top of page
Search

Dear Maestro,

Kapag nagkatuluyan ang magkasintahan na hindi compatible, ano ang mangyayari? Hindi ba sila uunlad at magiging maligaya kahit nagmamahalan naman sila? Ang boyfriend ko ay isinilang noong October 12, 1994 at September 7, 1995 naman ang birthday ako. Inaaya na niya akong magpakasal, pero nagdadalawang-isip ako dahil sa nababsa ko sa kolum n’yo na hindi compatible ang zodiac sign kong Virgo sa zodiac sign niyang Libra, ganundin ang birth date kong 7 sa birth date niyang 12.

Ano ang masasabi n’yong mangyayari sa relasyon namin sakaling kami ay magkatuluyan? Hindi ba ito magiging successful at mauuwi sa paghihiwalay ang pagsasama namin?

Umaasa,

Ms. Virgo ng San Jose, Rodriguez, Rizal

Dear Ms. Virgo,

Sa sandaling ang mag-asawa o magkasintahan ay hindi compatible sa Numerology at Astrology, hindi sinasabing mauuwi rin sa paghihiwalay ang pagsasama ng magkarelasyon, sa halip, ang sinasabi ay mahihirapan kayong magtagumpay at lumigaya dahil hindi kayo tugma ng “body chemistry”.

Walang iniwan sa likas na talento ng isang bata. Kung halimbawang bata pa lang ay napansin mo siyang magaling umawit o kumanta, ngunit mahina naman siya sa pagsayaw, ‘di ba, kapag sinanay mo siya bilang mang-aawit, mas madali siyang matututo sa larangang ito kung ikukumpara sa pagsayaw? Ganundin sa relasyon, halimbawa, relasyong hindi compatible versus compatible, ano ang mangyayari?

Madalas nating marinig ang mga salitang, “Bakit sa umpisa pa lang ay magaan na ang loob ko sa taong ito?” Kaya ganu’n, marahil nangangahulugang magkatugma ang kanilang body chemistry sa umpisa pa lang. Kaya kapag nagsama sila at naging magkaibigan, dahil magaan ang loob nila sa isa’t isa, sa unang pagtatagpo pa lang ay magiging maligaya at maunlad ang nasabing samahan.

Kabaligtaran, may naririnig din tayong ganito, “Bakit sa umpisa pa lang, parang wala na akong tiwala sa taong ito?” Hindi ba, kahit parang wala kang tiwala sa nasabing tao at pinagsama kayong dalawa, puwede rin naman kayong mag-sama pero dahil nabahiran ng hindi magandang first impression ang ganu’ng relasyon, sa simula pa lang ay hindi mo na mahal ang tao o wala na agad siyang puwang sa iyong puso, kaya maaaring ang ganu’ng relasyon ay hindi magtagal, lalo na ang samahang ito ay binayo ng mabibigat na mga pagsubok.

Ganundin sa compatibility theory, hindi natin dini-discourage na huwag magsama ang taong hindi compatible sa isa’t isa, kumbaga sa sundalo na sasagupa sa giyera, sinasabi na natin sa kanila na hindi basta-basta ang makakalaban nila, sapagkat hindi sila compatible sa isa’t isa.

Kumbaga sa kumpetisyon na iyong sasalihan, hindi natin sinasabing hindi kayo magwawagi, sa halip, mahihirapan kayong magwagi sa nasabing kumpetisyon sapagkat hindi basta-basta ang mga pagsubok na kakaharapin n’yo sa pakikipagtunggali.

Ikumpara mo naman sa magkasintahan na compatible sa isa’t isa, ipinagpapauna na natin sa iyo na kauting pagmamahalan at pag-uunawaan na sasahugan ng pagsisikap at lambingan, mas madali kayong liligaya at magtatagumpay dahil compatible kayo sa isa’t isa.

Pero hindi rin puwede ang pangyayaring porke compatible kayo ay hindi na kayo magsisikap, magmamahalan at mag-uunawaan. Kapag ganu’n, kahit compatible kayo pero naging pabaya kayo sa isa’t isa, maaari kayong maghiwalay at hindi mo masisisi ang compatibility theory, bagkus, ang dapat sisihin ay ang damdamin at ugali ninyo habang kayo ay magkasama.

Walang iniwan sa tanim o halaman na inihulog sa matabang lupa. Kahit mataba ang lupa, pero kung hindi naman didiligan at dadamuhan ng magsasaka at kahit ang buto ay hybrid pa, hindi rin siya mamumunga.

Sa kabilang banda, ang mga nagsasama na hindi compatible ay maituturing na

isang binhi na inihulog sa hindi matabang lupa. Bagama’t hindi mataba ang lupa, kung masipag namang mag-alaga, magdilig at magsinop ng halaman ang magsasaka, posibleng mamunga pa rin ito.

“Less effort versus hard work” ang labanan kapag pinag-uusapan ang compatibility. Sa mas magaang na paliwanag, ano ang gusto mo, suwabeng dumarating sa inyong mag-asawa ang magagandang biyaya ng buhay dahil bukod sa compatible kayo ay tunay kayong nagmamahalan o parang mabigat ang dating ng magandang kapalaran dahil hindi kayo compatible at hindi kayo gaanong nagmamahalan?

