top of page
Search

KATANUNGAN

  1. Noong huling usap namin ng girlfriend ko, napapayag ko na siyang magpakasal ngayong taon, pero nagka-COVID kaya pinostpone na lang namin. Kaya lang, sinabi niya na bago namin ayusin ang kasal, may ipagtatapat muna siya. Lumipas ang ilang araw, sinabi niyang hindi na siya virgin dahil ang nakauna sa kanya ay ‘yung first boyfriend niya noong high school pa sila.

  2. Nang malaman ko ‘yun, parang nalungkot ako at nawalan ng gana dahil kahit minsan, hindi ko inisip na may nakauna na pala sa kanya dahil ang tingin ko ay conservative siya tulad ko.

  3. Sa ngayon, nagdadalawang-isip ako kung dapat pa bang ituloy ang aming pagpapakasal o maghanap na lang ako ng ibang babae na wala pang karanasan. Siyempre, bilang lalaki, gusto ko rin na ang babaeng ihaharap ko sa altar ay malinis at ako pa lang ang makakauna.

  4. Sa palagay n’yo, dapat na ba akong makipag-break sa kanya dahil naguguluhan ako kahit alam kong nagmamahalan naman kami?

KASAGUTAN

  1. Kung mahal mo pa rin ang isang tao at ganundin siya sa iyo, ‘wag kang makikipag-break sa kanya dahil lamang sa isyu ng virginity. Sa totoo lang, wala kang magagawa kung virgin pa ang isang babae o hindi dahil sa usaping takdang kapalaran, sapagkat sa kasalukuyan ay hindi na ikaw ang may hawak ng iyong tadhana kundi ang nakatakdang kapalaran.

  2. Ang medyo parang may island o bilog na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad ay nagsasabing maliit na kabiguan sa pag-ibig na sanhi o dahil ang nakatakda mong mapangasawa ay babaeng may nakaraan na o hindi mo gustung-gusto kung saan ang pag-aanalisang nabanggit ay madali namang kinumpirma ng hindi rin magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Ang pagiging medyo maikli na parang baluktot at parang nagdodoble, na parang magulo (arrow b.) ang nasabing Marriage Line (1-M arrow b.) tulad ng naipaliwanag na sa itaas, nakatakda kasi sa kapalaran mo ang makapag-asawa ng babaeng hindi na virgin, may nakaraan o tulad ng nasabi na ay hindi mo gustung-gusto.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Sa panahon ngayong liberated na ang mundo at moderno na ang lahat ng bagay, maaaring masabi na hindi na uso ang virgin ngayon, pero siyempre, nasa iyo pa rin kung mas ibig mong pakasalan ang babaeng inosente at wala pang karanasan.

  2. Subalit hindi rin maiaalis ang katotohanang ang isang successful at maligayang pagpapamilya ay hindi naman nakabatay sa virginity ng babae o kung virgin o hindi ang napangasawa mo. Sa halip, ang isang maligaya at maunlad na pamilya ay nakabatay pa rin sa tapat na pag-iibigan, kooperasyon at pag-uunawaan ng mag-asawa.

  3. Habang, ayon sa iyong mga datos, Jeremy, tuluy-tuloy na ang magaganap at wala nang atrasan dahil sa ayaw o gusto mo, sa 2021, matutuloy na ang inyong kasal dahil higit na mananaig sa iyong pagpapasya ang nakatakdang kapalaran at ang tunay na pagmamahalan n’yo sa isa’t isa.

  4. Tulad ng nasabi na at ang nakatakdang kapalaran ay simple lang, ang kasalukuyan mong girlfriend ang iyong mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya (Drawing A. at B. 1-M arrow b.).

 
 
  • Maestro Honorio Ong
  • Oct 24, 2020

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 24, 2020 (Sabado): Ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na kahit magkamali ka nang paulit-ulit sa buhay, pagagandahin pa rin ng langit ang iyong kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makikitang ang isip at kilos mo ay nakatuon sa pagmamahal sa mga malalapit sa iyo. Isang magandang senyales ito na nagsasabing mababalanse mo na ang iyong buhay ngayon. Masuwerteng kulay-black.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Suwerte ka ngayon dahil muling nagbalik ang mga araw na ikaw ay mapalad. Ang mga suwerteng pinalagpas mo noon ay muli ka ring babalikan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka dapat mabihag nang husto ng sinumang nagpapakita sa iyo ng maganda. Ang totoo nga, siya dapat ang maakit mo na parang ikaw na lang ang kanyang mundo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.

