top of page
Search

ni MC @Sports | September 30, 2023


ree

Nagpatuloy sa pananalasa ang Gilas Women sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China nang manaig sa Hong Kong kahapon.


Muling nagpakitang-Gilas ang women's basketball team nang tambakan ang Hong Kong 99-63 sa larong idinaraos sa Shaoxing Olympic Sports Centre upang manatiling undefeated sa preliminary stage.


Pinag-ibayo ng Gilas Women ang hawak na card, 2-0 sa Group B, habang lalong umiinit ang kampanyang makapasok sa quarterfinals ng quadrennial meet.


Muling naging forefront ng team si Janine Pontejos at palakasin ang opensa sa 23 points kasabay ng pitong tres habang si national team veteran Afril Bernardino ay naging solido rin ang performance sa 20 puntos.


Lumalagablab din ang mga kamay ni Ana Castillo sa laban, pumukol ng 17 puntos kabilang na ang limang tres.


Pumasok ang Gilas women sa second half na may kalamangan na 9-0 salvor na pinatingkad pa ng laro ni Bernardino at bumanat ng jumper para itarak sa 51-34 na kalamangan ang iskor lalo na ang 7 minuto na lamang ang nalalabi sa ikatlong quarter.


Isang free throw ni Monique del Carmen sa kalagitnaan ng quarter ang nagpaangat sa 20 puntos, 56-36.


Lalo pang inilayo ni Camille Nolasco ang iskor sa bisa ng kanyang 3 puntos, 65-43 at hindi na sila lumingon pa at itinuloy-tuloy na ang ganda at kondisyon ng laro.


Dito na umarangkada nang husto ang Gilas women's nang palobohin pa sa 30 puntos ang kalamangan nang sundan ni Stefanie Berberabe ng ilang charity basket, 84-54 sa natitirang 4:48 minuto ng aksiyon. Huling birada ni Castillo ay nang magsalpak siya ng tres sa final minute ng laban, 97-61. Tatapusin ng Gilas women ang preliminary campaign sa maganda ring bakbakan kontra Japan sa Oktubre 1.

 
 

ni MC / VA @Sports | September 29, 2023


ree

Ikalawang panalo ang naitala ng Gilas Pilipinas matapos na pahirapan sila sa fourth quarter ng Thailand sa 87-72 victory sa ikalawa nilang laro sa 19th Asian Games kahapon sa Hangzhou, China.


Big buckets ang kinakamada nina Ange Kouame at Justin Brownlee para ganahan nang husto ang Gilas kaya umibayo ang kanilang laro 2-0 sa Group C sa Zhejiang Gymnasium.


Nakatipon si Brownlee ng 22 points at 15 rebounds, bagamat pumukol lang ng 8-of-27 sa field habang natitighaw sa pagod ang buong Philippine team. Nakagawa si CJ Perez ng 16 points, kahit mintis sa ilang point-blank shots.


Tumiyak na ang Pilipinas ng kuwalipikasyon sa next phase ng tournament.


Makasisiguro pa rin siya ng direct qualification sa q'finals kung magwawagi sa final Group C game laban sa Jordan.


Nagpakabog pa ang Thailand sa tikas ni Chanatip Jakrawan para sa 79-70 sa nalalabing 3:13 minuto, pero pinatibay ng Gilas ang depensa. Kinapos ang 29 puntos ni Lamb at 22 ni Lee para sa Thailand, tanging double-digits sa team.


Samantala, mawalis ang group stage at magkamit ng outright q'finals berth ang target ng Phl men 3x3 squad.


Tinalo ng Gilas sa pangunguna nina John Ray Pasaol at Bismarck Lina, 21-15 ang Hong Kong para sa ikatlong sunod napanalo sa Group A.

Kinakailangan na lamang nilang gapiin ang Mongolia sa huling laban nila ngayong Biyernes -Setyembre 29 para makumpleto ang sweep at makopo ang isa sa outright berth sa knockout stage.

Yun ang gusto namin, win as many games,” pahayag ni national coach Lester Del Rosario. “Prepared kami. Lalaban lang ulit. Huwag lang makampante, may chance kami.

Pumapangalawa sa Team Philippines sa Group A ang Chinese Taipei (2-1), kasunod ang Mongolia (1-1), Jordan (0-2) at Hong Kong (0-2).

Ang tatapos na top team sa bawat grupo ay awtomatiko sa q'final habang ang susunod na dalawa ay lalaro sa qualification round para sa apat pang q'finalists.

 
 

ni MC @Sports | September 27, 2023


ree

Umalagwa si tennis princess Alex Eala sa isang marathon first set upang magapi ang beteranang si Rutuja Bhosale ng India, 7-6 (7-5), 6-2 para umabanse sa quarterfinals ng women’s singles event sa 19th Asian Games sa Olympic Sports Stadium sa Hangzhou, China kahapon.


Kinailangan lang ng 18-anyos na si Eala ng 72 minuto at tiebreaker upang manaig sa 27-anyos na katunggali sa isang makapigil-hiningang first set sa harap ng kakaunti pero maingay na crowd.


Sa 2nd set luminaw ang tsansa ni Eala para makalusot sa quarterfinals kontra Japanese Kyoka Okamura, na 6-2, 3-6, 6-4 winner laban kay Savanna Ly-Nguyen.


Sa talaan, hawak ni Eala ang kalamangan laban Japanese rival na No. 192 siya sa ranking habang si Okamura ay ranked 223rd. Bukod diyan, malaking bagay kay Eala ang apat na ITF titles laban sa Round-of-8 ng karibal.


Unang nahirapan si Eala sa serves na nagawang 5 doubles kontra sa three aces.


Sa second set, dalawang beses lang siyang na double-fault abang dinodomina ang bakbakan. Malakas na umabanse si Eala sa round-of-16 nang blangkahin si Sarah Ibrahim Khan ng Pakistan, 6-0, 6-0.


Nakaiskedyul si Eala na maglaro sa mixed doubles katambal si Ruben Gonzales habang isinusulat ito kahapon.


Samantala, matapos na mawala na sa kontensiyon ang Pinoy male gymnasts, inaasahan na lang ang dalawang natitirang female athletes sa 19th Asian Games.


“We only have two female gymnasts left and they are both in the finals,” ayon kay Gymnastics Association of the Philippines Deputy Secretary-General Rowena Bautista.


Sasalang si Kursten Rogue Lopez, 17-anyos sa individual all-around finals ngayong Miyerkules sa Huanglong Sports Centre Gymnasium ng 3 p.m. Habang si Charlie Manzalo, 17-anyos ay sa vault finals sa Huwebes.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page