top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 09, 2021


Sa may kaarawan ngayong Mayo 9, 2021 (Linggo): Malalaking tagumpay ang nag-aabang sa landas ng buhay na iyong tinatahak, kaya ang payo ay magpatuloy ka sa paglakad. Hindi ka dapat huminto o sumuko.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tapang at lakas ng loob ang kailangan mo para mapabilang ka sa mga nagtatagumpay sa kanilang larangang pinili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-18-20-23-27-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumikit ka sa mahihilig sa negosyo nang sa gayun ay marami kang matutunan at lumakas ang loob mo upang masimulan mo na rin ang matagal mo nang balak na negosyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-11-14-28-39-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi mo maiiwasan na kumilos nang kumilos. Ang payo para sa iyo habang kumikilos ka, paganahin mo ang iyong isip nang sa gayun ay hindi ka magkamali sa mga gagawin mo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-20-29-30-33-35.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang maghintay ng senyales mula sa langit. Ikaw ang hinihintay ng nasa itaas, na kapag nagawa mo ang mga unang hakbang sa iyong pag-unlad, ikaw ay bebendisyunan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-16-21-23-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ingatan mong makawala ang iyong kinikimkim na galit. Matutulad ka sa isang bulkan na bumubuga ng apoy at makasisira sa buong paligid. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-14-18-20-24-26.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Itaga mo ang sandata na iyong hawak dahil ito ang sandata ng mabilis na pagpapayaman. Sagutin mo ang tanong na, “Ano ang kabuluhan ng matalim na sandata kung hindi ito gagamitin?” Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-15-16-28-33-36.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Timbangin mo ang nangyayari sa iyong buhay. Kapag nakita mong wala ka namang napapala kundi pasakit at sakit ng ulo, gumawa ka ng paraan para matakasan ang ganu’ng kalagayan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-14-15-22-24-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Masyadong matagal kang magpasya, kung saan kahit tama ang iyong pasya ay maaaring huli na. ‘Ika nga, hindi na kailangan pa ng damo kung patay na ang kabayo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-21-27-30-31-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagpapatuloy ang pagganda ng buhay mo. Samantalahin mo at huwag kang papatangay sa mga walang kuwentang aktibidad, na magsasayang ka lang ng malalaking halaga. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-19-23-38-40-46.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Biglaan ang paglakas ng loob mo. Hindi ito maganda dahil maaaring matulad sa ningas-kugon na napakalakas ng liyab at bigla ring nawala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-13-18-29-33-36.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka matatag ngayon. Ang “Oo” mo ay biglang magiging “Hindi” at ang “Hindi” mo ay biglang magiging “Oo”. Umiwas ka sa sitwasyon na ikaw ay kailangang magpasya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-19-21-25-28-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi masasayang ang mawawala sa iyo. Dahil madaragdagan naman ang mga karanasan mo at ito ang pinakamahusay na guro. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-15-22-29-30-38

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 20, 2021



Sa may kaarawan ngayong Marso 20, 2021 (Sabado): Taglay mo ang kapangyarihan ng kutob at bukod sa hindi magagandang nangyayari, makukutuban mo rin ang mga positibong magaganap pa lang.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Malakas ang iyong damdamin ngayon, kaya mag-ingat ka dahil maaari itong makaapekto sa pangkabuhayang aspeto. Kontrolin mo ang iyong emosyon, lalo na ang iyong awa sa kapwa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-20-24-39-41-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hihina ang loob mo ngayon at maaaring hindi mo magawa ang pangako mo sa iyong sarili na ang tututukan mo ay ang iyong ambisyon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-21-25-29-30-33.


GEMINI (May 21-June 20) - Madali kang madaya at mapaniwala ngayon. Mas magandang ang magpasya sa iyo ay ang malapit sa puso mo o ang iyong pinagkakatiwalaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-15-18-24-29-35.


CANCER (June 21-July 22) - Muling dumating ang mga araw mo at ito ay magsisimula ngayon kung kailan malaya at mabilis mong magagawa ang anumang gusto mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-13-14-28-31-32.


