top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | February 14, 2021





Magsisimula na sa ika-20 ng Pebrero ang extended holiday registration para sa 2022 national elections, ganap na alas-8 nang umaga hanggang alas-5 nang hapon tuwing Martes hanggang Sabado.


Maaaring mag-walk-in ang aplikante sa pinakamalapit na opisina ng COMELEC, ngunit upang maging prayoridad sa pila ay pinapayuhang magpa-appointment at magparehistro muna sa irehistrocomelec.gov.ph.


Kailangang pumunta sa takdang petsa kung kailan nagpa-appointment bitbit ang mga hinihinging dokumento tulad ng application form, proof of residency, at valid ID.


Sa pahayag ni Spokesperson Director James Jimenez, mula noong Setyembre 1 ay wala pang naitatalang COVID-19 transmission ang COMELEC dahil sa online registration at ipinapatupad na health protocols. Tuwing Lunes ay nagdi-disinfect sa mga opisina upang masiguro ang kaligtasan ng bawat aplikante laban sa virus.


Gayunman, mahigit 4 million pa ang aasahang botante, sapagkat 1.3 million pa lamang ang mga nakarehistro mula noong nakaraang taon.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | February 13, 2021





Patay ang 19 katao, samantalang 34 ang sugatan matapos sumabog ang pagawaan ng paputok sa Tamil Nadu, Virudhunagar district, India nu'ng ika-12 ng Pebrero nang hapon.


Ayon sa ulat, 74 na empleyado ang nasa loob ng factory noong nangyari ang pagsabog.

Nagdulot umano ng friction ang paghahalo sa mga kemikal kaya naganap ang insidente. Nakahanda namang magbigay ng 200,000 rupees ($2,700, €2,273) ang Prime Minister na si Narenda Modi sa mga kamag-anak ng mga nasawi.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | February 13, 2021





Umabot sa P246,085,102.00 ang napanalunang jackpot prize sa lotto 6/58 draw nitong Biyernes ng gabi, Pebrero 12, 2021.


Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nag-iisa lang ang nanalo mula sa Banga, Aklan na masuwerteng nakakuha ng winning combination na 24-09-32-41-29-22.


Samantala, wala namang nanalo ng mahigit P9 milyon sa kasabay nitong Megalotto 6/45 draw na may winning combination na 20-09-29-27-30-33.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page