Ganu’n ‘yun, Ms. Virgo, kaya kung mahal mo ang boyfriend mong hindi mo ka-compatible, pakasalan mo siya, basta nagmamahalan kayong dalawa. Pero tulad ng ama na pinagbilinan ang anak bago sumuong sa isang sapalaran, pagbutihin mo ang papasukin n’yong pagpapamilya, dahil hindi birong labanan ang inyong mararanasan.

Muli, kapag ang relasyon ay may dalisay at wagas na pagmamahalan, kahit hindi kayo compatible, malaki pa rin naman ang tsansa na makabuo kayo ng masarap na pag-iibigan at maligaya, maunlad at panghabambuhay na pagpapamilya.

 
 
  • Maestro Honorio Ong
  • Jun 3, 2020

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 3, 2020 (Miyerkules): Isinilang ka para mamuno, kaya hindi puwede na mababa ang ranggo mo sa iyong trabaho. Ito ang tagong dahilan kung bakit hindi ka nagtatagal sa pamamasukan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon mo simulan ang sinasabi mo sa sarili mo na itotodo mo ang lahat ng makakaya mo para bumilis ang iyong pagyaman. Aayon sa kagustuhan mo ang mga pangyayari. Masuwerteng kulay-peach.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magtanong ka muna bago ka kumilos. May ilang mga pagbabago na kailangan mong isagawa. Sa pagtatanong, hindi ka maliligaw at sa halip, magiging tama ang bawat ikikilos mo. Masuwerteng kulay-red.

GEMINI (May 21-June 20) - Mabagal ang takbo ng buhay sa nagdaang bawal lumabas ng bahay, pero ngayon, kailangang ibalik mo ang bilis ng isipan at kilos mo. Magsisimulang bumilis ang ikot ng mundo. Masuwerteng kulay-brown.

CANCER (June 21-July 22) - Kinakabahan ka ba? Normal lang sa iyo ang ganyan, lalo na ngayong nahaharap sa bagong pakikipagsapalaran na ang kailangan ay maging maingat sa lahat ng bagay. Masuwerteng kulay-white.

LEO (July 23-Aug. 22) - Lahat ay nakatodo ang kilos, kaya hindi ka dapat maiwanan. Mas magandang makasabay ka sa agos ng buhay kung saan ang lahat ay walang sinasayang na araw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang mabahala kung ang iba ay umaabante. Sa huli, maaabutan mo sila at ang nakatutuwa ay malalagpasan mo ang lahat ng nauna sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nag-aabang sa iyo ang maraming masasayang kapalaran at karamihan sa mga ito ay mga suwerte sa buhay kung saan ang puso mo ay mag-uumapaw sa kagalakan at kasiyahan. Masuwerteng kulay-purple.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mawawala na ang inis mo sa mga awtoridad kapag sinubukan mong lumabas ng bahay. Magugulat ka dahil parang wala nang kinatatakutan ang tao kahit sa totoo lang ay mayroon pa. Masuwerteng kulay-pink.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Habaan mo ang iyong pasensiya. Hindi abot ng mga nasa ibaba ang mataas mong kaisipan. Huwag mong daanin sa init ng ulo ang makikita mong kahinaan nila. Masuwerteng kulay-beige.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sumakay ka sa agos ng buhay dahil mabilis ang kilos ng mga tao. Ito ang makikita mo sa mga lansangan. Kailangang mabilis ka rin nang hindi ka mapag-iwanan at madehado. Masuwerteng kulay-blue.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magtrabaho ka na muli. Tulad ng dati, huwag kang sobrang seryoso at haluan mo ng saya ang iyong mga ginagawa dahil ang totoo, sa saya ka nabubuhay at hindi sa hirap at pagpapagod. Masuwerteng kulay-black.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayong damang-dama mo na malaya na muli ang lahat, ikaw ay makikitang nasa malayo ang isip. Sa paglalakbay, may magagandang paaran na naghihintay sa iyo. Masuwerteng kulay-violet.

![endif]--![endif]--

 
 

Bulgar Horoscope

Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign ngayong taon, tatalakayin naman natin ang ugali at magiging kapalaran ng mga isinilang sa Year of the Snake ngayong Year of the Metal Rat.

Ang Snake o ahas ay ang ika-anim sa 12 animal signs ng Chinese Astrology at kung ikaw ay isinilang noong 1917, 1929, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001 at 2013, ikaw ay mapabibilang sa mga taong pinaghaharian ng impluwensiya ng animal sign na Snake.

Bagama’t kilala sa pagiging malihim at misteryoso, ang isa pang kahanga-hanga sa personalidad ng Ahas ay ang malakas na sex appeal. Sabi nga, sa sandaling pumasok na sa isang silid ang Ahas, hindi uubrang hindi siya mapansin ng lahat ng taong naroon at hindi lang siya basta mapapansin dahil lihim din siyang hahangaan ng mga nakakita sa kanya. Dahil sa kakaibang magnetismong ito, hindi niya alam na maraming naghahangad na makasama siya kahit sandaling oras o panahon lamang. Gayundin, sinasabing ang isa sa pinakamagandang career para sa Ahas ay ang maging politician o lider ng religious cult o congregation na magpapastol, aakay o gagabay sa grupo ng taong naghahangad ng kaligtasan at kapayapaan sa magulong mundong ito.

