top of page
Search
  • BULGAR
  • Feb 15, 2021

ni Mary Gutierrez Almirañez | February 15, 2021






Patay ang 4 na magkakapatid na na-trap sa nasunog nilang bahay sa Phase 1 Laverna Hills, Barangay Cabantian, Davao City pasado alas-3 ng madaling- araw kanina.


Ayon kay Fire Officer 2 Mark Young, umalis ang mga magulang ng magkakapatid at electrical short circuit ang itinuturong sanhi ng sunog na umabot sa ikalawang alarma. Tinatayang P3-M ang napinsala sa insidente.


Ang mga biktima ay may edad 19, 14, at dalawang 8-anyos. Ligtas namang nakalabas ang apat pa nilang kasama sa bahay.


Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Cabantian Fire Station sa nangyari.

 
 
  • BULGAR
  • Feb 14, 2021

ni Mary Gutierrez Almirañez | February 14, 2021





Pinagbawalan ni Iloilo Governor Arthur Defensor na makapasok sa pamahalaang lungsod ang mga baboy mula Eastern Visayas dahil sa naitalang kaso ng African Swine Flu (ASF) sa Leyte.


Ayon sa Department of Agriculture (DA), 4 na bayan sa Leyte na ang may kumpirmadong kaso ng ASF. Mahigit 3,000 baboy ang isinasailalim sa depopulation at marami pang hog raisers ang hindi nagsu-surrender.


Kabilang din sa mga binabantayan ang ilang bayan sa Masbate tulad ng Ajuy, Anilao, Batasan, Banate, Barotac Nuevo, Barotac Viejo, Batad, Carles, Concepcion, Dumangas, Estancia, at San Dionisio.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | February 14, 2021





Patay ang isang pasahero matapos araruhin ng 10-wheeler truck ang dalawang tricycle kaninang umaga sa Sitio Amao, Brgy. Silangang Malicboy, Pagbilao Quezon.


Ayon kay Quezon Police information officer, Lovelyn Lalunio, patungong norte ang delivery truck nang mawalan ito ng preno at sumalpok sa mga tricycle.


Sa walong sugatan, apat ang nagtamo ng malubhang pinsala.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page