top of page
Search
  • Maestro Honorio Ong
  • Jun 4, 2020

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 4, 2020 (Huwebes): Taglay mo ang kakayahang baguhin ang anumang gusto mong baguhin. Ito ang iyong lihim na kapangyarihan kaya gamitin mo ito sa kabutihan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mo ang anumang klase ng debate, kahit ang pagpapalitan ng mga opinyon ay iyong iwasan. Mas magandang ang asikasuhin mo ay kung paano mapabibilis ang iyong pagyaman. Masuwerteng kulay-red.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang maniwala sa hindi mo naman pinagkakatiwalaan. Mas maganda na kung sino ang tagapayo mo noon, siya ang iyong pakinggan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong dagdagan ang kapos at kulang. Ito ay kusang maaayos habang tumatakbo ang mga araw. Kapag nagpumilit ka, ang kulang at kapos ay lalong mababawasan. Masuwerteng kulay-white.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi mo kailangan ngayon ang kahit na sino dahil mas maguguluhan ka kapag may nanghimasok sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-green.

LEO (July 23-Aug. 22) - Maghiram ka ng magagandang ideya sa ibang tao hindi dahil kapos ka sa mga ito kundi para madagdagan ang mga bagong pormula na magpapabilis sa iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-yellow.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magsabi ka kung ano ang gusto mo at sabihin mo ito nang direkta. Huwag mong habaan pa ang pagsasalita dahil baka hindi ka maunawaan sa dami ng iyong mga sasabihin. Masuwerteng kulay-purple.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang mayroon ka, ‘yun ang gamitin mo. Ang mahalaga ay masimulan mo na ang gusto mong isagawa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang makisali sa hindi magkaintindihan. Mas gugulo lang ang sitwasyon at madadamay ka sa problema nila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-beige.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nabubuhay ang tao para sa kanyang kinabukasan. Huwag mo nang balikan pa ang nagdaan dahil ang ganu’ng bagay ay sagabal lang sa pag-usad ng iyong kalagayan ngayon. Masuwerteng kulay-blue.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sumunod ka sa mga lumang prinsipyo ng buhay. Maliligaw kapag sinundan mo ang mga bago at naiibang pormula ng pagpapayaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung saan ka masaya, roon ka. Walang tao na gustong mahirapan at makaranas ng kalungkutan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang umangal at sakyan mo lang ang agos ng buhay. Sa huli, masusumpungan mo ang iyong sarili na nasa harap mo na ang iyong pinapangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.

![endif]--![endif]--

 
 

Bulgar Horoscope

Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign ngayong taon, tatalakayin naman natin ang ugali at magiging kapalaran ng mga isinilang sa Year of the Snake ngayong Year of the Metal Rat.

Ang Snake o Ahas ay nahahati sa limang klase, batay sa taglay nilang elemento at ito ay ang mga sumusunod:

  • Metal Snake o Bakal na Ahas - silang mga isinilang noong 1914 at 2001

  • Water Snake o Tubig na Ahas - silang mga isinilang noong 1953 at 2013

  • Wood Snake o Kahoy na Ahas - silang mga isinilang noong 1965 at 2025

  • Fire Snake o Apoy na Ahas - silang mga isinilang noong 1917 at 1977

  • Earth Snake o Lupang Ahas - silang mga isinilang noong 1929 at 1989

Sa pagkakatong ito, tatalakayin natin ang magiging kapalaran ng Metal Snake o Bakal na Ahas ngayong 2020.

Dahil sa pagiging determinado at may matatag na kalooban, madaling makukuha ng Metal Snake ang lahat ng nais niyang makamit. Basta ang mahalaga, anumang hamon ng buhay ang dumating, hindi siya dapat sumuko dahil tiyak na ang dulo ng mga pakikipaglabang ito na kanyang nararanasan ay mauuwi rin sa malaking pagpapala at tagumpay sa kinabukasan.

Dahil na rin sa paghahangad na umunlad, yumaman at gumanda ang buhay, ngayong Year of the Metal Rat, isa-isa at dahan-dahang makakamit ng Metal Snake ang lahat ng mga hinahangad niyang ito.

Hindi lang sa career, pag-aaral o pag-establish ng kabuhayan uunlad at magiging masagana ang Metal Snake, bagkus, maaari siyang magkaroon ng kakaibang experience hinggil sa love life at pakikipagrelasyon, ‘ika nga, maaaring ngayong 2020, ngitngit sa kanyang paligid ang galak at saya dulot ng masayang pag-ibig. Pero hindi naman dapat maisakripisyo ang binubuo niyang magandang career para sa future sa sandaling umibig siya at ma-in love, sapagkat batid ng Ahas na Bakal na higit pa ring mahalaga ang pag-aaral at pag-establish ng career kaysa sa ibang bagay sa kasalukuyan.