Dagdag pa rito, dahil ang Ahas ay likas na magaling na lider, may kakayahan din siyang malagpasan hanggang sa tuluyang maresolba ang kahit anong balakid na dumarating sa kanyang buhay at pamilya. Kaya anumang dumating hamon sa kanyang kongregasyon, pamilya, grupo o samahan na pinamumunuan, tiyak na ito ay kanyang masosolusyunan upang muling sumigla at lumago ang samahan.

Bukod sa pagiging mahusay na politiko at religious leader, tugma at bagay din sa Ahas ang pagiging artist. Sa sobrang lakas ng kanyang intuition o pandama sa likhang sining, mas naa-appreciate niya ang lalim at ganda ng isang obra-maestra. Dahil sa sensitibong pagkataong ito, karamihan sa mga Ahas ay nakalilikha rin ng kakaiba at kahanga-hanghangang likhang sining nang hindi niya sinasadya, lalo na sa larangan ng pagsusulat ng maikling kuwento, nobela, tula atbp. Puwede rin sa kanya ang pagpipinta at iba pang ginagamitan ng kulay at kurbada. Kaya naman ang pagigiging manunulat at visual arts ay tugmang-tugma rin sa Ahas.

Sa aspetong pandamdamin, suwetung-suweto naman sa Snake ang kasabihang “Kapag tahimik ang tubig sa ilog, asahan mong ito ay sobrang lalim.” Totoo ito dahil malalim ang pagkatao ng Ahas, mahirap talagang maarok kung ano ang kanyang binabalak at iniisip, ganundin sa pag-ibig, mahirap maarok ang gusto niya sa babae o lalaki.

Bagama’t masarap magmahal at mahalin, bihira sa Ahas na makatsambang makaranas ng maligaya at panghabambuhay na pag-ibig dahil ang tipikal nilang nararansan ay “masarap, kapana-panabik at nakakikilig pero maikli o saglit na pag-ibig,” Marami ang gumawa, sumulat at kumanta ng popular song na “Isang Linggong Pag-ibig” ay naiimpluwensiyahan ng animal sign na Snake.

Maaaring maitanong mo kung bakit bihirang makatagpo ng mahaba at pangmatagalang pag-ibig o pakikipagrelasyon ang Snake? Sakto ang sagot dahil ang isa pang ugali ng Ahas sa panahong siya ay umiibig at nagmamahal ay hindi niya ito gaanong ibinubuhos, kumbaga, lagi siyang may reserbasyon o sa kaibuturan ng kanyang pagkatao, lagi siyang may pag-aalinlangan. Ang nangyayari tuloy, hindi nararamdaman ng kanyang kapareha ang genuine na pagmamahal. Ibig sabihin, sa panahong nakikipagrelayson ang Ahas, napakatagal bago niya pakawalan ang solido at 100% na pag-ibig sa kanyang karelasyon o napupusuan.

Dagdag pa rito, dahil may kakaiba at misteryosong pagkatao ang Ahas, kadalasan ay hindi mo rin siya mauunawaan kapag siya ay nagmamahal. Minsan ay napakalambing, pero minsan naman ay mararamdaman mong tine-taken for granted ka niya o parang binabalewala ka. Minsan kasi, hindi mapigilan ng Ahas na umiiral ang kanyang pagiging makasarili despite na ayaw niyang mangyari ang ganu’n dahil mas gusto niyang ipakita na mahal niya ang kanyang karelasyon, kaya lang, sa dulo ng pagpapasya, ang totoo niyang pinoproteksiyunan ay ang kanyang sarili.

Samantala, ang isa pang napakagandang katangian ng Snake kung sakaling siya ay makarerelasyon o magiging kaibigan ay ang husay at galing niyang magpayo. Dahil likas na matalino at malalim ang kaalaman, kapag sinunod mo ang kanyang payo, ito maghahatid sa iyo ng kalutasan ng iyong problema at magdudulot ng tagumpay at ligaya sa anumang hinaharap. Kaya masasabing mapalad ang tao na hihingi ng payo sa Ahas dahil tiyak na ang ipagkakaloob na advice sa iyo ay bukod sa tama at effective, tiyak na mapakikinabangan upang lalo pa siyang magtagumpay at lumigaya.

Sa pakikipagrelasyon, tugma naman sa Snake at kapwa niya praktikal at materyosong Ox at Rooster. Sobrang ligaya at lalim ang mararamdaman ng Ahas sa kapwa niya may pagka-misteryoso tulad ng Dragon. Bukod sa Dragon, Baka at Tandang, tugma rin sa Snake ang tahimik na Tupa at ang mapagmahal at malambing na Kuneho.

Itutuloy

 
 
RECOMMENDED
bottom of page