top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 30, 2021



ree

Sisimulan na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga edad 18 hanggang 59-anyos na indibidwal na may comorbidities tulad ng chronic respiratory, kidney o liver disease, hypertension, cardiovascular disease, diabetes at tuberculosis sa Maynila simula bukas, Marso 31, ayon kay Mayor Isko Moreno.


Kaugnay ito sa karagdagang suplay ng Sinovac COVID-19 vaccines na inilaan ng lokal na pamahalaan sa lungsod kaya maaari na nilang simulan ang pagbabakuna sa mga nasa A3 priority list.


Nauna nang isinagawa ang online pre-registration sa https://bit.ly/3tUBHpw at para sa mga hindi nakapagparehistro ay maaari nang ihanda ang katibayan ng kanilang medical condition katulad ng medical certificate, prescription o reseta at hospital records.


Samantala, sa mga senior citizen na hirap bumangon at lumakad ay puwede silang magpapunta ng kamag-anak sa pinakamalapit na vaccination site upang mag-request ng home service.


Sa ngayon ay sinimulan na ring iturok ang pangalawang dose ng Sinovac sa mga healthcare workers na nabakunahan nu’ng nakalipas na 28 days.


Sa huling tala ng Manila Health Department, 17,809 na ang administered doses sa lungsod kasama ang mga frontliners at senior citizens. Maaari na ring makapagparehistro ang ibang residente sa ibinigay na link ng mga sumusunod na LGU:

• Caloocan: https://bit.ly/3fpGueD

• Mandaluyong: https://bit.ly/31qsyZD

• Muntinlupa: https://bit.ly/2NYFeUr

• Paranaque: https://bit.ly/31sEMko

• San Juan: https://bit.ly/39Bi7ri

• Quezon City: https://bit.ly/3suTPpV

• Valenzuela: https://bit.ly/39oYmCK


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 21, 2021




Patay na nang matagpuan ang 3 trabahador na naiulat na nawala matapos gumuho ang bahagi ng isang gusali sa may UN Avenue at Maria Orosa Street, Manila noong Sabado na kasalukuyang dine-demolish.


Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), na-rescue ang 2 pang trabahador na sugatan sa insidente na kaagad namang isinugod sa ospital.


Ang naturang gusali ay dati umanong Philam Life Building. Ayon din sa MDRRMO, bandang 8 AM ngayong Linggo nang matagpuan ang unang bangkay at nagpatuloy ang kanilang retrieval operations.


Hindi kaagad nakuha ang katawan ng iba pang biktima dahil gumagalaw o hindi stable ang gusali, ayon sa Bureau of Fire Protection. Samantala, patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad sa insidente.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 17, 2021



ree


Simula na ang 4-day lockdown sa anim na barangay sa Maynila ngayong Miyerkules nang hatinggabi hanggang Sabado dahil sa pagtaas ng COVID-19, ayon kay Chairman Santiago Calizo.


Batay sa ulat, kabilang sa mga naka-lockdown ang Barangay 185 sa Tondo, Barangay 374 sa Sta. Cruz, Barangay 521 sa Sampaloc, Barangay 628 sa Sta. Mesa, Barangay 675 sa Paco at Barangay 847 sa Pandacan, matapos pare-parehas makapagtala ng mahigit 10 aktibong kaso ng COVID-19 ang bawat barangay.


Aniya, mayroong 13 na quarantine facilities ang lungsod at nasa 80% na ang occupancy rate ng anim na pasilidad, habang ang 3 nito ay hindi ipinapagamit dahil kinukumpuni pa.


Inaasahang isasailalim sa swab test ang iba pang kasama ng mga nagpositibo sa compound, maging ang mga kawani ng barangay kung saan isang barangay official ang positibo rin sa virus.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page