CANCER (June 21-July 22) - Nagbalik ang malakas mong karisma at ito ay mas malakas kaysa sa dati. Muli, pinag-iingat ka. Ang mga walang karapatan ay maaaring hindi ka tigilan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit ano ang iyong pagkaabalahan, huwag mong kaligtaan na ang paghahanda sa iyong kinabukasan ay mas mahalaga kaysa sa anumang aktibidad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kakaibang talas ng isipan ang iyong ipakikita ngayon. Nakatutuwa pero tiyak na mangyayari ito kung saan maaakit sa iyo ang taong gusto ay matalino. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagdaratingan ang magagandang kapalaran sa buhay mo. Salubungin mo ito sa pamamagitan ng pagsuusot ng masasayang kasuotan na hindi masyadong luma at hindi rin bagong-bago. Masuwerteng kulay-green.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pagmamahal ang numero-unong nasa isip at kilos mo. Kaya ang pagsasakripisyo hanggang ngayon ay hindi mo pa rin matatakasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magandang magbago naman ang takbo ng isip mo. Sa halip na tutok sa trabaho, mas magandang tutok ka naman sa minamahal. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lihim lang, mas hinahangaan ka at akit na akit sa iyo ang taong mahal mo. Kung may hihilingin ka, hindi man mabilis na maibigay, pero tiyak na mapasasakamay mo. Masuwerteng kulay-pink.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hahayaan ka lang sa mga kapritsuhan at pagkakamali mo. Bibigyan ka ng laya at panahon ng pagsasaya at ang mga ito ay makukuha mo sa taong akala mo’y inaalipin ka. Masuwerteng kulay-beige.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pag-ibig, mas makapangyarihan ito kaysa sa anumang puwersa. Ito ang tatalo sa iyo at pag-ibig din ang magpapanalo sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-blue.

 
 

Dear Maestro,

October 24, 1996 ang birthday ko at June 27, 1995 naman ang birthday ng boyfriend ko, compatible ba kami? Nais ko ring malaman kung kailan ako makapag-aasawa at kung siya na ang mapapangasawa ko? Gayundin, ako ba ay yayaman, kung oo, sa paanong paraan?

Umaasa,

Jean ng Bagbag, Novaliches, Quezon City

Dear Jean,

Ayon sa birth date mong 24 o 6 (dahil ang 24 ay 2+4=6) sa destiny number na 5 (10+24+1996=2030/ 20+30=23/ 2+3=5), sa 2021 at sa edad mong 24 pataas, makapag-aasawa ka na. Ibig sabihin, ang biglaang pag-aasawa ay magaganap ngayong 2020 o sa 2021 bago sumapit ang edad mong 25.

Hinggil naman sa compatibility, ang zodiac sign mong Scorpio ay compatible sa zodiac sign na Cancer ng boyfriend mo dahil ang Scorpio at Cancer ay kapwa pinaghaharian ng elementong water o tubig, habang ganundin sa Numerology – ang birth date mong 24 na may sumatotal na 6 (ang 24 ay 2+4=6) ay compatible rin sa birth date na 27 o 9 (ang 27 ay 2+7=9) ng boyfriend mo. Ang 6 at 9 ay kabilang sa tinatawag na grupo ng mga numerong divisible by three at nasa series of 3-6-9, kaya naman compatible kayo ng boyfriend mo at malaki ang posibilidad na kayo na ang magkatuluyan.

Sa tanong mo kung ikaw ay yayaman, ang destiny number mong 5 ang tiyak na magpapayaman sa iyo sa pamamagitan ng pagnenegosyo, pag-a-abroad o pag-aasawa ng lalaking mayaman. Kung hindi mayaman ang mapapangasawa mo, kapag nagnegosyo kayong mag-asawa, tuluy-tuloy kayong aasenso hanggang sa biglaang yumaman nang hindi n’yo namamalayan.

Ganu’n ang mga pangyayaring magaganap sa iyong kapalaran. Yayaman ka sa sandaling ikaw ay nakapag-asawa at nagnegosyo o isa sa inyong mag-asawa ang mag-a-abroad nang mag-a-abroad hanggang sa tuluyan na kayong yumaman na inaasahan at magsisimulang mangyari sa 2046 sa edad mong 50 pataas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page