top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 26, 2023



ree

Nag-promote ng Maharlika Investment Corp. ang Philippine delegation, na itinalaga upang pamahalaan ang Maharlika Investment Fund, sa ika-31 na Asia-Pacific Parliamentary Forum na ginawa sa loob ng tatlong araw na rehiyonal na kumperensiyang natapos nu'ng Sabado.


Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, binanggit nila sa forum na batas na ang Maharlika Investment Corporation at nakikita rin ng mga kasama sa APPF na magandang investment center at haven sa lahat ng sovereign wealth fund sa buong mundo ang Pilipinas.


Siniguro rin ni Speaker Romualdez na marami ang nagpahayag ng nais na pagbisita muli sa bansa.


Si Romualcez ang co-chair ng taunang pagpupulong, na inorganisa ng Kongreso ng 'Pinas, kasama si Senate President Juan Miguel Zubiri.





 
 

ni Mylene Alfonso @Business News | July 19, 2023



ree

Sisikapin umano na matulungan ang mga micro, small and medium enterprises (MSME) na lumago upang makalikha ng mapapasukang trabaho at oportunidad na pagkakakitaan ng publiko.


Ginawa ni Speaker Martin Romualdez ang pangako sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng National Food Fair (Philippine Cuisine and Ingredients Show) na pinangunahan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa SM Megamall sa Mandaluyong City.


Aniya, una nang inaprubahan ang ilang panukala at mayroon pang mga aaprubahan upang matulungan ang mga maliliit na negosyo gaya ng Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) Act at House Bill No. 1171 o ang One Town, One Product Act (OTOP).


Ito umano ay nakahanay sa polisiya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.


Idinagdag nito na naglaan ang Pangulo ng P1.2 bilyon sa ilalim ng 2023 national budget upang suportahan ang mga programa para sa MSME.


Ang GUIDE Act, na isa si Romualdez sa pangunahing may-akda ay nag-oobliga sa mga government financial institution gaya ng Land Bank of the Philippines at Development

Bank of the Philippines (DBP) na maglaan ng pondong ipapautang sa mga maliliit na negosyo.


 
 

ni Mylene Alfonso | June 12, 2023



ree

Bago nagsara ang unang regular session ng 19th Congress, natapos ng Kamara ang 577 panukalang batas.


Nasa 33 sa 42 priority measures ang inaprubahan ng House of Representatives na kabilang sa priority bills ng administrasyong Marcos at Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).


Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, hindi maitatanggi na si Speaker Martin Romualdez ang pinakapinagkakatiwalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at kailangan umano ng administrasyon ng tulong upang maabot ang minimithi nitong

“Agenda for Prosperity”.


Wala umanong duda na magtutuluy-tuloy ang magandang performance ng Kamara de Representantes.


Samantala, tinawag namang 'action man' nina Davao de Oro 1st District Rep. Maria Carmen Zamora at Davao Oriental 2nd District Rep. Cheeno Miguel Almario si Romualdez, dahil sa mabilis umano nitong pagtugon sa pangangailangan ng kanilang constituents, partikular sa panahon ng kalamidad.


Mapalad umano silang maging kasapi ng 19th Congress sa ilalim ng liderato ng Speaker.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page