top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida  | August 13, 2024



Showbiz News
Photo: Marian Rivera

Isa sa mas nagpasaya sa 40th birthday ni Marian Rivera kahapon, August 12, ay ang pagkapanalo niya ng Best Actress sa 2024 Cinemalaya para sa pelikulang Balota

Naging emosyonal si Marian sa kanyang acceptance speech at ang sabi, “Napakagandang regalo ‘to sa ‘kin.”


Sa Instagram (IG), may post si Marian sa kanyang pagkapanalo na kung saan, marami ang nagpaabot ng congratulations sa kanya.


Pahayag ni Marian, “Nakuha ko ang aking unang acting award sa edad na forty (40). Isang bagay na akala ko’y ‘di ko na magagawa. Posible pala.


“Pero higit sa award, ang regalong natanggap ko ay muling pagliyab ng aking pagmamahal sa paggawa ng pelikula dahil sa inspirasyong ibinigay sa 'kin ng Cinemalaya community. Isa itong makabuluhang chapter sa buhay ko na hinding-hindi ko malilimutan. At ito ay naging posible dahil sa mga tao na tumulong sa ‘kin.


“Kay Direk Mike Tuviera, aking manager, na sinigurong wala na akong iba pang iisipin para magampanan ko ang role na si Teacher Emmy. Coach, salamat sa walang sawang paggabay.


“Sa GMA, sa pamumuno ni Ms. Cheryl Ching-Sy, salamat sa tiwala at sa pagbukas ng pinto para pasukin ko ang Cinemalaya. Sa mga kasama kong bumuo ng Balota, sa napakahusay na cast, staff, crew, Team ‘Marian’ at creatives-hanga ako sa inyo dahil ramdam ko ang tindi ng pagmamahal ninyo sa paggawa ng mga kuwentong may saysay.


“Sa aking pamilya, higit lalo sa aking kabiyak, salamat sa suporta mong buong-buo, Simula’t sapul ay nar’yan ka para bigyan ako ng lakas.


“Higit sa lahat, kay Direk Kip. Isinilang mo ang karakter ni Teacher Emmy. Ipinagkatiwala mo sa ‘kin, at kasama mo, tayong dalawa ang humubog sa kanyang malakas na boses. Salamat at dahil sa karakter na ‘to, naiparating mo ang mahalagang mensahe ng pelikula sa mga manonood, at ‘yun ay ipinagpapasalamat ko nang may kasamang pagpupuri sa ‘yong talento. Salamat, Lord. Walang hanggang pasasalamat sa 'yo!”


May post si Dingdong Dantes na photos ni Marian sa birthday celebration nito at ang caption lang ay: “Cuarenta.” Waiting ang DongYan (Dingdong at Marian) fans ng mas mahabang birthday greetings from Dingdong to his lovely Best Actress wife.

Still on Marian, comment ng kanyang mga fans, ginawa raw photo album ng Bench ang Guadalupe bridge sa mga billboards ng Bench Active na ine-endorse ng aktres. Nag-e-enjoy ang mga fans na makita ang naglalakihang billboards ni Marian Rivera.



Sobrang saya ng KimPau fans dahil matutupad ang wish nila na magsama sa pelikula sina Kim Chiu at Paulo Avelino. 


In fact, sa October 2, 2024 na ang playdate ng movie nilang My Love Will Make You Disappear (MLWMYD).


Produced ng ABS-CBN at Star Cinema ang first movie ng KimPau love team to be directed by Chad Vidanes. Sina Paulo at Kim pa lang ang in-announce sa cast, hintayin natin ang iba pa nilang makakasama.


Excited at kinikilig ang KimPau fans at nagsisimula na silang mag-ipon. Kasama sa kanilang pag-iipunan ang maraming block screenings na kanilang ioorganisa. 


May panawagan na nga ang ibang KimPau fans sa kapwa nila fans. Magsama-sama raw sila para maging successful ang first movie ng KimPau para may follow-up movie agad at para lahat ng genre ay gawin ng dalawa. May mga requests na rin ng international screenings na siguradong mangyayari.


Basag sa mga fans nila ni Kim…

XIAN AT GF NA SI IRIS, MAGDYA-JOGGING LANG, MAY KASAMA PANG PHOTOG


Xian Lee / IG
Xian Lee / IG

AYAW tigilan sina Xian Lim at Iris Lee na muling nagparamdam nang i-post ng aktor sa kanyang Instagram (IG) ang black and white photo nila ng nobya na nagdya-jogging sa Marikina Sports Oval.


