top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | February 13, 2021





Muling ipagbabawal sa Quezon City ang paggamit ng plastik simula ika-1 ng Marso sa ilalim ng City Ordinance 2869-2019.


Una itong ipinagbawal noong nakaraang taon ng Enero ngunit nahinto dahil sa modified enhanced community quarantine (MECQ).


Pagdating naman sa ika-1 ng Hulyo ay ipagbabawal na rin sa mga dine-in customer ng bawat restaurant ang paggamit ng disposable na platik katulad ng kutsara, tinidor, baso, pinggan, straw, stirrers, at styrofoam sa ilalim ng City Ordinance 2876-2019.


Ang mga establisimiyentong mahuhuling lalabag ay magmumulta ng P1,000 para sa first offense, samantalang P3,000 para sa second offense at posible ring matanggalan ng business permit. Kung aabot sa third offense ay magmumulta ng P5,000, matatanggalan ng business permit at ipapasarado ang negosyo.


Nag-issue na si Mayor Joy Belmonte ng memo sa bawat mall, palengke, kainan, botika, at mga tinging-tindahan ukol dito. Pinaaalalahanan ang mga mamimili na magdala ng eco bag o paper bag bilang pamalit sa plastik.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | February 13, 2021





Patay ang diumano'y dating regional director ng Government Service Insurance System (GSIS) na si Naomi Ibara Diaz, 67-anyos, matapos mabangga ng KAH 6997 canter truck, habang tumatawid sa Barangay Mercedes, Zamboanga City, pasado alas-7 nang umaga noong Biyernes.


Ayon sa ulat, nagtamo si Diaz ng sugat sa ulo at naitakbo pa sa ospital ngunit namatay din habang ginagamot.


Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isasampa sa drayber ng truck.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | February 12, 2021





Inihayag ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) noong Miyerkules na maaari nang hindi dumaan sa quarantine ang taong nabakunahan ng dalawang doses alinman sa Pfizer/BioNTech o Moderna COVID-19 vaccine, sakaling ma-expose sila sa taong positibo sa naturang virus.


Sa inilabas na guidelines ng CDC, kailangang “fully vaccinated” at mahigit tatlong buwan na ang nakalipas matapos maturukan ng bakuna ang isang indibidwal.


Kailangan din, hindi ito nakikitaan ng anumang sintomas ng Coronavirus upang hindi na dumaan sa quarantine.


Ayon din sa pag-aaral, ang pagsusuot ng dalawang face mask ay nakatutulong ng 96.5% para mabawasan ang hawahan sa COVID-19.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page