top of page
Search
  • Maestro Honorio Ong
  • Jun 7, 2020

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 7, 2020 (Linggo): Gamitin mo ang iyong mayamang imahinasyon sa pagpapaunlad ng iyong kabuhayan. Huwag mo itong gamitin sa iba pang mga bagay.

Aries (Mar. 21-Apr. 19) - Isip ang magtuturo sa iyo kung paano mapabibilis ang iyong pag-asenso. Ito rin ay nagsasabing huwag ka munang makinig sa iyong damdamin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green.

Taurus (Apr. 20-May 20) - Wala kang dapat ipag-alala. Kumilos na para kang nagmamadali na maabot ang iyong malalaking pangarap sa buhay. Hindi puwede na ang tao ay nakatali sa kanyang takot. Masuwerteng kulay-yellow.

Gemini (May 21-June 20) - Kapag nasimulan mo, tapusin mo. Kahit medyo mabagal, kumilos ka, pero ‘wag na ‘wag mong gagawin ang pag-atras. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple.

Cancer (June 21-July 22) - Tularan mo ang malalakas ang loob. Hindi puwede na ang tao ay nananatiling mahina ang loob. Maraming kinatatakutan ang bawat isa pero kailangang umusad ng buhay. Masuwerteng kulay-pink.

Leo (July 23-Aug. 22) - Kung ang iba ay nagmamadaling umasenso, dapat ay ikaw din. Sa ganitong paraan, ang mundo ay magiging masaya at mabubuhay na lumalaban sa kahirapan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige.

Virgo (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magdalawang-isip na ibahagi sa iyong kapwa ang magagandang ideya mo. Likas kang mahiyain kaya parang may pag-aalala ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue.

Libra (Sept. 23-Oct. 22) - Sumugod ka kapag may oportunidad at huminto ka kapag wala namang patutunguhan. Ito ang simpleng susi ng tagumpay kung saan ang tao ay hindi gaanong mahihirapan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black.

Scorpio (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi nawawala ang kalaban ng tao at ang isa na rito ay ang mga sakit sa paligid. Hindi rin nawawala sa tao ang hangaring pagandahin ang kanyang buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet.

Sagittarius (Nov. 22-Dec. 21) - Lagi mong ilalagay sa isipan mo na dapat ay hindi dikit-dikit ang mga tao. Ito ang bantayan mo habang ginagampanan mo ang iyong trabaho. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.

Capricorn (Dec. 22-Jan. 19) - Isasabuhay ang ibayong pag-iingat. Ang sobrang tiwala sa sarili ay nagbubunga ng pagsisisi. Ipaalala mo rin sa mga mahal mo sa buhay na kailangan din nilang maging maingat. Masuwerteng kulay-red.

Aquarius (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang makipaglaro sa panganib. Isabuhay mo ang pagiging seryoso. Huwag mong kalimutan na nilalamon ng leon ang nakikipagharutan sa kanya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown.

Pisces (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag nagkaproblema ang plano mo, magplano ka ng panibago. Hindi masama ang pabagu-bago kapag ang layunin ay ayusin ang mali. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white.

![endif]--![endif]--

 
 
  • Maestro Honorio Ong
  • Jun 6, 2020

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 6, 2020 (Sabado): Lahat ng maganda ay para sa iyo. Kaya ang pangit ang ugali at pagkatao ay layuan mo dahil muli, magaganda lang ang para sa iyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang magpapasaya sa iyo, ‘yun ang piliin mo. Ang mga sasabihin ng iba na kung ano-anong paliwanag pero hindi ka naman magiging masaya ay huwag mong pakinggan. Masuwerteng kulay-white.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumating ang panahon at walang makakaawat at kahit ang banta ng pagkakaroon ng sakit ay walang magagawa sa pagdapo sa iyo ng magagandang kapalaran. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-green.

GEMINI (May 21-June 20) - Mag-isip kang mabuti para sumang-ayon sa mga panukalang iminumungkahi sa iyo. Hindi lahat ng magandang salita ay maganda rin ang resulta sa reyalidad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow.

CANCER (June 21-July 22) - Napakalakas ng likas mong gayuma. Para mapatunayan kung totoo ito, lumapit ka sa naiisip mong galit sa iyo dahil magugulat ka at mahahalata mo na may pagtingin siya sa iyo. Masuwerteng kulay-purple.