Gaya-gaya raw sila kina Paulo Avelino at Kim Chiu na nag-jogging din sa same place. Sagot ng mga fans ni Xian, bawal daw bang mag-jogging at bawal ba sa Marikina Sports Oval? 


Bakit daw sina Jericho Rosales at Kathryn Bernardo, hindi masabihan ng KimPau fans na gaya-gaya dahil sa Marikina rin nila ito ginawa?


Sagot naman ng KimXi (Kim at Xian) fans, hindi sila sa Marikina nagdya-jogging noong sila pa, kundi sa Remy Field sa Olongapo. Saka, hindi raw ginagaya ang jogging dahil lahat ay puwede itong gawin.


'Kakatuwa dahil pati photo nina Xian Lim at Iris Lee ay isyu. Kailangan daw bang may photographer silang kasama at nakabuntot sa kanila para kunwari, candid ang kuha ng picture? 


Ayun, hindi pa rin tapos ang bardagulan ng mga fans at pati non-fans sa lumabas na picture ng dalawa.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida  | July 22, 2024



Showbiz News
Marian Rivera at Heart Evangelista - Circulated GMA Gala

Ang pagkikita nina Marian Rivera at Heart Evangelista ang isa sa mga inabangan sa GMA Gala 2024 at hindi na nadismaya ang mga fans ng dalawang reyna ng GMA Network.


Hindi lang sila nagbatian, game rin sa picture taking na magkayakap pa.

Marami ang natuwa dahil ang mga reyna raw na katulad nila ay hindi nag-aaway at dapat nagsusuportahan. May mga hindi lang makapag-move on, negative ang dating sa kanila ng pagiging okey na nina Marian at Heart. Tila gusto ng mga ito na manatiling strangers ang dalawa sa isa’t isa.


Anyway, extended sa Instagram (IG) ang saya nina Heart at Marian sa muli nilang pagkikita. Sa comment ni Heart na “Wooooow” sa "Rendezvous" video na ipinost ni Marian na paghahanda nila ni Dingdong Dantes sa GMA Gala 2024, ang sagot ni Marian, “See you again soon.”


‘Katuwa pala ang comment sa video na may pagka-sexy at ang daming naglaro sa isip ng mga fans. ‘Yun daw ang ginawa nina Dingdong Dantes at Marian after ng GMA Gala 2024. 


Kung ano ang pinag-uusapan ng mga fans, check n'yo sa IG ni Marian Rivera ang post na may "Rendezvous".



TINAKOT at pinakaba ni Gary Valenciano ang mga netizens dahil lang sa poster ng kanyang Inspired concert na black and white at unang tingin, aakalaing obituary card. 

Nag-trending ang poster na ‘yun at lahat ay nabahala kung ano ba ang nangyari kay Gary. 

Nakarating sa kanya ang pagkabahala ng mga fans, kaya agad niyang sinagot ito.

“HAHAHA, ok everyone. Chill. I know you all got scared but I’m very much alive and very  much excited for these two nights of full inspiration with Gabriel Valenciano.”

Pagkatapos mahimasmasan ang mga fans at malamang buhay si Gary, pinuri nila ang nakaisip at may concept sa poster. Ang husay daw ng marketing strategy, nagkainteres ang marami na panoorin ang concert ni Gary.

Sa August 16 sa 3 Crosses Church, Castro Valley at August 17 sa The Point Church, San Jose sa California ang concert ni Gary Valenciano with his son Gabriel Valenciano. 



SINA Isko Moreno at Ms. Cory Quirino ang special guests sa ginanap na very successful three-day National Hopia Day sa Mall of Asia Music Hall. 


They were welcomed by the owner of Eng Bee Tin na nasa likod ng celebration sa pangunguna ng president and owner na si Gerry Chua. Katulong niya sa pag-welcome sa mga guests ang wife niya at mga anak na sina Gerik, Gerald and Geraldyn. 


Dumating din si Diana Zubiri at ang husband nito at tatlong anak para makisaya sa selebrasyon at sa mga hopia lovers.


Naintriga kami sa sinabi ni Isko na next year, hindi na lang sa MOA ise-celebrate ng Eng Bee Tin ang National Hopia Day, pati na rin sa Manila. May mga pahaging pa ito na parang babalikan niya ang pulitika at baka nga totoo ang tsikang muli siyang tatakbong mayor ng Maynila.


Naalala namin ang naging pahayag ni Manila City Mayor Honey Lacuña na i-reconsider daw ni Isko sakaling tatakbo uli siyang mayor ng Maynila. 

