top of page
Search

KATANUNGAN

  1. Three years na kami ng boyfriend ko at naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung siya na ang makatutuluyan ko?

  2. Tapos na ako ng kursong accountancy at nagse-self study muna ako hanggang may Covid-19. Sakaling kukuha ako ng CPA board exam next year, makakapasa kaya ako?

  3. Matagal n’yo na kaming tagasubaybay, since elementary pa lang ako, kaya gusto ko ring malaman kung ano ang mangyayari sa future ko at career na napili ko?

KASAGUTAN

  1. Iisa lang ang namataang malinaw at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kung three years na kayong nagmamahalan ng boyfriend mo at nagkataong Aquarius ang zodiac sign niya habang ikaw naman ay Libra, tiyak ang magaganap – kayo ang magkatutuluyan at magsasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

  2. Habang ang tuwid at magandang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad ang nagsasabing siguradong makakapasa ka sa board exam at magkakaroon ng magandang career, sapagkat ang nasabing Fate Line na tuwid at maganda (arrow b.) ay madali namang nakarating sa Bundok ng Tagumpay (arrow c.). Tanda na sa kursong accountancy, tulad ng iyong inaasahan, magtatagumpay at magkakaroon ka ng maunlad career sa susunod na mga dalawa hanggang tatlong taon.

  3. Ang pag-aanalisang makakapasa ka sa CPA board exam ay muli at madali namang kinumpirma ng Effort Line (Drawing A. at B. E-E arrow d.) na nakatuntong sa Bundok ng Katuparan (arrow e.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na isang kuha lang ng exam, walang mintis ay makakapasa ka.

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Karen, ang kasalukuyan mo nang boyfriend ang nakatakda mong makatuluyan at ang pag-aasawang nabanggit ay tinatayang magaganap sa 2024. Subalit bago maganap ang nasabing pag-aasawa, makakapasa ka muna sa board exam hanggang sa magkaroon ng matagumpay na career sa isang sangay ng ating pamahalaan, na nakatakda namang mangyari sa 2022 sa edad mong 25 pataas.

 
 
  • Maestro Honorio Ong
  • Jun 2, 2020

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 2, 2020 (Martes): Ipagpapatuloy mo pa rin ang pagtulong sa tao dahil alam mong hindi pa sapat ang kanilang ikinabubuhay. Ito ang misyon ng buhay mo ngayon.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magagawa mo na ang magagandang ideya na nabuo mo nang ikaw ay nasa bahay lang. Ang tagumpay ay masusumpungan mong nasa iyong harapan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dahan-dahan lang at huwag kang magmadali. Hayaan mo ang iba na sabik at sobrang masigasig. Maagang mauubos ang kanilang sigla at lakas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.

GEMINI (May 21-June 20) - Habang ginagawa mo ang dating trabaho mo, dapat ay bukas ang iyong isipan sa mga bago at ibang paraan kung saan mababawasan ang iyong paghihirap at pagpapagod. Masuwerteng kulay-red.

CANCER (June 21-July 22) - Nakatutuwa ang mga masasaksihan mo. Biglang dumami ang mga nagsisikap at tutok sa kanilang trabaho. Sila rin ang mga hindi naman seryoso dati. Ito ang bagong reyalidad. Masuwerteng kulay-brown.