LEO (July 23-Aug. 22) - Maaaring hindi mo paniwalaan na ang mga suwerte mo ay nasa mga bilugan ang mukha at mataba. Gandahan mo ang pakikiharap sa kanila dahil sila mismo ang pampasuwerte mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-17-24-29-31-32.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magpatalo sa negatibong pananaw na labas-pasok sa isip mo. Tandaan mo na ang negatibong kaisipan ay nagbubunga rin negatibong bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-17-22-28-34-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Walang dapat manghimasok sa ipapasya mo. Magkakamali at mapapahamak ka kapag pinakinggan mo ang ibang tao at hindi ang iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-16-28-30-39-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maganda sa tao ang kontrolado niya ang kanyang sarili. Mag-utos ka at pasunurin mo ang iyong sarili. Magagawa mo ito dahil kahit naman noon ay hawak mo ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-9-11-13-20-21.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ka. Ang katotohanan ay nagsasabing sa tigas iyong paninindigan, ang titindigan mo ay kamalian. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-14-18-29-30-35.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malaki ang tsansa na maging emosyonal ka. Kapag nahalata mong ganu’n ka, ibalik mo ang pagiging praktikal na iyong kailangan para mabilis umunlad ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-11-16-22-27-33.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi lang sa materyal na bagay nabubuhay ang tao dahil tulad sa mga araw na ito, kailangan mo rin ang matamis na pakikipaglambingan sa iyong karelasyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-11-17-20-39-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makakabahagi ka sa mga suwerteng ihuhulog ng langit. Para malalaki at marami ang mapasaiyo, gumawa ka ng kabutihan sa hindi mo naman kakilala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-19-21-25-34

 
 

Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign. Sa pagkakataong ito, pag-usapan natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Pig o Baboy ngayong Year of the Metal Rat at hanggang sa 2021 o Taon ng Gintong Baka o Metal Ox.

Kung ikaw ay isinilang noong 1923, 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007 at 2019, ikaw ay mapabibilang sa animal sign na Pig o Baboy.

Bagama’t may katalinuhan ang Baboy, kadalasan ay hindi naman siya nagseseryoso sa kanyang talino, sa halip, kadalasan ay ginagamit at inaaksaya lamang niya ang buhay sa pa-easy-easyng gawain. At kahit sabihin pang mahirap talagang gawin ang isang aturgahin, tulad ng nasabi na, sa sobrang positibo niyang attitude, ito ay nagagawa niyang padaliin.

Bukod sa hangad ng isang Baboy na madaliin at padaliin ang anumang ginagawa at magpa-easy-easy lang sa buhay, karamihan sa kanila ay matatagpuang payapa at palaging kalmante sa buhay. Mas pinipili nila ang masasarap na pagkain, magagandang gamit sa bahay, magagandang tanawin at ang maging relaks at paeasy-easy lang. Kapag nakakita ka ng lalaki o babaeng sa isang araw ng Linggo ay nakasakay sa duyan na nakatali sa magkabilang puno ng mangga na paugoy-ugoy lang at nagkukutkot ng sitsirya, siguradong siya ay isang Baboy.

Tunay ngang sa 12 animal signs na ipinatawag ni Lord Buddha sa kanyang palasyo, walang ibang pinaka-relaks, kampante at masaya ang buhay, kundi ang tila wala naman talagang kaproble-problemang nilalang na Baboy, kahit sabihin pang siya ang kahuli-hulihang dumating sa nasabing patawag ni Lord Buddha sa kanyang palasyo.

Sinasabing tulad ng attitude niya sa buhay, madali namang magtatagumpay ang Baboy sa mga career o gawaing may kaugnayan sa negosyo, pagba-buy and sell, pamumulitika, charitable works at iba pang gawaing naka-expose sa lipunan at namimigay ng kung anu-anong bagay, na siyang gawain na laging nagpapasaya sa isang Baboy. Magaling din siyang mamahala ng mga tao, mahusay magsalita, napakagalante at caring sa kanyang mga nasasakupan at talaga namang maalalahanin at mapagmahal sa kanyang mga kliyente. Kaya naman isa ang Baboy sa mga animal sign na kusang yumayaman dahil sa pagnenegosyo.

Sa aspetong damdamin, pag-ibig at pakikipagrelasyon, hindi kayang itago ng isang Baboy ang kanyang emosyon o ang kanyang nadarama. Kaya kapag may mahal siyang tao, kahit anong tago at sikreto ang gawin niya, tiyak na mahahalata ito ng mga taong nakapaligid sa kanya. Kapag naman ipinadarama niya ang kanyang feelings at pagmamahal sa lahat ng paraan at pagkakataong bonggang-bongga niya itong naisagawa, kumbaga, ibibigay, sasabihin at ipagkakaloob lahat ng Baboy ang higit pa sa kanyang sarili, basta mapaligaya lamang niya ang mga taong mahal na mahal niya. At dahil sobrang expressive kung magmahal, sobrang sakit din naman kapag siya ay nabigo. Ngunit sinasabing gaanuman karami ang mga kabiguan sa pag-ibig at pakikipagrelasyon ang naranasan ng Baboy na tulad mo, hindi ka pa rin dapat malungkot. Dahil ang totoo nito, kahit marami kang kabiguang naranasan sa pag-ibig at pakikipagrelasyong pinasok, sa huling parte ng makulay na buhay mo, pinaglaanan ka pa rin ng tadhana at kapalaran ng kumpleto at maligayang pamilya at pag-ibig habambuhay.

Itutuloy

 
 
RECOMMENDED
bottom of page