Naku, baka magkalaban pa sa posisyon ang dating magkaalyado.



KASUSULAT lang namin na may PDA (public display of affection) na sina Kyline Alcantara at Kobe Paras, heto ang balitang na-friendzone ni Kobe ang aktres. 

Dahil ito sa naging sagot ni Kobe nang ma-interview sa GMA Gala 2024 tungkol sa kanila ni Kyline.


Sa nasabing interbyu, sinabi ni Kobe na hindi pa niya tinatanong si Kyline to be his girlfriend. Dahil sa sagot na ito, na-friendzone si Kyline na asang-asa raw kay Kobe. 

In fairness, nauna nang sinabi ni Kyline na hindi niya boyfriend si Kobe na ayaw paniwalaan ng mga fans.


Kung hindi sila magdyowa, ano raw ‘yung pagde-date nila, pagho-holding hands at kamakailan, may photos na hinalikan ni Kobe ang noo ni Kyline habang nakahawak sa waistline nito?


Ang sweet daw pala ni Kobe sa "girl friend" niya. Ayun, ang daming gustong maging kaibigan niya. Hahaha!


 
 

ni Melba R. Llanera @Insider | June 13, 2024



File photo

“Nakakatawa,” ang maigsing pahayag ni Marian Rivera nang tanungin namin sa nakaraang launching niya bilang endorser ng Center for Advanced Dentistry kung ano ang reaksiyon niya sa mga isyu na ipinupukol sa pagsasama nila ng asawang si Dingdong Dantes. 


Kamakailan kasi ay na-link si Dingdong sa dating young star na si Lindsay de Vera at nabalita pa ngang may anak diumano ang dalawa. 


Idinenay naman ng Kapuso actor ang isyu at sinabing wala itong katotohanan lalo’t mahal niya ang asawa at mga anak. 


Hiningan din namin ng payo si Marian para sa isang matatag at matibay na pagsasama ng mag-asawa lalo’t magsa-sampung taon na silang kasal ni Dingdong at maikokonsidera na isa ang relasyon nila sa mga nananatiling matatag at matibay sa kabila ng ilang intriga at pagsubok na rin ang kanilang pinagdaanan.


Ayon kay Marian, wala siya sa posisyon kaya mahirap magbigay ng advice, pero isa lang ang sigurado niya, kailangang transparent ang mag-asawa sa isa’t isa at dito ay mananaig ang pagbibigay at pagtitiwala. 


Mawawalang saysay din daw ang lahat sa isang pagsasama kung ‘di magiging sentro ang Diyos.


Kabi-kabila rin ang mga awards na natatanggap ni Marian mula sa iba’t ibang award-giving bodies dahil sa tagumpay ng Rewind. Labis naman ang pasasalamat niya sa mga taong sumuporta at nanood ng pelikula. 


Katatapos lang gawin ni Marian ang Cinemalaya entry na Balota. Masaya at excited siya sa pinagbidahang indie film dahil dito niya nagawa ang lahat ng first time na hindi niya nagawa sa mga mainstream movies niya. 


Wala raw siyang makeup dito, iba ang mga linyahan na malayo sa mga dialogues niya sa mga nagawang pelikula at hindi siya nagpa-double sa mga action scenes kaya nagkasugat-sugat siya. 


At dahil sa magandang experience niya sa paggawa ng Balota, bukas siya uling gumawa ng pelikula sa Cinemalaya.



Aminado si Patrick Garcia na malaki ang nagbago sa kanya mula nang bumuo siya ng pamilya at maging ama. 


May anak si Patrick kay Jennylyn Mercado, si Jazz Alex, at may apat na silang anak ng asawang si Nikka Martinez. 


Ani Patrick, nabago ang pananaw niya mula nang maging ama. Mas pinagbubutihan daw niya ngayon ang pagtatrabaho para maging magaling na provider at maibigay ang best sa mga anak. 


Bukod sa showbiz, may business din si Patrick, ang Fine Gentleman na pagawaan ng mga suits, at isang barber shop. 


Samantala, ilang araw na nag-No. 1 sa Netflix ang pelikulang A Journey na pinagbidahan nina Patrick, Kaye Abad at Paolo Contis. Ikinagulat at ikinatuwa ni Patrick ang mainit na pagtanggap ng mga manonood sa kanilang movie. Masaya rin siya na nakatrabaho ang dating mga kasama sa Tabing Ilog na naging mga kaibigan na rin niya. 


Sa ngayon, naghihintay sa isang pelikula si Patrick na hindi niya alam kung mapapanood sa filmfest o Netflix.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page