Ang maganda pang mangyayari sa Metal Snake ay anuman ang hawak niya ngayon, maaaring karangalan, poder o posisyon o marangyang pamumuhay, may balita na ang lahat ng hawak mo ngayon na nagdudulot sa iyo ng saya at galak ay siguradong pananatilihin ng langit, kaya kahit may Covid-19 ngayon, umasa kang patungo pa rin ang iyong kapalaran – lalo na sa materyal na bagay, career at love life – sa positibo, maaliwalas at maligayang bukas.

Ang lahat ng magaganda at positibong bagay at karangalang hawak ngayon ay siguradong mapananatili mo, hindi lamang sa 2021 kundi sa marami pang taon ng iyong buhay dahil ang langit ay nagbabalitang habang pinapanaig mo nang husto at pinaiiral ang dati mong ugali na pagiging buo at malakas ang loob, magtutuluy-tuloy ang tagumpay at ang dating ng magagandang kapalaran sa iyo habambuhay.

Itutuloy

 
 

Dear Maestro

Iniwanan ako ng mister ko at sumama sa ibang babae na mas bata sa akin. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung babalik pa siya sa amin? Ang malungkot kasi nito, ako na lang ang bumubuhay sa tatlo naming anak na maliit pa, gayung wala naman akong permanenteng trabaho. Kaya sana ay bigyan n’yo ako ng mapalad na numero upang maitaguyod at mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking mga anak. December 17, 1989 ang birthday ko.

Gayundin, may chance pa kaya akong maging maligaya sa muling pag-aasawa? Madalas din akong tumataya sa lotto, kaya sana ay mabigyan n’yo ako ng numero at outlet kung saan dapat tumaya.

Umaasa,

Adelyn ng San Antonio, Mexico, Pampanga

Dear Adelyn,

Ayon sa birth date mong 17 o 8 (ang 17 ay 1+7=8), ganyan ang nakatakda sa iyong kapalaran, mabibigat na mga pagsubok ang inyong daraanan. Pero sa sandali namang ikaw ay nakalusot sa matitinding problema sa buhay, sa bandang huli, ikaw ay nakatakda ring umunlad at yumaman.

Samantala, sa tanong mo na muli kang makapag-aasawa matapos sumama sa ibang babae ang iyong mister? Ang zodiac sign mong Sagittarius ang nagsasabing ka-compatible mo silang mga isinilang sa zodiac sign na Leo, Aries, Gemini at kapwa mo Sagittarius, ganundin silang mga isinilang sa Mayo, higit lalo silang may mga birth date na 5, 14, 23, 7, 16, 25, 4, 13, 22, 31, 2, 11, 20 at 29.

Kung nagbabalak kang mag-asawa muli, ang nasabing mga lalaki ang hanapin mo at isaalang-alang na mahalain upang makatiyak ng maunlad, maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Likas ka namang mapalad mula sa ika-19 ng Nobyembre hanggang sa ika-25 ng Disyembre, mula sa ika-19 ng Marso hanggang sa ika-25 ng Abril at mula sa ika-19 ng Hulyo hanggang sa ika-25 ng Agosto, higit lalo sa mga araw ng Lunes, Biyernes, Sabado, at Linggo, sa kulay na berde, dilaw at pula.

Habang, bukod sa sarili mong numero na 8, mapalad ka rin sa lahat ng numero na may sumatotal na 5, 7 at 4, tulad ng 14, 23, 32, 41, 16, 25, 34, 43, 4, 13, 22, 31, 40, 49 at iba pang kauri nito. Puwede mo ring subukan ang 1, 18, 23, 28, 32, at 42, gayundin ang 6, 12, 26, 32, 39 at 40. Maaari ka ring humugot ng kumbinasyon mula sa grupo ng mga numerong 6708/ 5635/ 2231/ 1343.

Upang matiyak ang malaking panalo, maghanap ng lotto outlet na itim ang bintana at rehas dahil ang nasabing lotto outlet ang magpapatama sa iyo ng jackpot sa 2029 sa edad mong 40 pataas.

Habang, ayon sa iyong Love Calendar, nakatakda ka namang makapag-asawa ulit sa 2026 sa edad mong 37 pataas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page