- BULGAR
- Nov 4, 2023
ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 4, 2023

Nag-ulat ang water service provider sa East zone na Manila Water Co., na magkakaroon ng pahinto-hintong suplay ng tubig sa 16 barangay na matatagpuan sa Makati, Quezon City, at Taytay, Rizal.
Ayon sa water utility, magdudulot ang city-wide interconnection activity sa Makati ng mababang presyon ng tubig o kawalan ng tubig mula gabi hanggang madaling-araw.
Samantala, makakaranas ang iba pang mga apektadong lugar sa eastern Metro Manila ng line maintenance simula Lunes, ika-6 ng Nobyembre.
Narito ang mga apektadong barangay at ang kanilang schedule:
Nov. 6 to 7
• 9:00 PM to 2:00 AM
Quezon City – Brgy. Central at Project 6
• 10:00 PM to 4:00 AM
Taytay, Rizal – Brgy. Sta. Ana (Ynarez Ave.)
Nov. 7 to 8
• 10:00 PM to 2:00 AM
Quezon City – Brgys. Pinyahan, Bagong Pag-asa, Vasra
• 10:00 PM to 7:00 AM
Makati City – Brgys. Santa Cruz, La Paz, San Antonio, Pio Del Pilar, Singkamas, Tejeros, San Lorenzo, Bel-Air, at Poblacion
Hinimok ang mga residente sa mga lugar na ito na magsimula nang mag-ipon ng suplay ng tubig para maibsan ang abala.
Matapos ang pagsasaayos, inirekomenda rin ng Manila Water na maglaan ng oras para sa flushing upang mapanatili ang kalinisan ng tubig.






