top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | February 17, 2021





Arestado ang 65-anyos na lalaking nakainom habang minamaneho ang puting SUV matapos takbuhan ang nabanggang nagbibisikleta sa Sta. Mesa, Maynila, ika-16 ng Pebrero nang gabi.


Ayon kay Police Maj. Val Valencia, commander ng Lacson Police Community Precinct, patuloy pa rin sa pag-andar palayo ang sasakyan kahit flat na ang gulong at puro gasgas ang kanang bahagi.


Sa Fajardo Street, Sampaloc naabutan ng patrolya ang SUV kung saan mahigit 15 minuto ang itinagal bago lumabas ang drayber.


Kasong Anti-Drunk and Drugged Driving Act at Disobedience to a Person in Authority ang haharapin nito.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | February 15, 2021






Konektado sa empleyado ng Metro Rail Transit (MRT) 3 ang pang-19 na bagong kaso ng UK coronavirus variant.


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagpositibo ang 46-anyos na ina ng empleyado ng MRT 3 noong Enero 5 at kasalukuyang sumasailalim sa home quarantine sa Pasay City.


Noong nakaraang buwan ay isinailalim ng Department of Transportation ang MRT-3 sa “enhanced access control” matapos magpositibo sa COVID-19 ang 42 na empleyado.


Kaugnay sa nangyaring report ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of Health.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | February 15, 2021






Hindi pabor ang lokal na pamahalaan ng Marikina at Caloocan sa bagong quarantine restrictions na ipinatupad ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) noong ika-12 ng Pebrero.


Ayon sa kanila, mas mainam na buksan ang paaralan sa halip na ang tradisyonal na sinehan.


Anila, mayroong dalawang oras ang isang palabas, at sa tagal nu’n ay posibleng maging mas mabilis ang hawahan sakaling nakapasok ang isang positibo sa virus dahil air-conditioned at sarado ang loob ng sinehan. Mahalagang mag-focus muna sa pagbabakuna para maabot ang herd immunity.


Dagdag pa ni Marikina Mayor Marcy Teodoro, maaaring mabalewala ang pagbubukas ng ekonomiya kung muling lolobo ang bilang ng positibo sa COVID-19 dahil sa mas maluwag na quarantine restrictions sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).


Bukod sa sinehan, maaari na rin umanong magbalik-operasyon ang mga sumusunod:

  • Driving schools

  • Video at interactive-game arcades

  • Libraries, archives, museums, cultural centers

  • Meetings, incentives, conferences at exhibitions

  • Limited social events sa mga credited establishments ng Department of Tourism

  • Limited tourist attractions katulad ng mga parke, natural sites at historical landmarks


Ngayong araw ay nakatakdang magsagawa ng konsultasyon ang NCR mayors sa Metro Manila Council hinggil sa desisyon ng IATF.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page