impresibong panalo sa kani-kanilang kategorya sa ikalawang araw ng 45th Southeast Asia Age Group Swimming Championships nitong Biyernes sa Jakarta, Indonesia.


Nadomina ni De Leon, 16, pambato mula sa Aklan, ang boys 16-18 class 50m butterfly sa tiyempong 25.40 segundo laban sa Malaysia swimmer na si Bernie Elle Yang Lee, 25.49. Nakopo ni Thanaseat Thanonthisitsakul ng Thailand ang bronze (25.72).


Dinugtungan ng 14-anyos na si Taguinota ang selebrasyon ng Team Philippines na nabuo sa masinsin na National tryouts na isinagawa ng bagong liderato ng Philippine Aquatics sa pamumuno nina President Miko Vargas at Secretary-General Batangas 1st District Congressman Eric Buhain. Naisumite ni Taguinota ng Pasig City ang tyempong 1:13.40 para pagwagihan ang girls 14-15 class 100m breastroke laban sa premyadong Vietnamese na si Thuy Hien Nguyen (1:14.07) at Natthakita Leekitchakorn ng Thailnd (1:14.50). Humataw ng silver medal si Estifano Joshua Ramos sa 16-18 boys 200m backstroke sa oras na 2:10.39 sa likod ng gold medalist na si Tran Tuan Mai ng Vietnam (2:06.10).


Pangatlo si Pasawat Kantakom ng Thailand (2:13.06). Nakopo naman ni Aishel Cid Evangelista mula sa Caloocan City ang ikalawang bronze medal matapos pumangatlo sa 13 & Under Boys 200m Freestyle sa tyempong 2:05.12 laban kina Patchanan Chinmatchaya ng Thailand (1:59.13) at Suphakphong Nuntapiyawan (2:02.11).


“We’re very happy and very excited. Actually, double happy dahil naka-bronze medal din ang ating diver. Nakakuha tayo ng medalay sa dalawang discipline proving that we’re on the right direction,” pahayag ni Buhain.

 
 

ni MC / VA @Sports | August 19, 2023


ree

Maibalik sa kanilang "game shape" sina Scottie Thompson at Kai Sotto ang pinagsisikapan nina Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes Bago sumabak ang koponan sa una nitong laban kontra Dominican Republic sa opening day ng 2023 FIBA World Cup sa Agosto 25 sa Philippine Arena.

Noon lang nakaraang Linggo nagsimulang mag-ensayo muli sina Thompson at Sotto para sa Gilas makaraang mabigyan ng go-signal ng doktor matapos nilang maka-recover sa kanilang injuries.

"Last Sunday, kumpleto nang lahat, full contact, no limitations and no restrictions," pahayag ni Reyes.

Bagamat parehas ng maayos ang kondisyon ng dalawang mga manlalarong nabanggit , ayon kay Reyes ay iba pa rin 'yung makita ang totoo nilang kondisyon 'pag nasa aktuwal na laro na they are in decent shape, ang aktuwal na game shape ay iba pa rin.

"That remains to be seen. Iba ang kondisyon sa practice, iba 'yung conditioning sa laro. All the rest I'm very confident that they're in competitive game shape already," wika pa ng national basketball team tactician.

Si Thompson ay nagtamo ng metacarpal injury habang si Sotto ay may iniindang back spasms. Uumpisahan ng Gilas ang kampanya sa FIBA World Cup sa pagsagupa nito sa Dominican Republic sa opening day sa 55,000-seater Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Sunod nilang kakalabanin ang Angola sa Agosto 27 at ang Italya sa Agosto 29 na parehas gaganapin sa Araneta Coliseum sa Quezon City.


Ang FIBA World Cup 2023 ay may mga referees na trained at handa na tiniyak ng Pre-Competition Clinic (PCC) mula August 19 - 22 sa Quezon City.


TIniyak sa kanilang training program na ang 4 na game officials ay nasa tip-top shape, isang linggo bago ang world meet.


Mahigit naman sa 1,000 volunteers ang itatalaga ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Local Organizing Committee sa kabuuang kaganapan ng FIBA Basketball World Cup 2023, ayon kay SBP president Al Panlilio.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page