top of page
Search

ni MC @Sports | March 22, 2024



ree


Matapos na hirangin na kakatawan para sa Olympics ang Pinay na si Maxine Isabel Esteban sa ilalim ng bansang Ivory Coast sa Paris sa Hulyo-Agosto ito naman ay malugod na ikinatuwa ng Philippine Olympic Committee (POC) at siya aniya ay dapat na ipagmalaki at ikarangal ng kanyang pinagmulang bansa, walang iba kundi ang Pilipinas.


“We in the POC are very happy that Maxine, our athlete, has qualified for the Paris Olympics,” saad ni POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino nitong Martes. “She may not be representing Team Philippines, but we are so happy for her. So Maxine, do your best to win the gold,” ayon sa opisyal.


Nasungkit ni Esteban, 23 at nagpalit ng fencing federation noong isang taon, ang lone women’s foil singles slot para sa Africa noong Linggo sa final Olympic qualifier sa Washington DC.


Kasunod nito ay pinasalamatan ng eskrimador si Tolentino sa pagpirma sa kanyang transfer sa Ivory Coast national Olympic committee. “I’d like to thank my parents and my entire family for their support and for those who helped to make sure the door would be always open for me to continue chasing my dreams, like POC president Abraham Tolentino, who chose to extend a helping hand when I needed it the most,” natutuwang pahayag ni Esteban.


Sinabi ni Tolentino na nagalak siya sa paglalaro ni Esteban sa ibang bansa. Pero naniniwala siyang Pinay pa rin ang manlalaro sa puso at kaluluwa.


Idaraos ang 33rd Summer Olympic Games 2024 sa July 26-August 11 na rito’y may anim ng atleta ang ‘Pinas sa ngayon na mga qualified. Sila ay sina Olympics returnees Ernest John ‘EJ’ Obiena (men’s pole vault), Eumir Felix Marcial at Nesthy Petecio (men’s at women’s boxing) at Carlos Yulo (gymnastics) at first-timer Aleah Finnegan (gymnastics) at boxer Aira Villegas.


 
 

ni MC @Sports | March 21, 2024



ree


Wala na aniyang alinlangan sina Filipino Olympians EJ Obiena at Nesthy Petecio sa pagiging bahagi ng Paris Olympics suot ang uniporme ng bansa habang may nakatatak na Philippine flag.  Higit silang nakatuon ngayon sa taas noong pag-awit ng Lupang Hinirang sa competition stadiums sa Paris.


Ito ay matapos na maipahayag ng  Philippine Sports Commission (PSC) nitong Martes na ang bansa ay inalis na sa World Anti-Doping Agency compliance watchlist.


Ibig sabihin wala nang banta na hindi maiwagayway ang bandila ng 'Pinas sa Paris Games.


I was confident with our sports leadership that the issue would be resolved. It was important to me not only for our nation’s reputation, but to ensure I walk into the Olympic stadium proudly wearing our flag,” ayon kay Asia’s top pole vaulter at Paris bound Ernest John “EJ” Obiena.


Si Petecio na kuwalipikado na rin sa Paris Olympics kasama ang kapwa Pinay boxer na si Aira Villegas ay nagpasalamat din sa Filipino sports officials sa agarang paggawa ng solusyon sa isyu.  “We are very happy with that. If ever somebody wins a gold from us, we can hear our national anthem. But we never doubted our sports leaders, we knew they can handle and resolve this issue,” ani Petecio.


Ikinalugod naman ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang bagong balita na ito.  “Well and good. Nobody wanted to be suspended when we attend the Olympics—the world’s grandest sporting show on earth,” saad ni Tolentino. “There’s no more threat that we’ll march without a flag and no national anthem to be played. “We, our NSAs [national sports associations] can now concentrate on Olympic qualifying—more athletes to qualify for Paris.”


Pinasalamatan din ni PSC Chairman Richard “Dickie” Bachmann ang WADA at ang PHINADO at tiniyak na ipagpapatuloy ng bansa ang adbokasiya na maiwasang masangkot sa doping activities ang mga sporting venue.


 
 

ni MC @Sports | February 15, 2024



ree

Abanse na sa semifinals ang Cignal, HD, Iloilo at VNS Asereht mula sa kani-kanilang panalo sa pools ng Philippine National Volleyball Federation Champions League.


Nakatiyak na ang HD Spikers sa No. 1 seed sa Pool A na may hawak na 2-0 won-lost sa kanilang mga laro habang ang  D’Navigators ay tumarak ng 3-0 sa Pool B kasunod na  Griffins (2-1) matapos ang malaking panalo noong Martes ng gabi sa Rizal Memorial Coliseum.


Bumigwas si Joshua Umandal ng 19 points sa 15 hits, 3  blocks at ace nang tigpasin ng Cignal ang PGJC-Philippine Navy, 25-15, 25-21, 27-25 kasunod ng  opening-day win laban sa College of Saint Benilde na pumasok sa kanilang huling duwelo kontra Savouge Spin Doctors.


Ang panalo ng HD Spikers ang nag-iwan sa Savouge Spin Doctors (1-1) na panalo,  Saint Benilde (1-1) at sa winless Navy (0-2) na naghahabulan pa para sa huling semifinals ticket sa Pool A  habang hinihintay pa ang final elimination playdate.


Iloilo and VNS Asereht bagged crucial victories to secure the two seats in Pool B of the PNVF men’s tournament.  “We’re harnessing for the semifinals and as I said before, if we stay consistent, we'll sail all the way to the final,” ayon kay Iloilo coach Rizalito Delmoro matapos ang madaliang 25, 18, 25-22, 25-19 na panalo laban sa Army.


Bumanat si John San Andres ng 17 points mula sa 17 hits, si Kyle Villamor ay may 11 at may tig- 10 puntos sina Jayvee Sumagaysay at Abdurasad Nursiddik para sa  D’Navigators na winalis din ang Air Force at VNS para sa perfect run na walang talo kahit isang set. Ang panalo ng VNS ang nagpatibag sa Army at Air Force anuman ang resulta ng kanilang huling laban para sa Pool B action sa unang event ngayong taon ng PNVF sa pamumuno ni president Ramon “Tats” Suzara.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page