LEO (July 23-Aug. 22) - Gawin mo ang gusto mong gawin. Kung may sasalungat, gawin mo pa rin ito nang palihim. Bakit ka aawatin sa gusto mong gawin gayung alam mo kung ano ang magpapasaya sa iyo? Masuwerteng kulay-pink.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sumusunod ang pisikal na pagkatao sa dikta ng isipan. Kaya kapag nakadama ka ng pananamlay, humarap ka sa salamin at sabihing araw-araw ay bumubuti ang iyong kalusugan. Masuwerteng kulay-beige.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw ngayon. Pahalagahan at pakaingatan mo ang magagandang kapalarang ireregalo sa iyo ng langit at magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kunin mo ang ibinibigay sa iyo kahit hindi mo kailangan at magpasalamat ka dahil ikaw ay binigyan ng karapatan na mamili at magpasya kung sino ang iyong pagbibigyan. Masuwerteng kulay-black.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maaakit ang mga mata mo sa magaganda. Huwag kang makinig sa mga payo at mas magandang piliin ang hindi maganda sa tingin. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hawak mo ang mga alas na baraha at gamitin mo ito sa sandali ng iyong pangangailangan. Kahit malalakas ang iyong baraha, ito ay walang silbi kapag hindi ibababa sa mesa. Masuwerteng kulay-peach.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsaya at matuwa ka dahil ngayon ay mararanasan mo ang sabi-sabi na ang huling halakhak ay para lang sa inayunan ng langit at ito ay walang iba kundi ikaw. Masuwerteng kulay-red.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ikaw ang gumabay sa mga nalito sa buhay. Taglay mo ang kakayahang ituwid ang isipan ng mga nagkamali at malapit nang maligaw. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown.

![endif]--![endif]--

 
 

Bulgar Horoscope

Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign ngayong taon, tatalakayin naman natin ang ugali at magiging kapalaran ng mga isinilang sa Year of the Snake ngayong Year of the Metal Rat.

Ang Snake o Ahas ay nahahati sa limang klase, batay sa taglay nilang elemento at ito ay ang mga sumusunod:

  • Metal Snake o Bakal na Ahas - silang mga isinilang noong 1914 at 2001

  • Water Snake o Tubig na Ahas - silang mga isinilang noong 1953 at 2013

  • Wood Snake o Kahoy na Ahas - silang mga isinilang noong 1965 at 2025

  • Fire Snake o Apoy na Ahas - silang mga isinilang noong 1917 at 1977

  • Earth Snake o Lupang Ahas - silang mga isinilang noong 1929 at 1989

Sa nakaraang isyu, tinalakay natin ang kapalaran ng Bakal na Ahas o Metal Snake ngayong 2020 at sa artikulong ito, tatalakayin naman natin ang kapalaran ng Water Snake o Ahas na Tubig.

Dahil sa taglay na katalinuhan at pagiging magaling, tuluy-tuloy na gaganda at iinam ang kapalaran ng mga isinilang sa Water Snake, higit lalo kung ikaw ay Ahas na isinilang sa buwan ng Setyembre hanggang Disyembre kung saan lalong magiging mabunga at maunlad ang taong ito hanggang 2021, partikular sa aspetong pangkabuhayan at materyal na bagay.

Dahil likas ding masipag at kadalasan ay maraming inaaturga o gawain kung saan ngayong 2020, dahil sa gawaing ito, ito rin ang nagiging dahilan upang maging busy ang Water Snake, gayundin, dito nadaragdagan ang kanyang kinikita. Gayunman, dapat pa ring mag-ingat at ‘wag labis na magpagod upang mapanatili ang maganda at nasa ayos na kalusugan.

Samantala, dahil may malinaw na layunin sa buhay, maaaring tumaas nang husto ang graph ng pag-unlad ng Water Snake kung saan sa panahong ito, totodo ang kanyang pag-unlad at pagyaman na bagama’t may positibong resulta, may babala namang dahil sa dami ng materyal na pakinabang na matatamo ngayong 2020 hanggang 2021, ang mga argumento at ang tampuhang pampamilya ay hindi naman maiiwasan.

Bagama’t may mga maitatalang problemang may kaugnayan sa pamilya, ito ay madali namang matatapos at masosolusyunan. Ang babala lamang ay dapat ingatan ang kalusugan, kaya iwasang magpagod at magpuyat nang labis. Kung may iniinom na maintenance, mas maganda kung gagawin ito nang regular at iiwasang lumiban.

Samantala, upang lalong lumusog at mapakinangaban nang husto ang mga tinamong biyaya at pagpapalang pangmateryal, hindi dapat maging madamot ang Water Snake dahil sa pamamagitan ng pagbibigay nang bukal sa loob, lalo na sa pamilya at kakilala, lalong magkakaroon ng inner happiness na magreresulta upang lalo pang humaba at maligaya ang buhay ng Water Snake.

Itutuloy

 
 
RECOMMENDED
bottom of page