ni Angela Fernando @News | May 3, 2024
Nakatanggap ng kabuuang P148,848,794 kabayaran ang mga biktima nu'ng 2017 ng Marawi siege, ayon sa Marawi Compensation Board (MCB).
Sinabi ng MCB na ang kompensasyon ay ibinigay sa mga benepisyaryo ng 86 kaso ng mga nasawi pati na rin sa 32 kaso ng claim ng mga property at personal na ari-arian.
Matatandaang nu'ng Hulyo 2023, binuksan ng MCB ang mga applications para sa mga claim kabilang ang claim sa structural properties, kamatayan, at personal na ari-arian, at iba pa.
Ayon sa MCB, halos isang buwan matapos ang pagbubukas, humigit-kumulang 12k katao na ang nagpahayag ng interes sa pag-file ng mga claim.