top of page
Search

ni MC @Sports | February 13, 2024



ree


Sinimulan ng Cignal HD Spikers ang kanilang kampanya noong Linggo nang talunin ang College of Saint Benilde sa Philippine National Volleyball Federation Champions League sa Rizal Memorial Coliseum isang araw bago ang kanilang women's franchise team ay nagmintis sa titulo. 


 “It’s our first game of the year and everybody contributed well not just the first six but the entire team,” ayon kay Cignal HD coach Dexter Clamor nang magwagi ang mga bataan niya sa 25-19, 25-21, 25-20 kontra Blazers, ang tanging collegiate squad sa eight-team men’s tournament na inorganisa ng PNVF sa pamumuno ni Ramon “Tats” Suzara.


“They are all eager to win,” dagdag ni Clamor, dating University of Perpetual Help Altas, kung saan ang team ay may dalawang misyon sa kompetisyon—mabawi ang korona na naagaw ng  University of Santo Tomas sa torneo ng Champions Cup noong Nobyembre at bawian ang women’s squad’s final na pagkatalo kontra  Petro Gazz noong Sabado.


Kinakailangan ng HD Spikers ng 88 minuto upang madispatsa ang  Blazers at gawing masigla ang opening-day highlight ng torneo.


 Nakagawa si National team spiker Joshua Umandal ng 15 points at three blocks para sa former champions, habang si skipper JP Bugaoan ay may 10 puntos at kapwa national team player  Lloyd Josafat at Wendell Miguel ay dumagdag ng 6 at 5 puntos. 


Hindi pa naglalaro sa Cignal ang kanilang prized recruit na si national team ace Bryan Bagunas, habang  sa Pool A game nagwagi ang Savouge Spin Doctors sa unang salang 25-21, 15-25, 25-22, 25-22 laban sa PGJC Philippine Navy. 


Nagtulong sina Jhun Señoron, Sherwin Caritativo at Jeremy Pedrosa sa naambag na tig-16, 15 at 12 points, para sa Spin Doctors habang ang Iloilo ay may ambag mula kina John Andres ng 16 points at Kyle Villamor sa 10 puntos.


 
 

ni Anthony Servinio @Sports | February 9, 2024



ree

Magbabalik sa kinagawiang kalendaryo ang MILO Marathon, ang pinakamalaki at prestihiyosong takbuhan sa bansa. May nakatakdang serye ng 14 karera patungo sa National Finals na gaganapin sa Cagayan de Oro ngayong Disyembre 1. 


Muling pangangasiwaan ng Runrio Inc. ang mga karera, ang kanilang ika-14 taon mula pa noong 2011. Bubuksan ang aksiyon sa Abril 7 sa pamamagitan ng hindi isa kundi tatlong sabay na takbuhan sa mga lungsod ng Laoag, Batangas at Mandaue. 


Susundan ito ng inaabangang yugto sa Metro Manila sa Abril 28. Ang iba pang mga karera sa Luzon ay sa Puerto Princesa (Mayo 12), Legaspi (Hunyo 2) at bagong lugar na Vermosa sa Imus (Setyembre 22). 


Lilipat ang MILO Marathon sa Visayas sa Tagbilaran (Setyembre 29), Roxas (Oktubre 6), Iloilo (Oktubre 20) at Bacolod (Oktubre 27) at sa Mindanao sa General Santos (Nobyembre 10), Davao (Nobyember 17). Babalik sa Luzon sa Tarlac sa Nobyembre 24 sa huling yugto bago ang National Finals. 


Ihahayag sa mga parating na araw ang paraan ng pagpalista at ibang detalye ng mga karera. Bumalik ang MILO Marathon noong nakaraang taon matapos mawala ng tatlong taon at nagdaos ng mga karera sa Metro Manila, Batangas, Iloilo, Tarlac at Cagayan de Oro subalit walang National Finals. 


Sina Jerrald Zabala at Christine Hallasgo ang mga kinoronahan na hari at reyna sa huling National Finals na ginanap noong Enero, 2020 sa Tarlac. Inurong ang karera upang magbigay-daan sa 30th Southeast Asian Games noong Disyembre. 


Samantala, may ilan pang mga patakbo ang inihahanda ng Runrio sa mga darating na buwan sa pangunguna ng HOKA Trilogy RunAsia buong taon, FCC Women’s Run PH sa Marso 3 at Earth Day Run sa Abril 21. Bumisita lang sa kanilang social media upang magpalista. 


 
 

ni MC @Sports | January 24, 2024


ree

Photo: POC / FB

Sisikapin ni Freestyle skier Laetaz Amihan Rabe na sagupain ang malalakas na ib apang atleta at lungkot sa kanyang pagbanat ngayong Miyerkules sa Fourth Winter Youth Olympics.


I feel lonely because I’m the only one in my events,” ayon sa 14-anyos na si Rabe, na una nang nagsasanay sa  Welli Hilli Park Ski Resort kung saan bumagsak ang temperatura sa -15 Celsius kahapon. “But I’m proud and ready for tomorrow [Wednesday],” pahayag niya.


Bahagyang nagtamo ng sugat si Rabe sa panga nang mag-crashed sa  training noong Linggo pero aniya handa siya sa women’s slopestyle na magsisimula ng 9:45 a.m. sa Gangwon, South Korea, tampok ang 20 iba pang strong contenders na mga atleta mula sa Australia, Canada, China, New Zealand, Ukraine at  US bilang paborito.


May iba ring nagtamo ng injuries kahapon—may nasugatan sa ulo at napilayan sa tuhod at nabalian kaya umatras na sa Olympics. 


All those happened on the same day [Monday],” ayon kay Ric Rabe, ama ni Amihan at coach. “Tomorrow is competition day and she’s feeling alone. But she’s in good spirit.


She’s framing her mind to focus and finalize our plan today.”


"I’m so honored and humbled to represent the Philippines while facing my biggest challenge at hand,”  ani Rabe, na nakasalamuha si Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino at secretary-general Atty. Wharton Chan sa opening ceremony. 


She’s very friendly,” ani Tolentino. “I’m thankful and proud that I finally met her.”


Ang Slopestyle freeski ay ang pang-skiing pababa ng rails at pagtalon sa ere, habang ang iba pang event ni Rabe sa Linggo ay itatampok ang mga atletang magsisimula sa big jump at gagawa ng airborne spins, grabs at flips.

                                                                                               

 
 
RECOMMENDED
bottom of page