LEO (July 23-Aug. 22) - Noon, ikaw ang nangunguna at ngayon ay ikaw pa rin naman. Pero may ilan na magtatangkang agawin sa iyo ang pangunguna, kaya lang, mabibigo sila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagbalik ang lahat sa normal pero sa biglang tingin lang. Ibig sabihin, ipagpatuloy mo ang pag-iingat dahil ang maingat ay nakaliligtas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mo nang pansinin ang mga balitang lalo lang nagbibigay ng kalituhan. Ang intindihin mo ay ang sarili mo at mahal mo sa buhay. Ituloy mo na lang ang sariling pag-iingat. Masuwerteng kulay-yellow.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magmadali. Tulad ng dati, gawin mo lang ang simpleng ginagawa mo, pero kapag nakakita ka ng oportunidad na mabilis na madaragdagan ang kita mo, agad kang kumilos. Masuwerteng kulay-purple.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi nakahanda ang marami sa pagbubukas ng ekonomiya. Pero ikaw, kahit hindi rin gaanong naka-ready ay mas susulong kaysa sa karamihan dahil likas ang iyong talino. Masuwerteng kulay-pink.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sabik ang tao sa kalayaan, marami ang magyayaya sa iyo na pumunta sa malayo at wala namang gagawin kundi mamasyal. Hayaan mo sila, pero huwag kang sumama. Masuwerteng kulay-beige.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sobrang nakiliti ka sa balitang makalalabas na ng bahay ang mga tao. Mapupuntahan mo na ang gusto mong pasyalan at kung puwede, sana ay ikaw lang munang mag-isa. Masuwerteng kulay-blue.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong kalimutan na iba na ang buhay ngayon. Bago na ang pangkaraniwang ginagawa at ang pag-iingat sa lahat ng sandali ay hindi mo basta na lang puwedeng balewalain. Masuwerteng kulay-black.

![endif]--![endif]--

 
 
  • Maestro Honorio Ong
  • Jun 1, 2020

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 1, 2020 (Lunes): Napabibilang ka sa iilang may mga biglang suwerteng dumarating. Ipinapayo na mahalin at pahalagahan mo ang mga biyayang mapasasaiyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Matutukso kang gumastos nang wala sa lugar. Ito ay mangyayari dahil makikitang tiwala ka na sa pagbabalik ng normal na buhay, gaganda na muli ang takbo ng iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-black.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong gaanong seryosohin ang buhay. Mahalaga rin sa tao ang nagsasaya kahit paminsan-minsan dahil ang sobrang seryoso ay humihina ang kalusugan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet.

GEMINI (May 21-June 20) - Lumagay ka sa gitna. Ibig sabihin, wala ka dapat panigan sa dalawang hindi magkaintindihan, pero ang pagtuunan mo ng pansin ay dapat silang magbigayan. Masuwerteng kulay-peach.

CANCER (June 21-July 22) - Kakaibang saya ang iyong madarama at ito ay sa dahilang nasasagap mo ang magagandang kapalaran na dadapo sa iyo kapag puwede nang lumabas ng bahay ang mga tao. Masuwerteng kulay-red.

LEO (July 23-Aug. 22) - Napakalakas ng iyong kaisipan kaya magplano ka. Ang mabubuo mong plano ay siya na mismong magbibigay sa iyo ng tagumpay at masaganang buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Didikit sa iyo ang mahaharot at masayahing tao. Ito ay para sumaya ka rin at ang saya mo ay maging puhunan mo para mabilis kang umasesno kapag makalalabas na ang mga tao. Masuwerteng kulay-white.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong kalimutan at mas maganda na iyong isabuhay ang mga natutunan mong magagandang aral sa buhay kapag ang mga tao ay pinahintulutan nang lumabas ng bahay. Masuwerteng kulay-green.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Handang-handa ka na muling makipagsapalaran, pero mas tamang sabihin na handa ka nang sunggaban ang oportunidad na lalagay sa iyong harapan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang mag-alala dahil bibigyan ka muli ng iyong kapalaran ng pagkakataong mamuno at mamahala dahil noon pa man, ito na ang linya mo sa buhay. Masuwerteng kulay-purple.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumikilos ang langit at inaalis ang mga bagay na magbibigay ng pangamba at alalahanin sa iyo nang sa gayun ay maging mabilis ang pag-asenso mo sa buhay. Masuwerteng kulay-pink.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong hanapin ang nawala at lumayo sa iyo, gayundin ang umalis sa buhay mo sa panahon na bawal lumabas ng bahay. Bago na ang kapalaran at bago na rin ang mga mamahalin mo. Masuwerteng kulay-beige.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipagpatuloy mo ang pagpapakita ng malasakit sa kapwa mo kahit magluwag na ang awtoridad. Gawin mo ito dahil ipagpapatuloy pa rin ng langit ang pagbibigay sa iyo ng mga biyaya. Masuwerteng kulay-blue.

![endif]--![endif]--

 
 
RECOMMENDED
bottom of page