top of page
Search

ni MC / Clyde Mariano @Sports | September 26, 2023


ree

Nanalasa ang husay ni Pinay tennis princess Alex Eala sa kauna-unahan niyang Asiad campaign nang dominahin ang 6-0, 6-0 victory kontra Sarah Ibrahim Khan ng Pakistan sa Round 2 ng 19th Asian Games women's singles kahapon sa Hangzhou, China.


Kinailangan lang ng 18-year-old Filipina netter ng 39 minuto para gapiin si Khan at umusad na sa 3rd round na haharapin si Rutuja Bhosale ng India na unang tinalo si Aruzhan Sagandykova ng Kazakhstan.


Samantala, nabigo si Joanie Delgaco na masungkit ang ginto sa women’s single scull sa rowing. Tumapos ang 25 -anyos na Pinay na pang-lima sa 5.93 seconds na napanalunan ni outstanding favorite Russian born Ana Prakaten para sa Uzbekistan kinuha ang ginto sa 7:39.05 seconds sa 2000 meters race sa Fuyang Water Sports Center.


Samantala, pinahirapan ng mala-umano'y robot na Chinese cyclist sina Shagne Paula Yaoyao at Ariana Evangelista sa MTB cross-country event sa Asian Games.

Tumapos na 8th place si Yaoyao at kinapos ng 2 laps si Evangelista sa women’s cross-country Olympic race ng cycling’s mountain bike kahapon. They’re like robots,” reaksiyon ni Yaoyao sa katunggaling sina Li Hongfeng at Ma Caixia ng China na nagwagi ng gold at silver na parang hindi pinagpawisan at napagod.


Sa kabila nang nabigo si Delgaco na masungkit ang ginto, proud si rowing president Patrick Gregorio sa laro ng 25 years old Bicolana. “Despite her failure to win the gold, I’m really proud of her performance,” sabi ni Gregorio.


Pumangalawa si Chris Nievares sa 7:19.45 seconds sa likod ng nagwaging si Mohammed Riyadh Jasim Al-Khafaqi ng Iraq 7:16.72 sa Final B matapos ang event ni Delgaco.


 
 

ni MC / Clyde Mariano @Sports | September 25, 2023


ree

Makaakyat na kaya si Eric Shawn Cray sa podium sa Asian Games na bigo niyang magawa sa Korea at Indonesia?


Pipilitin ng 34-anyos na si Cray manalo at maiwaksi sa kanyang isipan ang kabiguang nilasap sa Korea at Indonesia sa China na kasalukuyan nilalaro ang 19th edition ng quadrennial meet sa Hangzhou, Zhejiang province.


“This is my third Asian Games and probably my last. I will do my best and utilize my skills and experience to win,” sabi ni Cray sa panayam sa kanya sa Cambodia matapos manalo ng 7 sunod sa 400m hurdles na una niyang napanalunan noong 2013 edition sa Myanmar.

Nanalo si Cray ng anim na sunod-sunod na ginto sa SEA Games at lumaro sa World Athletics sa Budapest, Hungary.


Gagamitin ni Cray ang panalo sa SEA Games at karanasan sa World Athletics bilang “jumping board” sa kanyang ambisyon na kunin ang ginto sa 400m hurdles.


Tumapos si Cray na pang-pito (50.27 seconds) sa siyam na runners sa 400m hurdles na napanalunan Kyron McMaster sa oras 48.47 seconds sa World Athletics sa Hungary.


Sumalang si Tennis princess Alex Eala sa opening round bye sa women’s singles event matapos ang draw noong Sabado ilang oras bago ang 19th Asian Games na opisyal na nagbukas sa Hangzhou.


Bilang seeded No. 4 – salamat sa kanyang husay na ipinamalas sa mga top-tier events at ngayong Lunes sisimulan ni Eala ang medal bid bago pumartner kay Ruben Gonzales sa mixed doubles event sa Martes.


Sisikapin nina Gonzales at ka-doubles partner na si Francis Alcantara na maging maganda ang kanilang simula laban sa Thais, kagabi. Ang pangalan ng kanilang Thai rivals ay hindi pa naianunsiyo habang isinusulat ito, pero tiyak nang sasalang sina Gonzales at Alcantara bilang mga tour veterans.


Si Eala na kinokonsiderang isa sa rising stars ng Asya ay nakapagwagi na ng ikaapat na ITF title sa Great Britain noong Agosto.

 
 

ni MC @Sports | September 24, 2023


ree

Sa pangunguna ni 2021 Tokyo Olympic shooter Jayson Valdez, asinta ng 10 atleta na tighawin ang panunuyo sa gintong medalya ng ‘Pinas sa 65 na taon sa 19th Asian Games 2022 sa China sa Sept. 23-Oct. 8.


Kasama rin sina 2021 Tokyo Olympian Jason Valdez, 2012 London Olympian Brian Rosario at 2008 Beijing Olympian Eric Ang, veteran internationalists Carlos Carag, Amparo Teresa ‘Ampao’ Acuna, Franchette Shayne Quiroz, Elvie Baldivino, Hagen Alexander Topacio at Joaquin Miguel Ancheta at rookie Enrique Enriquez.


Mga suportado ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee, papalag sina Valdez, 28, Acuna, 26, Quiroz, 26, at Baldivino sa rifle; sina Ang, 52, Carag, 60, at Topacio sa trap; sina Rosario, Ancheta at Enriquez, 31, sa skeet.


Tiwala si PNSA secretary-general Iryne Garcia na may magkakamedalya sa mga national marksmen sa halos 3-week quadrennial continental sportsfest.


Creme dela creme of PH shooting, Jason (third Asian Games/Tokyo Olympics), Olympian Brian (2nd AG), expect some nice performance from these two and rookie Enrique who is currently doing so well, of course we have pistol shooter Franchette, new in Olympic pistol but she’s a world champion in other events in pistol as well,” litanya ng opisyal na dumating ng Athletes Village dito mula sa halos apat na oras direct flight mula sa Manila.


Dinagdag pa niyang beterana rin si Amparo na maganda ang kinalalagyan sa world (International Shooting Sports Federation) ranking (No. 128 sa 50m rifle 3 positions at 153rd sa 10m air rifle).


Sa 17 Asiad, pumitas na ang bansa ng limang ginto - apat sa inagurasyon noong 1954 sa Manila Asiad at isa sa 1958 Tokyo bago hindi na nanalo ng gold mula sa 1962 Jakarta Games hanggang sa 2018 Jakarta-Palembang.


Last gold medalist si Adoldo Feliciano noong 1958 Tokyo Games sa men 300-meter rifle position, samantalang huling nagkamedalya si Jethro Dionisio sa 2-bronze sa 2002 Busan sa men’s trap individual at kasama niya sa men’s team trap sina Ang at Jaime Recio.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page